Jes Pov
She woke up early, nakakahiya naman kung tatanghaliin na naman siya sa pag-gising, naglinis na siya ng katawan niya bago siya bumaba at tumulong sa ibang katulong. Kahit pa ang trabaho niya lang naman ay ang asikasuhin si Madam Theressa. Maaga ang mga itong nagising ngayon dahil day off nila, at umuwi sa kanya-kanyang pamilya. Nakita ko si Nanay Meding na nagpupunas nang kamay, mababait talaga ang mga kasamahan niya dito, total ay tulog pa naman si Madam Theressa naisipan kong tutulong muna siya sa ibang gawain.
“Good morning po Nanay Meding,” bati niya sa Mayordoma
“Magandang umaga din sa iyo iha, ang aga mo naman yata nagising ngayon,” ganting bati rin nito
“Ah opo, kasi diba po kahapon late na po akong nagising nakakahiya po kay Maam Theressa at Sir Thaddeus,” dahilan niya dito
“Nako, mabait iyong mag lola huwag kang mag-alala. Hala sege mag templa ka na nang iyong kape iha at mag almusal ka na riyan, nagluto muna iyong ibang kasambahay bago umalis,” alok pa nito, actually ang babait talaga ng mga kasamahan niya dito except nalang sa amo nilang lalaki.
“Sege po nanay, after ko po dito tutulongan ko po kayo sa ibang gawain mamaya,” mabilis niyang sagot dito, mabilis niyang natapos ang pagkain.
Ngayon ay naghuhugas na siya ng pinagkainan, pagkatapos niyang iligpit ang pinaghugasan ay nagpunta siya sa may pool at nag presentang siya na ang mag dilig ng mga halaman. Wow! Ang gaganda naman ng mga bulaklak na ito sigurado siya sa sarili niyang mahal ang mga ito, bibihira lang siya makakita nito. Natapos na siyang mag dilig pumunta siya sa likod nang bahay upang magpa init dahil lumabas na si haring araw. Hindi niya namalayan na hindi lang pala siya ang taong nandoon.
Nagulat at napalingon siya nang may tumikhim sa likuran niya, Nilingon niya ito at nakilalang ang amo pala nila na lalaki. Umayos siya ng tayo at binati ito na parang walang nangyare kagabi.
“Good morning sir,” bati niya dito sabay yuko at tumalikod na. Hindi niya na hinitay pang magsalita ito, simula ngayon hindi na siya pwedeng mag stay kung nasaan ito.
Thaddeus Pov
Sinundan niya nalang nang tingin ang likod nang dalaga, bakit pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito, He just shrugged his shoulder at pumasok na sa loob ng bahay. It’s holiday at wala siyang pasok ngayon sa office, gusto niya lang magpa araw ngunit nawala ito sa isipan niya ng makita ang dalaga.
“Good morning Apo,” bati nang kanyang lola nang makita siyang nitong pumasok sa loob nang bahay
“Hi la, Good morning po, may plano ba kayong lakad ngayon?” ganting bati niya rin dito at kapagkuwan ay nagtanong kong may balak ba itong puntahan.
“Apo, day off pala nang mga katulong ngayon at nang driver natin. Meding said konti nalang yung groceries natin, baka naman pwede kang mag puntang mall apo at mag grocery,” imporma nito sa kanya, oo nga pala every holiday is helpers day rin nila. Hindi sila mahigpit sa mga ito
“Okay lola, I’ll ask Nanay Meding to list the needs, para hindi ako mahirapan.” saad niya dito, walang problema sa kanya iyon. Sa katunayan ay sanay na siyang mag grocery dahil noong bata pa lamang siya ay palagi na siyang sinasama nang kanyang ina sa grocery store.
“Do you need help iho? You can bring Jes, since Meding can’t go with you, kasi sumakit bigla yung likod niya, alam mo naman kaming mga may edad na, konting kibot lang ay bibigay na kaagad ang aming katawan,” suhesyon nang kanyang abuela, well mas okay na rin na may kasama siyang babae kasi mas maalam sila when it comes sa ganitong bagay.
