Dinala ako ng aking mga paa sa bahay ng mga Dela Vega. Dito talaga ang balak kong puntahan upang linawin ang mga bagay-bagay kay Lyndon. Kailangan kong alamin kung totoo nga ba ang mga narinig kong paratang ng aming family lawyer sa dati kong asawa. Gusto kong malaman mula mismong bibig ni Lyndon kung ano ang mga dahilan at kung tunay nga ba na kabilang siya sa mga tao na nagpabagsak sa mga negosyo ng aking mga magulang hanggang sa mawala na nga ng kahit anong ari-arian sina Mama at Papa. At kung bakit nagkita sila noong araw na namatay ang mga magulang ko sa isang malagim na aksidente? Ano ang pinag-usapan nila bago pa mawala sa mundo sina Mama at Papa? "Good morning po," isang pilit at pekeng ngiti ang nakapaskil sa aking labi ng buksan na ang nakapanid na gate ng isa sa mga kasamba

