Ngayon na ang alis ni Lyndon pabalik ng Finland at sa halip na nagtitinda ako sa palengke ay magkakasama kaming tatlo. Si Lyndon, ako at ang aming nag-iisang anak. Nakiusap sa akin ang dati kong asawa na kung pwede ay sumama muna ako sa pamamasyal nila ni Andrea para naman daw magkaroon ng alaala ang anak namin kung saan magkakasama kami bilang isang buong pamilya. Dahil sa anak ko, sumama ako kahit sa totoo lang ay ayoko. "Bakit ba kasi sobrang bilis ng araw? Parang kanina lang ng dumating ako sa tapat ng bahay niyo tapos aalis na ako mamaya." Reklamo ni Lyndon. Narito kami sa isang park. Alam ko ay minsan na akong nakarating dito noon. Naalala ko pa nga na may isang lalaki ang nagpropose ng kasal sa kanyang nobya. Palihim akong napagiti ng may halong pait. Dahil habang masayang-ma

