Chapter 1
Thaddeus Pov
I'm Thaddeus Laurel the CEO of Laurel Corporation and at the same time, Owner of TL Media Advertisement and have several branches international, he's territorial and cold-hearted man. His people are calling him the 'Beast' but he doesn't mind it all. He's a Lola's boy and whatever her grandmother's request ay sinusunod niya.
Naalala niya noong nangyare sa past niya, grabe yong iyak niya sa kanyang lola nang makauwi siya. Pinayohan siya nitong harapin ang fears niya dahil hindi siya tuloyang magiging masaya kong may masisira siyang buhay, kahit masakit ay pinalaya niya ang taong naging dahilan kong bakit siya nagkaroon nang trauma sa pag-ibig it's because of his past.
"Apo ang lalim naman nang iniisip mo nasa Pilipinas pa ba iyan o nasa ibang bansa?" napalingon ako sa may-ari nang boses nakita ko si lola na nakatayo sa may hamba nang pinto.
"Hi la bakit hindi pa po kayo natutulog?" tanong ko dito nang makalapit ito, umupo ito sa tabi ko.
"Hindi pa naman rin ako inaantok apo hayaan mo muna akong magpahangin saglit, minsan lang naman. Kamusta naman ang linggo mo apo?" tanong nito sa akin,
"Okay naman po la medyo pagod lang ako this past few days, over load po ako pero kaya naman po." sagot ko dito upang hindi na ito mag worry sa akin.
"Don't over work yourself iho may mga trusted people naman tayo, why don;t you take a vacation para makapag relax ka rin kahit minsan." suhesyon nito, napangiti nalang ako.
Kahit kailan talaga ay napaka sweet ni lola both naman sila ni lolo and ang cool nang parents ko. Kaya minsan ay namimiss ko ito kapag nasa office ako or out of town, parang gusto ko nalang umuwi upang makasama ko ang mga ito.
"Kamusta naman ang puso mo iho?" napatigil ako sa tanong nito,
"As usual wala naman po at hindi po ito ang priority ko la, alam niyo po iyan if ever man po na mayroon ay kayo ang unang makakaalam nito." sagot ko sa tanong ni lola,
"Wala pa rin ba iho? It's been a three years na pero wala ka paring pinapakilala sa akin. baka mamaya ay mabalitaan ko nalang na may anak ka na pala." tudyo nito sa akin, I know lola wants a grandchild but I'm not ready yet.
"Lola nag-iingat po ako don't worry, at kong mayroon man po ayaw niyo po noon may instant apo na po kayo." saad ko dito, sinamaan naman ako nito nang tingin,
"Oo at gusto ko nang apo pero hindi ko pinangarap na magkaroon nang broken family ang apo ko Thaddeus kaya umayos ka." banta nito sa akin, natawa nalang ako dito.
"Just kidding po don't worry la ayaw ko rin po magka broken family ang future apo mo." saad ko dito
"Lola gabi na po we need to sleep na lalo na po kayo kailangan niyo po nang magpahinga because of your health problem." saad ko dito, mabuti nalang at hindi na ito umangal pa.
Kinabukasan....
Today's sunday, he's on veranda and reviewing some files one of his branch in Batangas, that recently had a problem but it was resolved immediately. He was finishing what he was doing when he notice someone from behind, he turned around and saw his grandmother.
“Yes la, do you need something?” he asked her
"Thaddeus can you accompany me at church? If you have time for your dearest grandma." she's said while sulking
"Yes la, Of course! I'm so sorry lola, this past few days I've been busy, I'm preparing for my extention to one of my branch, but now I'm here so don't be sad anymore lola," he replied to his grandmother who was grouched
"I want to go to San Agustin church my dear grandson, can you join me there?" she's aking
"Yes grandma, I'll just change my clothes," he said and go upstairs
Just a few minutes later Thaddeus came down and guide her grand mother in the car.
While crossing the road to San Agustin church Thaddeus was driving slowly because the road was muddy and slippery due to heavy rain and there was still traffic. Napa preno siya nang wala sa oras bigla kasing may tumawid na bata, at nahagip niya sa side mirror ng sasakyan ang isang babaeng nagsisigaw at may tinutoro. Napailing na lang siya sa nangyare, Tiningnan niya ang suot na relo malapit nang mag-umpisa ang samba, kaya hindi na siya nag abala pa.
