"Kung ganun pala ay pinuntahan ka ni Crissan? Magaling na ba siya at nakalabas na mula sa mental hospital kung saan siya nagpapagamot?" tanong ni Ate April ng mabanggit ko na pinuntahan ako ng dating babae ng asawa ko sa pwesto sa palengke. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang mga inamin sa akin tungkol sa nakaraan na sila na lang ni Lyndon ang nakakaalam. Mukha na rin naman siyang matino at muli ng bumalik sa dati niyang huwisyo. Hindi na siya bayolente at gaya ng dati ay mahinahon na siyang magsalita. "Bakit kaya hindi sinabi ni Lyndon ang tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Crissan?" ang tanong muli ni April. Hindi ko rin alam. Matay ko man din isipin kung bakit ay hindi ko mawawaan kung ano ba talaga ang dahilan ni Lyndon kung bakit wala man siyang

