"Auntie, ang dami mo yatang kinita ngayong araw? Kanina ka diyan pero hindi matapo-tapos ang pagpindot mo sa calculator at kung anong nililista mo diyan sa mga notebook mo." Inalis ko ang makapal na salamin sa aking mga mata dahil pakiramdam ko ay nahihilo na rin ako. Kailangan ko kasing maglista talaga ng mga pumapasok na pera at pati na rin ang mga ginagastos ko ng palabas sa mga kita. Tama ang pamangkin kong si Erin. Kanina pa nga ako rito sa lamesa sa kusina. Kanina ng dumating siya galing sa kanyang university ay narito na ako. Pero tapos na rin naman ako. Kailangan ko lang talagang siguraduhin na tama ang kwenta at wala akong nakalimutan na inilista. "Mabuti na kasi ang sigurado ako sa ginagawa kong pagkwenta, Erin. At huwag kang mag-alala at tapos na ako. Heto na nga at ililigp

