Pagkatapos kong magsara ng mga tindahan ko sa palengke ay dinala ako ng mga paa ko sa isang malapit na mall at nag tuloy ako sa isang sikat na bookstore. Madalas kapag nagpupunta ako sa ganitong lugar ay mga children's book ang madalas kong bilhin at kung anu-ano pang gamit para kay Andrea. Ngunit iba ang hinanap ng aking mga mata ngayon. Sa hanay ng cooking book ako na nagawi. At hindi ko maintindihan kung bakit parang may mga paru-paro na nagliliparan sa aking sikmura ng muli akong makahawak ng ganitong klase ng mga libro. Nagniningning aking mga mata at tila nanginginig pa ang aking mga kamay ng makita at mahawakan ko na ang mga libro na siyang dati kong libangan na basahin. Sa ilang taon ko na paghinto sa isang bagay na nakasanayan kong gawin at kusa na iniwan sapagkat ito ay nag