“Jes Iha, can I ask you a favor?” tanong nang abuela niya sa dalaga na kakapasok lang sa kusina at may dalang mga gamot at vitamins nang kanyang lola,
“Yes po lola” tipid na sagot nito sa kanyang lola
“Pwede mo bang samahan ang apo ko sa pagbili nang groceries dito sa bahay? Day off kasi ng helpers namin ngayon, konti nalang kasi ang stocks dito sa bahay Jes,” explaine nito sa dalaga
“Yes po okay lang may bibilhin din po ako,” nakangiting sagot nito,
“Great! After breakfast namin aalis na kayo, by the way kumain ka na ba?” tanong ulit nito sa dalaga
“Ah yes po lola kanina pa po, nang magising ako,” nakangiting sagot sa Abuela
Why can’t she look at me? Hindi lang si Lola ang tao dito sa dining room, May ginawa ba akong ikinagalit niya? Wait. Oh yeah I remember, maybe it’s all about what happened last night nagpaalam na ako sa aking abuela na mag aayos na ako para makaalis na at makapag grocery.
“He’s here. Juskong bata ka talaga daig mo pa ang babae kong mag bihis napaka tagal, mana ka nga sa lolo mo. Kanina pa si Jes dito pinaghintay mo, ang dami na naming napagkwentuhan sa kaka-hintay sa iyong bumaba,” sermon nito sa kanya, napakamot na lang siya ng ulo, ewan ko ba ang tagal ko talagang mamili nang damit kapag ako lang mag-isa, kaya nga kapag may pasok ako sa office ay pinapahanda na ni lola ang aking mga susuotin sa pang isahang linggo sa mga katulong dito sa bahay.
“Sorry lola. Let’s go Jes,” hingi niya ng paumanhin sa kanyang lola at inaya na ang babaeng umalis upang hindi sila maabutan nang traffic sa daan,
“Dala mo ba iyong list ng bibilhin natin?” tanong niya sa dalaga na nakasunod lang sa kanyang likuran papuntang sasakyan, tango lang ang sagot nito
“Dito ka umupo sa harap Jes, hindi ako driver.” nang-uutos niyang sabi dito nang makitang bubuksan nito ang pinto nang likuran,
“Yes sir,” tipid na sagot nito pag siya ang kausap, naiinis siya sa ginagawa nito
“Drop the Sir, it's Thads... call me Thads” sabi niya dito nang marinig ang sinabi nang dalaga
“Okay,” iyon lang ang narinig niya mula dito at pina andar niya na ang sasakyan.
“Are you mad of what happened last night Jes?” tanong niya dito nang hindi mapakali sa pakikitungo nang dalaga, na ngayon ay busy sa kakatingin sa bintana, akala mo nagka stiff neck na,
“May dapat po ba akong ikagalit?” sagot nito na hindi tumitingin sa akin
“Then why are you acting like that? Pag iba naman ang iyong kaharap hindi ka naman ganyan,” napakunot noong tanong niya dito, ayaw niyang hindi siya pinapansin. At kailan ka pa naging papansin Thaddeus?
“Because they’re not YOU.” sagot nito at tinanggal na ang seatbelt at bumaba na.
Pinark ko lang iyong sasakyan, agad itong bumaba. Tiningnan ko kung nasaan ang dalaga, nakatayo ito sa may entrance lang, at nakatayong hawak nito ang cellphone niya. May mga babae talagang kahit napaka simple lang nang damitan nito ay nakaka attract pa rin. Like her, she’s wearing a jogger pants paired with plain white shirt na fitted with shoes. Damn it! she look so hot dude!
Naalala niya na naman ang sinabi nang dalaga sa kanya kanina, 'because they are not you' ang hirap talagang intindihin nang mga babae. Nakita niya ang isang binata na malapit sa pwesto nang dalaga, panay ang titig nito sa dalaga I can't blame her she's too attractive to handle. Pero hindi nagustohan ni Thaddeus ang paraan nang pagtitig nito na parang nakahubad na ang dalaga sa harap nito.
“Let’s go?” tumango lang ito at nauna nang pumasok,
Huminto si Thaddeus at sinamaan nang tingin ang lalaki na kanina pa nakatitig kay Jes, agad naman itong nag-iwas nang tingin na ikinailing niya.
Nakasunod lang siya sa dalaga, naka bun ang buhok nito kita ang nunal sa may batok niya, may mga lalaking napapatingin sa dalaga, hindi ko sila masisisi maganda naman tlaga ito. Kumaha ito nang basket, at kumuha rin ako nang isa ginaya ko rin ito. And she’s starting to look in the list nilapitan ko ito. Napaangat naman ito ng tingin sa akin at sa likuran ko, maybe she's starting to look the supplies that on the list.