Kakatapos lang nang board meeting ko sobrang busy nang schedule ko ngayon kaya hindi ko alam kong papaano ko isisingit ang applicants nang paghahanap nang Nanny ni lola. Dahil ngayon ay Lunes kaya medyo hirap akong e manage ang time ko. Isali mo pa ang deadline nang mga reports ngayong araw, nasipat ko nalang ang mga papelis na nasa harap nang table ko.
"Sir ito na po iyong list ng applicants," sabi ni Lily, ang kanyang 41 years old Secretary
"Thanks Ms. Lopez," Thaddeus said, napahilot siya sa kanyang sintido nang maalala ang abuela, Noong nakaraang araw kasi ay inatake ito sa puso, at pinayohan sila ng family doctor nila na kailangan bantayan at tutukan ang pag-aalaga sa matanda, pinagsabihin rin sila na huwag itong bigyan nang problema, kailangan nitong inumin lahat nang bitamina at dapat may taga-alaga dito upang hindi makaligtaan ang pag inom ng mga gamot nito at bitamina.
Kaya naman naghahanap si Thaddeus ng Nanny para sa Lola niya ngunit ilang beses din sila nitong nagtalo 'kesyo hindi raw niya kailangan', 'kesyo kaya niya raw sarili niya', 'kesyo hindi raw ito bata para alagaan' ngunit sa huli ay sumang-ayon din ito.
Dalawang meetings na lang ang hihintayin ni Thaddeus, bago niya i-finalize ang list ng applicants na papasa sa pagiging nanny ng lola nito. Kailangan niya ang taong maaasahan at may mahabang pasensya dahil ang kanyang lola ay may katigasan sa ulo. Maagang natapos ni Thaddeus ang kanyang meetings and appointments ng araw na iyon, kaya naman dumaan muna siya isang flower shop at bumili ng pasalubong sa pinakamamahal niyang abuela.
"Magandang gabi sa iyo iho..." bati ng kanilang mayordoma si Nanay Meding, matagal na itong kasambahay nila since bata pa lamang siya, mabait ito kaya kasundo niya.
"Good evening nay, where's lola po?" tanong ni Thaddeus sa mayordoma na nagliligpit sa kusina
"Nako iho maagang pumanhik sa kanyang silid, dahil pagod daw ito," sagot nito
"Ah ganoon po ba, sege nay akyatin ko na lang," sabi ni Thaddeus, kumatok siya ng ilang beses bago ito bumukas.
"Good evening la, how's your day? Ayos lang po ba pakiramdam ninyo?" bati ng binata sa kanyang Lola, sabay halik sa pisngi at binigay ang bulaklak.
"Good evening apo, I'm fine medyo tinamad lang ako ngayong araw na ito, oh ikaw kumusta naman ang araw mo sa office? You look tired Apo, you need some rest. Take a vacation and relax," suhesyon ng kanyang Lola
"Don't worry la I'm good. Kayo nga po ang inaalala ko, Don't worry lola bukas na bukas may Nanny napo kayo." saad ko dito
Sobrang Mahal ni Thaddeus ang kanyang Lola dahil simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang car accident ito na ang kasama niya'. Ang lolo niya ay maagang nawala dahil sa sakit nito, kaya naman ang Lola niya' nalang ang natitira niyang pamilya ngayon. Like the other man, may pangangailangan din si Thaddeus, but he’s not ready to commit again. He’s not saint, he slept with a countless of women, but they know their limitations also. Sa ngayon nag-eenjoy muna ni Thaddeus ang kanyang pagiging Bachelor dahil iilan nalang silang single sa grupo nila. Aside from his childhood friends may mga nakilala din siyang mga kaibigan sa business world and they all agreed to call it ‘Beast Lunatic Bachelors’ dahil sa oras na mapana na siya ni kupido ay hindi na niya' ito magagawa pa...
Kinabukasan maagang pumasok si Thaddeus dahil may maaga siyang meeting with the board at kailangan na niyang pumili ng Isa sa nga aplikante para maging nanny ng abuela niya,
"Ms Lopez andyan na ba lahat?" he ask the secretary,
"Yes sir, magsisimula na po ba kayo?" tanong nito,
"Yes please, I’m in a hurry." sagot ko
Jesuzit Pov
Sa kabilang banda, maagang nagising si Jesuzit dahil may interview siya ngayon sa Laurel Corp. hindi nga lang office ang kanyang pag-aaplyan kundi isang Nanny, bahala na atleast may trabaho. Tapos na siyang mag-ayos sa sarili at lumabas na nang silid nang madatnan niyang lugaw lang ang pagkain nila na binili nang kanyang bunsong kapatid sa may kanto sa presyong bente, ubos na kasi ang kanyang savings kaya kailangan niya nang maghanap nang bagong trabaho.
kinakabahan si Jesuzit sa maaaring kalalabasan ng interview niya', gustong-gusto niyang matanggap dahil may umaasa sa kanya, ayaw niyang pulutin sa gilid ng kalsada sa kadahilanang wala na silang matutuluyan at makain. Si Jesuzit ay pangatlo sa apat na magkakapatid ngunit siya ngayon ang tumatayong breadwinner ng pamilya.
