Halos kinaladkad ko na lang ang aking mga paa upang makalakad pauwi. Pilit ko pa rin na nilalabanan ang antok upang makarating ng ligtas sa bahay kung saan kami tumutuloy ni Mama at ni Loisa. Pagod na pagod ako sa trabaho halos sa araw-araw na buhay ko. Hindi lang kasi si Mama ang dapat kong suportahan sa gamutan niya laban sa kanyang sakit. May mga utang ako na dapat bayaran kaya ganito ako nagpapakasubsob sa trabaho. Utang na hindi akin ngunit inako ko ang pagbabayad upang ako na lang ang guluhin ng mga taong may-ari ng malalaking halaga ng pera. Kung pwede nga lang ay doblehin ko na ang katawan ko para madagdagan pa ang mga trabaho ko upang mas mabilis na makaipon pambayad. Ganito na ang buhay ko sa nagdaan na mga taon. Tinanggap ko talaga ang offer sa akin dito sa Finland dahi

