"C-can you call Harold?" Nanginginig pa rin na sabi ko kay Harris. "Kanina ko pa tinatawagan but he's not also answering my calls. s**t! Wait here. Charles, tara tignan natin sila," namumula na rin si Haris dahil sa pag-aalala. Kasama si Charles ay nagmadali silang pumunta sa sasakyan. Naramdaman ko ang paghagod ni Bianca sa likod ko, "shh, hindi sila 'yon. Nagkataon lang na hindi sila sumasagot sa tawag," pagpapakalma nito sa akin. Tangina, sana nga hindi sila 'yon. Ako ang nagsama kay Shania rito at siguradong malalagot ako kay Kuya kung sakali man. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila. Bago pa man mapaandar nila Charles ang sasakyan ay nakita na namin sila Harold na nasa single motor at sa likod niya ay si Shania. Nang makababa sila ay

