Chapter 1
Chapter 1
- Sia's POV -
Alas-singko ng umaga ako nagising. Agad akong naligo, nagbihis, at pumunta sa ibaba para maghapunan. Pagbaba ko doon ay naroon na ang dalawa kong kapatid habang ang bunso namin ay natutulog pa.
Ako si Sia Rosales. Isa akong professor. Nagtuturo ako sa isang school at minsan ay nag-re-research din ako tungkol sa ibang mga bagay. I'm 29 years old. I'm single, for life.
"Good morning." Masaya kong bati. Agad akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng halik.
"Ate, ano ba? Ang aga-aga nanghahalik ka nanaman." Reklamo ni Sam.
"Ako nalang, ate. Damihan mo pa." Sabi ni Sarah.
"Ayoko nga." Natatawa kong sabi. "Tulog parin si Solane?" Tanong ko.
"As usual." Sagot ni Sam.
"Sam, kumusta nga pala yung pinakilala ko sayo?" Tanong ko.
"Ayoko. He's a trouble." Sabi nya at nagpatuloy na ulit sa pagkain.
"Ikaw, kailan ka mag-aasawa? 29 ka na, Sia. Matanda ka na." Sabi ni Mommy.
"Mom, I'm not old enough." Sabi ko at napanguso. Bigla namang sumulpot si Solane at parang nahihiya pa ito dahil sa kilos nya.
"Mga ate's, may extra ba kayong sanitary pads?" Nahihiyang tanong nito.
"Sinabi na kasi sayong palagi kang bibili ng mga importanteng gamit katulad nyan. Hindi ka kasi nakikinig, ehh." Panenermon sa kanya ni Sam.
"Sam, wag mo nang sermonan ang kapatid mo, bigyan mo nalang." Sabi ko. Nag-iwas naman ito ng tingin sabay sabing.
"Wala din ako, ehh." Napabuntong-hininga ako naman ako. Nagpipigil na magsalita pa. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa storage room para kumuha doon.
"Bago ka kasi lumapit sa amin, i-check mo kasi muna tong storage room." Sabi ko sa kanya. Tumango naman ang nakababata kong kapatid at mabilis na umalis. Ako naman ay agad pumunta sa lamesa.
Pagdating ko doon ay naroon na si Dad at nagsisimula na ding kumain. Lumapit ako sa kanya at humalik. Tapos ay dumating na rin si Solane at halata ang pagtataka kay Daddy. Siguro ay hindi sya sanay na makita ang nakababata naming kapatid sa hapag tuwing umaga.
"Ang aga mo ata, Solane." Sabi ni Dad.
"Red days." Maikling sagot ni Solane. Shempre, mahinhin parin. Tumango-tango si Dad at nagsimula nang kumain.
Si Dad ay isang entrepreneur na mahilig sa casino. Dati ay muntik nang mabaon sa utang ang companya namin dahil sa gabi-gabi nyang paglalaro doon pero ngayon ay tumigil na sya. Natakot din kasi syang mawala ang companya at hiwalayan sya ni Mommy.
Si Sarah ang kasunod kong kapatid. Isa itong singer at iniingatan ng mabuti ang boses nya kaya kung ano-anong herbal at tea ang iniinom nya para mas gumanda pa ang boses nya. Meron na itong hit songs at may dolyar-dolyar na sales mapa-dito sa bansa at overseas.
Si Sam or Samantha naman ay isang Dermatologist. Sa aming magkakapatid ay sya ang pinakamatalino dahil nag-aral din ito ng Psychology at isa din sya OB. Napaseryosong tao nito ni Sam at nakuha nya ang pagiging seryoso ni Mommy.
Si Solane naman ang pinakamabait at ang dalagang pilipina ng bahay namin. Sobrang hinhin at di makabasag pinggan ang bunso namin pero naroon din ang pagiging pure beauty nito. Sobrang makinis ang balat at talagang mahubog ang katawan.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa school dahil ayokong malate. Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta ng principal's office para mag-attendance at pagkatapos ay pumuta akong faculty room para ilagay ang mga gamit ko.
________________________________
- Matias' POV -
Pagkagising ko ay agad akong tumayo at nag-inat-inat. Pagkatapos ay dumiretso ako ng baba para magjogging. Naabutan ko doon ang ilang mga tao na papasok na sa mga trabaho nila habang ang iba ay mag-jo-jogging lang din.
Agad akong lumabas at bumungad sa akin ang malamig na hangin. Isinaksak ko sa tainga ko airpods ko at doon nagpatugtog habang mag-jo-jogging ako. Maya-maya pa ay napagod na ako kaya bumalik na ako sa condo ko.
Pagbalik ko doon ay naghanda ako ng pagkain at kumain. Tapos ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa mga kaibigan ko. Gusto daw nilang makipagkita at sumagot naman ako dahil matagal na din ang huling nagkita kami.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa tagpuan namin at nagsabi nalang ako sa residents doctor sa ospital na mamaya pa ako papasok at sila na muna ang bahala. Kaagad din kaming nagkita-kita at di na sila kailangang hanapin.