“Tell me kong anong mga nakalagay diyan at kukunin ko para hindi ka mahirapan, lalo na iyong mga mabibigat.” I suggest and she gives me instructions, buti na lang at hindi ito nakipag talo pa.
Nag bigay naman ito nang instruction sa akin at mabilis naman akong tumalima para kunin ang mga pinagsasabi nito, nakatitig siya sa dalaga nang busy ito sa pagkuha nang ibang supplies ang sarap siguro sa feeling kong ito ang maging ina nang mga anak niya in the near future. Napaiwas nalang si Thaddeus nang tingin sa dalaga dahil kong ano-ano nalang ang pumapasok sa isip niya.
Madami na ang mga nakuha namin sa mga nakalista, actually lahat na yata nang mga nakalista ay nakuha na namin. Tiningnan ko si Jes nang makitang tinitingnan niya ulit ang listahan. So ito pala ang klase nang tao na mabusisi sa mga bilihin hindi katulad ko na kuha lang nang kuha, ito kasi ay may tinitingnan pa. She's a wiser buyer indeed, bakit ganoon wala naman itong make-up pero napaganda pa rin at ang lakas nang dating.
“Okay na lahat pwede ng mag bayad, ah diyaan ka lang muna may kukunin lang ako pumila kana,” paalam nito, sinundan ko lang nang tingin ang likod nang dalaga.
Pagbalik nito ay may dala na itong tatlong pack nang sanitary napkin at pahabang bilogan na may laman nang pagkain. Tiningnan ko ito nang nagtatanong napatingin naman ito sa akin.
"Why are you staring at me like that?" tanong nito,
“What’s that thing? Is that a food?” turo ko sa pahabang lalagyan, tumango naman ito.
“Ah ito? Stick-O ito yung cravings ko pag meron ako nagiging comfort ko ito,” explain niya sa akin, that's the reason of her mood swings I get it.
“So, meron ka ngayon? Kaya ka masungit sa akin, Can I have that too?” sabi ko pa dito, kaya pala masungit ito lalo na sa akin. Tumango naman ito,
“No. Bumili ka nang iyo kolang pa ito sa akin,” pasungit na sagot nito sa akin at itinago sa likuran nito ang pagkain na tinutukoy ko kaya natawa nalang ako.
"Fine tell me kong saan mo iyan nakuha." saad ko dito,
Tinuro nito kung saan niya nakuha ang pagkain na iyon kumuha ako nang limang pack nito, nag-insist pa itong ibahin yung payment nang pinamili niya. Kaso ako iyong magbabayad kaya wala siyang nagawa. May kakulitan rin pala ito sa katawan I'm happy na nakilala ko ang ibang side nito bukod sa pagsusungit na sa akin lang yata ginagawa dahil mabait naman ito sa iba.
“Are you hungry?” I asked her nang makalabas na kami nang mall. Naisip ko lang dahil napansin kong konti lang ang kinain nito kanina nang mag-agahan kami.
“Sa bahay nalang hindi pa naman masyado,” sagot nito, masyado so gutom na nga ito, ayon kay Nanay Meding kanina ay maaga itong nagising kaya maaga rin itong kumain,
“I’m hungry, dumaan nalang tayo sa red hub, kakilala ko ang may-ari doon, masarap rin ang pagkain nila,” sabi ko, hindi na ito umimik pa at tumango nalang.
After a minutes ay nakarating na kami sa Red Hub, isang lunatic ang owner dito and yes! A friend of mine. Bumaba na kami ni Jes at pinauna ko siya sa paglalakad papasok. Binati agad kami ng staff. Kilala na ako nang ito dahil palagi kaming natambay dito nang malaman naming asawa pala nang kaibigan ko ang may-ari nito. Shempre support na rin sa aking kaibigan at puro ang pagkain dito, hindi ka lugi sa presyo.
“Hi Ma’am/ Sir, this way please,” sumunod kami sa staff, ginaya kami nito sa favorite spot naming magkakaibigan.
