"The more I fall for you, the more I hate myself for falling 'Cause I know, I know the truth is we can never be together. My heart, my heart tells me this is right, But my mind knows the difference between wanting what you can't have... And wanting you shouldn't want I, I shouldn't want you," Natigilan ako sa pagkanta maging ang pagtugtog ng mga kabanda ko nang mapansin si Christian na nakahawak ng cellphone at tila vinivideohan kami. Nakaupo siya ngayon sa barstool at ngiting ngiti pa ang gago. "Oy, ano 'yan?" Tanong ko sa kanya, "vinivideo mo kami?" "Hindi, ah. May katext ako. Bakit ko kayo ivi-video?" Sabi nito at binulsa na ang kanyang cellphone. Day-off niya raw ngayon at masyado siyang naboboring sa unit niya kaya nandito siya ngayon. Nagulat kami sa pagdating niya.