Sapagkat ang panganay at pangalawa nila ay nagsipag-asawa na kaya naman siya ang naka-toka sa ina at bunsong kapatid. Lumaki si Jes sa isang broken family kaya't ngayon ay todo kayod siya upang mabuhay niya' ang ina at kapatid, ngunit sa hindi inaasahang pangyayare nawalan siya ng trabaho sa kadahilanang Pandemic ngayon, nagsara ang kompanyang pinagtatrabahuan. Kaya naman kahit may tinapos si Jes ay hindi niya pinalampas ang pag-apply bilang isang Nanny dahil alam niyang malaki-laki ang kanyang sasahurin na siyang makakatulong sa sitwasyon nila.
"Miss Makabuhay, next!" tawag ng babae sa apilyido niya.
Mas double naman ang kaba ngayon ni Jes dahil siya na ang tinawag ng secretary ng CEO ‘huhu sana positive ito lord’ ang munting panalangin ni Jesuzit sa kanyang isip, pumasok na siya sa office ng CEO nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang itsura nito,
"You may sit. So you're a Business management degree holder, why are you applying for this job? Since you're a Degree holder," tanong ng CEO na nakatalikod pa rin sa kanya, medyo nainis siya dahil nakakabastos ang ginawa nitong way ng pagtatanong 'hmmmp! Hindi professional' at napairap na lamang si Jes at sinagot ito
"As you can see sir nagsara po iyong company na pinasukan ko, at wala pong ibang naghahanapbuhay sa amin kaya naman po kahit anong trabaho na available pinapatos ko na po para sa pamilya ko," pormal na sagot ni Jes sa tanong nito
Umikot paharap ang lalaki habang nakatingin sa folder na hawak nito.
"Base on your profile, You don't have an experience being a nanny, how can I trust you that you can handle this job if ever I'll hire you? " sabay angat ng tingin sa kanya ng CEO.
"Sir hindi naman po sa pagmamayabang pero may experience naman po ako sa pag aalaga po ng aking Lola noong siya ay nabubuhay pa po, wala nga lang po akong hawak na papel bilang suporta. Subukan niyo na lang po ang kakayahan ko, kahit isang linggo lang po kung papasa ba ako o hindi, Sir! Parang awa niyo na po sobrang kailangan' ko ang trabahong ito para sa pamilya ko po, I’m starving to death, hindi po ako kumain ng agahan dahil sakto lang po ito sa nanay at bunsong kapatid ko," paawang sabi ni Jes sa CEO na ikinalingon nito at mataman siyang tinitigan na nakatungo
"Okay one week only woman, Impress me with your hard works," sagot ni Thaddeus sa aplikante, nakaramdam siya ng pagka asiwa dahil sa pagiging honest at pragka nito ‘is she really starving that much’ sa isip ng binate.
"Ms. Lopez, paki-sabi sa mga aplikanteng natira sa labas na umuwi na sila dahil may natanggap na," utos niya sa secretary
"So miss Makabuhay you can start tomorrow and bring some of your stuff, don't worry about your uniforms and also I'll give you the advance para iwan sa pamilya mo. Do you have any questions?" tanong ng binate sa aplikante
"Wala na po Sir, sobrang thank you po talaga at makakaasa kayong ibibigay ko po ang best ko para patunayan po sa inyong hindi kayo nagkamali sa pagpili sa akin," nakangiting sabi ng dalaga
"Good. See you tomorrow then, here's the address. Don't be late Miss Makabuhay," warning ni Thaddeus sa aplikante
"Copy boss!" ganting sabi naman nito
“Here’s the advance salary,” sabay abot ni Thaddeus sa cheque
“Thank you so much Sir!” sabay yuko nito sa CEO
Naman! Ang bait pala ng boss ko hindi lang pala ito gwapo may puso rin hehe ' Ilang taon kaya yong alagaan' ko? tanong niya' sa sarili ah! Bahala na nga lang bukas, ang importante may trabaho na ako at hindi na kami mapapaalis sa apartment at may pagkain na kami yay! Ang saya naman thank you Lord!
