"Why did you do that?" Singhal ko nang makauwi kami sa bahay nila. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako at hindi pa rin makapaniwalang nagawa niya iyon. Hindi ko iyon inaasahan. Lahat ng mga ginagawa niya, lahat ng mga galaw niya ay hindi ko inaasahan. Ni hindi ko man lang naisip na magagawa niya ang mga iyon. "Tsk, slow," mahina ngunit rinig ko ang sinabi niya. Mas lalong kumunot ang noo ko, "anong slow?" "I did that to shut you up. Ang ingay mo, Savien," tila naiiritang sambit niya. Wow! Ang ganda nang naisip niyang paraan para patahimikin ako, "tangina," tanging nasabi ko na lang. "It's just a kiss." Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi, "it's not just a kiss, Shania. Hindi mo alam kung anong epekto no'n sa aki–" natigilan ako sa sinabi ko. s**t! Bakit ko ba 'yon

