"Thank you talaga. Kung hindi lang importante iyong meeting ko ay hindi ko talaga iiwan itong anak ko. Walang mangyayari sa amin dalawa kung hindi ako papasok sa trabaho, alam mo naman 'yon, Shania." "Yeah." "Pati itong kapatid ni Steve naabala na, pasensya na talaga." Ngumiti ako at tumango, "nako, wala 'yon. Ang cute ng anak mo," ang cute hambalusin at saksakin ng tinidor. Nandito na kami ngayon sa isang restaurant matapos ang pagtatalo at paghihirap namin kanina ni Shania sa batang alagad ni satanas. Mabuti na lang at dumating na kanina ang mommy ni Silver bago pa man niya ipilit iyong gusto niyang halikan ako ni Shania, kung hindi ay siguradong mababaliw na ako. "Ha?" Napatingin ako sa batang alagad ni Satanas, "I said you are cute." "Hakdog!" "Silver, stop it!" Nako!

