"Abby," Mula sa pagpindot ko ng mga numero sa calculator ay lumingon ako kay Ate April na siyang tumawag sa pangalan ko. Kunot-noo akong napatingin sa kanya at saka inalis ang makapal na salamin sa mga malabo kong mga mata at ipinatong ko sa aking kandungan. Pumasok naman ang nakakatanda kong kapatid sa loob ng tindahan. "Dumaan si Hanz at nagpaalam sa akin kung pwede ba raw siyang dumalaw sa bahay mamayang gabi." Imporma ni Ate April. Ngunit sa halip na magkomento ay hinilot ko na lang ang taas ng aking ilong. Nagbigay na ako ng pahayag sa lalaking iyon. Wala siyang aasahan sa akin dahil naka pokus talaga ako ngayon sa pagpapayaman. "Mukhang seryoso si Hanz sayo? Hindi na nga raw siya magpapakita sayo dahil alam niyang busy ka at ayaw ka niyang maabala sa kung anong ginagawa mo,"