Gabi na nang makauwi si Jes sa apartment na tinutuluyan nilang mag anak, angbayad na siya ng dalawang buwang renta sa apartment at binigay niya sa nanay niya ang limang libo at mga grocery na iiwan niya para sa nanay at kapatid at ipinaalam ang bagong trabaho
"Punyeta! Ano Jesuzit wala ka nang ibang trabaho na naisip?! At ang pagiging katulong talaga ang pinasukan mo?! Pina-aral ka hindi para maging katulong, hindi mo naisip yong sasabihin ng mga kaibigan ko! Nakakahiya ka talaga," galit na galit ang ina ni Jes dahil hindi ito sang-ayon sa bago niyang trabaho
"Bakit hindi ka naghanap nang ibang trabaho? Maraming pwedeng pasukan diyaan," sabi pa nito
"Sorry Mama kung hindi ko naisip yong sasabihin ng mga kaibigan mo, you know why? mas iniisip ko iyong matitirahan at pagkain natin, bakit yung mga kaibigan mo ba makakatulong yan sila pag nawalan tayo ng matitirahan? bibigyan ba tayo ng pagkain pag tayo ay nagutom? hindi ba hindi? kung hindi ko papatusin ito saan tayo pupulutin? Ma Sana naman suportahan niyo ako hindi naman ito para sa akin, para sa inyo itong dalawa ni Zobin, Ma! Mas uunahin niyo pa yong iisipin ng ibang tao kaysa sa sitwasyon natin ngayon. Ma sorry ha, sa ngayon ito lang po ang kaya ko, mabubuhay tayo sa trabahong ito at ni kailan man hindi ko ikakahiya ang pagiging katulong dahil marangal ito." umiiyak na sagot niya sa ina, hindi niya inaasahang ganitong tagpo ang aabutan niya pag-uwi.
"Kahit kailan talaga hindi mo ginagamit iyang utak mo! Nag mana ka nga sa papa mo, sana pala hindi nalang kita kinuha sa ama mo, edi sana hindi sasakit ang ulo ko sa iyo ngayon," sagot nito sa akin
"Sana nga ma hindi mo nalang ako kinuha kay papa, siguro hindi ko naramdaman na hindi ako tanggap nang aking ina, sana hindi ko naranasan ang lahat nang paghihirap ko sa kamay mo, nakapag tapos ako nang college pero sariling sikap ko iyon. Ni minsan hindi mo ako tinulongan kong hindi pa ako naging scholar sa university namin, hindi ako makakapag tapos."
"Nahihirapan na rin po ako, hindi ko naman ito ginusto. Hindi ko ginustong mawalan nang trabaho. Hindi naman dapat ako ang nasa sitwasyon na ito, pangatlo ako pero sa kalagayan ko ngayon parang ako pa iyong panaganay. Hindi naman sa nag rereklamo ako ma, pero tao lang din po ako at napapagod rin po." pahabol niyang saad sa ina
"Edi bumalik ka sa ama mong panloloko! Aba dapat lang pinakain na kita, binihisan at gusto mong pati pag-aaral mo ay ako pa ang gagastos?" nasaktan ako lalo sa sagot nito
"Sana balang araw ma, ma realize niyo rin po ang mga nagawa ko sa inyo, hindi man ako perpektong anak pero isa lang ang masisiguro ko, kahit kailan hindi ko kayo pinabayaan at hinding-hindi ko kayo pababayaan." sabi niya sa ina bago tumalikod at pumasok na sa kanyang silid,
Ang hirap palang maging middle child, hindi maiiwasang may favoritism na mangyayare, napansin ko kasi dati kapag sahod ko na sa bangkong pinagtatrabahoan ay palaging nahingi si mama sa akin nang extra at pinapadala niya sa aking mga ate, ni minsan ay hindi ako nagsalita dito. Ako ang nagpapakagirap pero hindi niya man alng makita ang worth ko bilang anak.
"Lord pagod na po ako! Bakit ganon? Ni minsan hindi ko narinig na minsan sa buhay ko ay naging proud siya na naging anak niya ako, ginawa ko naman lahat a? kahit hirap na ako hindi ko sinasabi, hindi naman ako dapat ang nasa posisyon na ito ngayon kundi sila ate pero wala, bakit ganon? Kahit anong gawin ko hindi ako ma-appreciate ni mama?" hindi napigilan ni Jes ang sarili, minsan talaga hindi niya na maintindihan kung bakit ganoon ang pag-iisip nito.