"Bro, kumusta?" Sabi ni Zai.
"You look decent." Sabi ko, nang-aasar.
"Kailangan ba naging decent sa loob yan?" Sabat naman ni Jace.
"Tumigil nga kayo, pare-pareho lang naman kayo." Sabat naman ni Aidan.
"Kumusta na kayo? Si Genny at Lucas. Ikinasal na daw, ahh? Hindi nyo ba nabalitaan?" Sabi ni Lander.
"'Apaka chismoso mo talaga, Lander." Sabi ni Renzo.
"Ikinasal lang yan dahil sa mga magulang nila. Paniguradong pinilit lang ang mga yon." Sabi ko.
"Sus, ayan ka nanaman sa mga predictions mo." Sabi nanaman ni Renzo.
"Bakit ba ang dami mong reklamo?" Angal naman ni Zai.
"Ayan ka nanaman sa pagiging moody mo." Nang-aasar nang sabi ni Renzo.
"Bro, you're crazy. Shut up." Sabat ni Aidan.
"Sus, isa ka pーーー"
"Hindi ka ba talaga tatahimik?" Sabi ni Jace at sinubuan ng pagkain ang bibig ni Renzo. Ayon at talagang natahimik na sya.
"This is good." Sabi ni Renzo at kumuha pa at kumain na ng kumain.
"Hay... Kailan kaya ako ikakasal?" Sabi ni Zai habang ang itsura ay parang napakalaki nitong problema.
"Sus, baka mauna pa si Matias sayo." Sabi nanaman ni Renzo.
"Yan? Si Matias? Magiging matanda na yan, forever. Hindi pa nga nagkakagirlfriend yan, ehh. Napakababaero pa." Sabi ni Zai. Umirap naman ako sa hangin.
Maya-maya pa ay isa-isa na kaming nagpaalam at agad na akong pumasok sa trabaho ko. Madami ang mga pasyente ngayon kaya magiging busy kami ngayong araw. Mas trahedya sa amin kapag may aksidenteng nangyari at dito itinakbo lahat.
By the way, Ako si Matias Flores. I'm a doctor and three years na ako sa propesyon kong ito. 29 years old na ako at I'm still single. Marami pa akong gustong malaman at ang pangarap ko ay maging awardee sa greatest research of the year.
Kahit ako naman talaga nagnananalo every year, hindi ako sumusuko hanggat hindi sumusuko si Sia. Si Sia kasi ang pinakamasipag na tao at may mga times na malapit na nya akong matalo pero sadyang magaling talaga ako.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ko papunta sa bagong pasyente ko ng bigla akong makatanggap ng imbitasyon galing sa isang kaibigan. Sinasabi nito na gusto nya akong makita sa kaarawan nya at sinabi pang wag kong awayin ang kaibigan nya. As if naman ako ang warfreak sa aming dalawa.
________________________________
- Sia's POV -
Every year ay nag-vo-volunteer ako para magresearch at maging researcher of the year. Kaso, palaging naroon ang pangalan ng mortal enemy ko, si Matias. Simula pagkabata ay naglalaban na kami, sa grades, sa attention ng mga tao, sa lahat.
Palagi nya akong natatalo. Palagi akong sinasabihan ng mga magulang ko na ok na daw iyon, proud na sila sa akin dahil mataas na din iyon. Pero dahil talagang hinahamon ako ng lalaki iyon ay talagang mas ginusto kong malamangan sya.
Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso ako sa next class ko at doon ay nagkasalubong ko si Ivan. Ang lalaking patay na patay sa akin at talagang sinundan nya ako sa pagiging professor at researcher ko. Ganon sya kapatay na patay sa akin.
"Hi, lady. I'm morning is so nice, just like you." Sabi nya pa habang nakangiti.
"My morning is not nice and it get more worst because I accidentally met you today." Sabi ko at iniwan na sya doon mag-isa.
"You're welcome, then!" Pahabol pa nya na parang nagpapasalamat pa ako at binigyan nya akong ng isang magandang complement.
Nang makarating ako sa next class ko ay agad ko itong sinimulan at hindi na nagsayang ng kahit isang minuto. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako ng faculty room at binuksan doon ang phone ko. Doon ko nakita ang text ni Kamilla, kaibigan ko.
Kamilla:
Punta ka sa birthday ko mamaya. Sa D' Hall.
Me:
Sige. Happy birthday.
Kamilla:
I'm accepting cash, not greetings.
Me:
Yeah, yeah. Whatever.
Napailing nalang ako at dumiretso na sa cafeteria para mag-lunch. Pagkatapos ko mag-lunch ay dumiretso na ako sa next class ko at nang matapos na ako ay agad akong umuwi at naghanda na para sa birthday ni Kamilla.
- To Be Continued -
(December 20, 2021)