Gulong-gulo ang isip ko sa lahat ng mga nalaman na katotohan kay Crissan at ngayon naman ay kay Dark Lee. Naiiyak ako na hindi ko alam kung bakit? Natataranta ako na wala naman dapat ikataranta. Kumakalabog ang puso ko at tila nabibingi na ako sa lakas nito. Wala naman sigurong dahilan ang misteryosong lalaki para humabi ng kasinungalingan tungkol kay Lyndon. Kaya malamang na ang dati ko ngang asawa ang siyang nagdusa na magbayad ng lahat ng utang ng aming mga magulang. Kung kaya naman kahit isa man sa mga taong iyon ay walang nanggugulo sa aming magkakapatid. "Miss Abby Kabiling? Thank you naman at dinalaw mo ako ngayon, hija. May maipaglilingkod ba ako?" ang masiglang pagsalubong sa akin ng dati naming aming family lawyer. Sinadya ko talaga siya dito sa kanyang opisina. Naisip ko

