Nagising ako dahil may gumalaw sa tabi ko at maya't maya ay may naramdaman akong mainit na labing humalik sa aking noo. Nanatili akong nakapikit dahil hindi ko alam kung paanong reaksyon ang ipapakita ko kay Shania dahil sa ginawa niya. Hindi na naman nagpatalo ang maharot kong puso at tuluyan nang bumilis at lumakas ang pagtibok nito, halatang tuwang tuwa. Minulat ko nang kaunti ang isang mata ko nang maramdaman kong wala na siya rito sa bed ko. Nakagat ko ang loob ng ibabang labi ko nang makitang kasalukuyan siya ngayong nagsusuot ng damit. Para na naman akong nag-iinit dahil sa nakikita ko ngayon-s**t! Bakit ba ang sexy niya? Ang kinis at ang puti ng balat niya, walang kahit na anong bahid ng galos o peklat. Noong alam kong haharap siya sa akin ay muli kong pinikit ang mg

