"Ate Abby, mabuti at dumating ka na. May babae na naghihintay sayo kanina pa," saad ng isa sa mga tindera ko sa tindahan. Umalis ako saglit dahil hinatid ko na muna si Andrea sa school. Pinasok ko na siya bilang nursery student sa isang private school. Buong akala ko nga ay gaya ng ibang mga bata ay iiyak siya at hindi magpapa-iwan sa loob ng kanyang classroom. Pero hindi pala, enjoy na nga siya sa bago niyang kapaligiran kahit pa sanay siya na lagi akong kasama o kaya ay ang mga kilala niya lang ang sinasamahan. Hindi talaga ako makaalis-alis. Sinisilip-silip ko pa ang anak ko sa loob ng kanyang classroom dahil baka mamaya ay bigla na lang niya akong hanapin sa paligid at umiyak kapag hindi niya ako mahanap. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan siyang nakikisaba