Naalala niya noong nasa college pa siya nang-hihingi siya nang pera sa kanyang mama pang thesis niya, ngunit hindi siya nito inintindi kaya ang ginawa niya ay tinawagan niya ang kanyang pinsan sa Cebu, kinapalan niya na ang kanyang mukha, mabuti na alng at close sila nang mga ito. Mas priority kasi nang kanyang ina ang kanyang ate na nag-aaral nang medicine na hindi natuloy dahil maaga itong nabuntis nang boyfriend nito.
Noong wala pang pandemic ay may trabaho pa ang kanyang ina ngunit nang may pandemic na naging skeletal na ang duty nito, isa itong agent sa isang kompanya na nagpapalabas nang mga taong gustong mag abroad. Ngayon kasi ay wala na talaga itong trabaho, nagkasit rin ito nahospital kaya nasaid talaga ang saving ni Jesuzit sa pagpapahospital nang kanayang ina.
Sakto lang kasi ang kita nang kanyang mga ate kaya wala itong nabigay na tulong sa kanila, mabuti nalang at pinadalhan siya nang kanyang ama kahit papaano. Naintindihan niya naman ang ina, naiinip itong walang trabaho kaya palagi nalang mainit ang ulo. Hindi niya lang talaga napigilan ang sarili kaya niya ito nasagot.
Sobrang sama ng loob niya sa ina ni minsan hindi niya ito narinig na pinuri siya sa lahat ng achievements niya, ni minsan hindi siya nakaramdam na minahal siya nito bilang isang anak, ni minsan hindi siya sinuportahan, pero bakit sa aming apat ako lang yong iba ang trato ya? Napaiyak na lamang ang dalaga sa sama ng loob.
Siguro dahil kamukha ko si papa at mas close ko si papa kaysa kay mama, siguro naiinis siya sa tuwing nakikita ako dahil naaalala niya lang ang ginawang panloloko ni papa sa kanya. Elemtarya pa lang ako ay iniwan na kami ni mama kay papa at nag abroad ito, hindi pumayag si papa kaya nag-away sila at naghiwalay.
Biglang may kumatok sa labas nang pinto ko, hindi ko ito sinagot. Maya-maya lang ay nakarinig ako nang mga yapak.
"Ate, gising ka pa po ba?" si Zobin ang aking bunsong kapatid
"Bakit?" tanong ko dito,
"Pagpasensyahan mo nalang si mama ate, salamat sa mga nagawa mong pag tulong sa pamilya natin. Gusto ko lang malaman mo na na appreciate ko lahat nang mga sakripisyo mo sa pamilya natin." sagot nito at umupo sa kama ko
"Pasenysa ka na at narinig mo pa ang sagutan namin ni mama ha, simula ngayon mas hahabaan ko pa ang pasensya ko para kay mama," hinging paumanhin ko dito sa bunso namin
"Okay lang ate, may point naman lahat nang sinabi mo," sagot naman nito
"Basta simula bukas ikaw na muna ang bahala dito sa bahay at kay mama ha, mag tatrabaho lang ako at mag-ipon para sa pag-aaral mo sa darating na pasokan." bilin ko dito
"Ate okay lang po kahit hindi mo na ako paaralin nang college, tapos naman na po ako nang senior high siguro may tatanggap naman po sa akin." alam kong ayaw lang nitong dumagdag sa alalahanin ko
"Hindi pwede mag-aaral ka at magtatapos ka nang colleg, kaya nga ako magtatrabaho para sa inyo ni mama," sagot ko dito
"Sure ka po bang kaya mo ate? Baka mahirapan ka lang doon, kapag hindi muna kaya ang trabaho umuwi ka nalang dito ate at ako na ang mag tatrabaho." pinigilan kong huwag maiyak sa sinabi nang bunso namin, buti pa ito may concern sa akin
"Walang hindi kakayanin si ate para sa inyo. Huwag kang mag-alala malaki ang sasahurin ko doon dahil hindi naman ako basta katulong isa akong nanny, mas malaki ang aking sahod ayon sa kontrata ko," ayaw kong isipin nito na hindi ko kaya
"Sa ngayon ito ang dalawang libo, pagkasyahon mo muna para sa susunod na linggong pagkain niyo ni mama, may mga grocery naman akong nabili at grocery diyan," sabi ko dito at inabot na ang dalawang libo kay Zobin
Umiling ito.
