"Bulaga! Kanina mo pa pinapanood 'yang videong 'yan, paulit ulit. At para ka ring tangang nakangiti. Sino ba 'yan? Girlfriend mo? Patingin." Kukunin na sana ni Christian ang cellphone ko pero agad ko itong nilayo sa kanya at sinaksakan ang bunganga niya ng pizza, "wala 'yon," sambit ko at binulsa na ang cellphone ko. Nandito ako ngayon sa unit ni Christian, dumiretso ako rito matapos ang practice namin kanina para makikain sa kanya. Napansin niya pa lang kanina ko pa tinitignan at pinapanood ang video ni Shania sa akin. Iyong video niya sa toy shop na tumatawa kasama si Silver. Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin at hindi ko pa binubura. "Sus, 'yang mga ngiting 'yan. Ngiting in love," pang-aasar pa nito at pabagsak na naupo sa sofa saka binuksan niya ang kanyang TV. Muli siyang

