Para akong tangang nakatingin sa kamay ko ngayon at maya't maya ay napapahawak ako sa sarili kong labi. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa isipan ko. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil dito. It's already 12 midnight at hanggang ngayon ay gising pa ako at ni konting antok ay wala akong maramdaman. Siguro dahil nasanay akong laging madaling araw na natutulog because of my work. Malakas din ang ulan simula kaninang makauwi kami at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil. May bagyo ba? Masarap sanang matulog ngayon dahil sa naririnig kong raindrops kaso ay hindi pa talaga ako inaantok. Kumusta na kaya ang mga kabanda ko ngayon? For sure naman ay kaya nila 'yon kahit wala ako. Hindi lang sila magaling tumugtog ng iba't ibang instruments

