Sa tuwing nakikita ko ang mga nagtataasang mga bahay sa paligid kung saan din kami nakatira ay hindi ko maiwasan na maalala rin ang bahay na aming kinalakihan ng aking mga nakatatandang kapatid. Kamusta na kaya ang mansyon namin? May nakabili na kaya? May ibang pamilya na kaya ang nakatira? Sinong pamilya? Kilala ba namin? Madalas ko rin na isipin kung paano nauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko dahil pati ang kumpanya na itinatag ni Papa ay nawala ng basta-basta, gayong alam ko na mahusay sa paghawak ng negosyo ang sinuman sa mga magulang ko. Paanong nangyari na nalugi sila at hindi nakabawi? Isang araw ay pupuntahan ko ang aming dating family lawyer para tanungin pa ang ilang detalye tungkol sa kung anong ang nangyari sa mga ari-arian ng mga magulang ko. "Abby,"

