"Sav, did you see Shania? Umalis lang ako saglit sa bar wala na siya." Napalingon ako kay Kuya nang tawagin niya ako at magtanong. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa dibdib ko nang makita ko siya. "Nakita ko siyang naglakad kanina papunta roon," turo ko sa direksyon na pinuntahan ng kaniyang asawa matapos ang pangyayari sa bar kanina at matapos niya akong iwanan. "Sige, puntahan ko lang siya. Bumalik ka na rin sa room mo." Tinanguhan ko lang siya hanggang sa makaalis siya. Muli akong napakapa sa dibdib ko at naglakad na malapit sa dagat. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko na talaga maintindihan iyong puso ko. Lagi na lang akong kinakabahan sa tuwing may ginagawang unusual si Shania sa akin. Bumuntong-hininga ako at pinaglaruan ang buhangin sa paanan ko. Siguro nga hindi la