"Ate sa iyo na iyan pang allowance mo, may ibinigay ka naman kay mama kanina." sagot nito sa akin
"Mayroon pa akong naitabi, sege na itago muna iyan. Kapag may gusto kang bilhin kumuha ka lang diyaan." sabi ko pa
"Kapag nagkaroon ka nang problema doon tawagan mo ako kaagad ha," bilin nito sa akin kaya natawa ako dito
"Oo na, huwag bigyan nang sakit sa ulo si mama dito ha, huwag mong pagalain iyan alam mona mahirap ang magkasakit ngayon. Kapag may nangyareng hindi maganda tawag ka kaagad sa akin."
"Ate guwag kang mag-alala ako na ang bahala kay mama dito. Sege na ate matulog ka na po dahil maaga ka pang aalis bukas, salamat dito ate." sabi nito at umalis na
Kahit papaano ay nakalimutan ko ang nangyareng sagutan namin ni mama kanina, mabuti nalang at close kami nang kapatid ko. Isa sa rason ko kong bakit gusto kong makapag trabaho kaagad ay dahil dito, malapit na kasi ang pasukan sa college. Nais kong makapag enroll na ito sa darating na pasukan.
Maaga akong nagising dahil sa malakas na katok sa labas nang aking pintoan, agad ko naman itong binuksan. Nakita ko si Zobin,
"Ate mag ligpit ka na at baka ikaw ay maabotan pa nang traffic sa daan," saad nito na may hawak na sandok
"Salamat bunso, kong hindi dahil sa katok mo ay hindi pa ako magigising." sagot niya sa kapatid at nagmamadaling maligo
Pagkatapos niyang mag ligpit ay lumabas na siya sa kanyang silid dala ang isang bag na may katamtamang laki.
"Ate kumain ka muna nang agahan mo, nakapag luto na ako nang almusal natin." aya nang kanyang kapatid
"Wow naman! Ang sweet naman nang bunso namin, salamat Bin. Nasaan si mama?" sagot ko dito at tinanong kong nasaan si mama nang hindi ko ito makita,
"Nagpaalam kanina pupunta daw sa palengke," sagot nito
"Anong gagawin niya sa palengke? Bumili naman na ako nang mga pagkain ninyo," tanong ko dito at kumain na
"Hindi ko rin alam doon, alam mo na iyon ate nagagalit kaagad kapag marami tayong tanong." kibit balikat nitong sagot
"Sabagay, tirahan mo na lang si mama nang pagkain niya," utos ko kay Zobin
Agad naman itong tumayo at kumuha nang lagayan.
"Ate ihatid na kita sa sakayan may bibilhin rin naman ako sa kanto."
"Sege, may dala bang susi si mama? Baka mamaya mapagalitan ka," sagot ko dito, mahirap na madamay pa si Zobin sa init nang ulo ni mama sa akin.
"Palagi naman iyong may dala ate, dadaanan ko rin yong kaibigan ko may ibibigay daw itong reviewer sa akin na maaari kong magamit sa pag salang ko sa entrance exam, baka sakaling palarin at makapasa, sayang rin iyong scholar ate. Kapag pinalad ako edi allowance ko nalang ang problemahin natin hehe," pahayag nito sa akin.
"Okay sege, basta okay lang sa akin kahit hindi ka makapasa hindi pa rin kita pababayaan, makakapag-aral ka pa rin," paalala ko dito
"Salamat te, the best ka talaga," bola nito sa akin na ikinatawa ko,
Nakaalis kaming bahay nang bandang alas sais nang umaga, hinatid ako nito sa may sakayan nang jeep, kumaway ako kay Zobin nang umandar na ang sinasakyan kong jeep. Mamimiss ko ito, palagi ko itong kakampi laban kay mama. Napaka mature na nito mag-isip, malayo sa ibang kabataan na puro social media at lakwatsa lang ang alam. Kahit bunso ito hindi ito spoiled sa amin, kaya dati kapag tuwing sahod ko ay binibilhan ko ito nang mga damit niya na naayon sa uso.
Napahinga ako nang malalim. Para sa kanila gagawin ko best ko upang mag tagal ako sa trabaho ko. Balang araw aahon din ako, magsisikap pa rin ako para sa kanila. Tama! Hindi ako susuko napangiti siya sa naisip. ‘ iiyak Lang ako pero NEVER akong susuko !’
Do not let your grand ambitions stand in the way of small but meaningful accomplishments.