“Here’s the menu, maam/sir,” sabay abot sa amin
“Where’s Lavander?” I asked the staff, nang hindi ko makita ang aking hinahanap
“She’s in the Kitchen sir, do you want me to call her sir?” tanong nito sa akin
“Yes please,” sagot ko
Ilang sandali lang ay lumabas na si Lavi, she’s a wife of Brett Castulo, the founder of Castulo Firm and the parents of Red Laretth Castulo my inaanak.
“Hey! Laurel,” bati nito sa akin at nag kamay kami,
“Hi Lavi, where’s the boys?” tukoy ko sa mag ama nito
“Speaking off....” while looking at the entrance, at nakita ko ang aking hinahanap
"Mommmmmmmmy!!!!! I’m here!" sigaw ni Red sa nanay nito
Agad itong nagpakarga ang bata sa Ina. Saka naman sumunod si Brett sa bata, lumapit ito sa aming gawi at binati ako.
“Hey dude! Whose she?” tukoy nito sa kasama ko
“Oh! Guys this is Jesuzit my ‘woman,” sabay hila ko sa kamay ni Jes, alam kung gulat ito sa aking sinabi, well mamaya ko na explain pag pauwi na kami. Hindi naman ito umangal sa narinig
“She’s she?” tanong pa ni Lavi, alam ko ang tinutukoy nito.
“Yes.” tipid kong sagot dito na tumango lang
“Woaah! Congrats dude, so what’s the plan?” hirit pa ni Brett na ginantihan ko nalang nang tawa, kahit kailan talaga walang preno ang bibig nito,
“Hi Jes, I’m Lavander but you can call me Lavi, and this man beside me is my husband Brett, and this baby is our son Red. Nice to meet you Jes, I like you to be my friend” pakilala ni Lavi sa sarili at sa pamilya nito, ito ang magandang katangian sa asawa ni Brett hindi matapobre.
“Ah yes! Salamat Lavi, nice to meet you also” nakangiting saad ni Jes
“Hmm okay lang ba na maging kaibigan ako? I mean, wala kasi akong friends and hindi tayo same nang status sa buhay, baka mapahiya kalang nang dahil sa akin.” dagdag niyang sagot kay Lavi, alam kong na awkward si Jes kay Lavi dahil may kaya ito sa buhay,
She’s really amazing and frank, that’s what I like about her personality. Hindi ito mapag panggap, sa ilang linggo ko itong nakakasama sa bahay kahit papaano ay nakilala ko na ito. malinis ito sa gamit, hindi ito maarte, at may respeto sa kapwa, hindi mataas ang tingin sa sarili at kasundo nito lahat nang kasambahay namin.
“Of course! Kailan pa nanging basehan ang pagiging mayaman at mahirap sa pakikipag kaibigan? Hindi basihan ang estado nang buhay para magkaroon ka nang kaibigan, so I’m your first friend right?” Lavi said, kahit galing ito sa mayamang angkan ay napaka down to earth nito kaya napikot ni Brett nang maaga haha nilayasan nga lang. Inimbita ni Lavi si Jes sa mini office nito while niluluto pa ang orders namin. Agad naman akong kinausap ni Brett.
“So dude, alam na ba nang BLB ito?” Brett asked me while the girls have their own world
“Nope. Maybe next time,” sagot ko sa kanya
“Seryuso ka ba sa pinapasok mo Laurel? Hindi ito trial and error ha? Ipaalala ko lang sa iyo, baka mapaso ka sa sariling apoy, alam mo kong ano ang napagdaanan ko kay Lavi. Kaya ikaw umayos ka,” paalala nito sa akin, of course sino bang makakalimot sa nangyare dito, buti nalang at sila talaga ang tinadhana.
“I don’t know, sa totoo lang hindi ko rin alam, for the meantime ito lang ang alam kung kaya kung gawin,” sagot ko kay Brett
“Paano yan makakalaban mo ang lola mo, kaya mo bang saktan ang nag iisa mong pamilya kapalit ang isang bagay na wala pang kasiguraduhan. Mahirap yan dude, kailangan mong pag isipan ng mabuti yan, magiging selfish ka kong saka-sakali man,“ payo nito sa akin,
“I know Brett, but I can’t lose her. Hindi ko man masabi-sabi sa ngayon ang tunay kong nararamdaman pero isang bagay lang ang sigurado ako iyon ay ang hindi ko kayang hindi ko ito kasama, kanina pa nga lang na hindi ako nito pinapansin ay hindi na ako mapakali. Alam niyo ang past ko, maybe this time deserve ko naman sigurong maging masaya kahit papaano,” seryusong wika ko sa kanya
“Naiintindihan kita ang akin lang, huwag kang magpa dalos-dalos sa pag desisyon. Whatever you want dude, you should be responsible of your actions. But don’t hesitate to call when you need help.... You know the BLB is one call away,” paalala nito sa samahan namin, alam kong kahit anong mangyare ay hindi ako iiwan nang mga ito.
Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi ni Brett, somehow sobrang thankful ako na nakilala ko sila, may nawala man, may dumating din, more than two with a complete package na. BLB is my second home, because of them I build myself again, Because of them I have a strong brotherhood that I can lean anytime. Marami na kaming napagdaanan, sinubok na kami nang panahon but pero hindi kami natinag at mas lalo pa kaming tumibay at nagtiwala sa isa't isa.
“Thanks dude!” I said sincerily, hindi ko alam ko saan ako pupulutin ngayon kong wala ang mga ito, baka hindi ko kakayanin lahat nang napagdaanan namin ni lola.
Lumabas na ang tatlo nang tinawag na kami nang staff nila at sinabihang luto na nag aming pagkain. Masaya kaming kumain nang tanghalian, patawa-tawa kami kay Red dahil sa mga kwento nito sa kanyang school. Tatlong taon na kasi ito kaya nag-aaral na, actually noong 2 years old poa talaga ito nag simulang mag-aral napakabata pa pero interesado nang matuto.
Nang makauwi si Lavi from Paris for almost 2 years ay nagsimula na itong mag-aral, masaya akong masaya ang aking kaibigan na buo ang kanyang pamilya.
I can see happiness in Jes eyes while talking to Lavi and Red, she become talkative and alive. I felt sad for her when she said earlier that she doesn’t have a friend. I wonder what she’s doing for the past years of her life. Unti-unti ko nang nakikilala ang isang Jesuzit, she maybe strong outside but she’s soft inside. Especially when she’s playing with Red lumabas yung side niya na energetic at makulit.
“Are you having fun today Jes?“ I asked her
“Hmmm, thank you kasi nagkaroon na ako ng kaibigan at may extrang pamangkin pa,” magiliw tugon nito na ikina ngiti ko, masaya akong hindi nasayang angb pagpunta namin sa resto.
“My pleasure, if you want dalhin kita minsan sa hangout namin, mas marami kapang maging kaibigan doon like Lavi” I suggest, hindi niya pa nakilala ang iba kong kaibigan at mga girlfriend nang mga ito.
“Okay lang kong kasing bait din naman ni Lavi at Brett,” nakangiting sagot nito
“Alright! Next time dadalhin kita sa mga gatherings namin.” saad ko dito.
“Wait.... Ano yung introduction mo kanina? Why did you do that?“ naalala pa pala nito, kunot -noong bumaling ito sa akin,
“What’s wrong with that, ganoon talaga ako pag sa friends ko, sorry. Did I offend you?“ tanong ko dito, nag-alala ako baka hindi nito nagustuhan ang sinabi ko at hindi na naman ako nito papansinin
“No. But next time huwag mo nang gawin iyon baka ma misinterpret nila at mapahiya ka pa,” paalala nito sa akin, nakahinga ako nang maluwang nang hindi ito galit.
“Don’t worry it won’t happen, so okay na tayo? About last night forget what I said... Can we forget about what happened last night? And be casual to each other from now on?“ tanong ko dito na puno nang pag-asa
“Ako? Okay lang naman ako, sport naman ako eh. Kaya kong magpanggap, ikaw kaya moba?“ nanghahamong tanong nito sa akin na siyang nagpangiti
“Are you challenging me Jes?“ balik tanong ko dito
“No. I’m just asking you the same question you asked me earlier.“ patay malisyang sagot nito na ikinatawa ko nalang
“Let’s see whose the real sporty sweetie,” I smirk and watch her reaction but to my surprise she just smirked too.
The game starts now, let’s see the result of this f*cking game. I hope I can’t hurt her in this way, I want to do something more but I can’t. This is not the right time to do that. If Cupid is true then let’s make a deal.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kong binaba ang aming mga pinamili kanina. Hindi ko makita ang aking lola at si Nanay Meding, baka nagpapahinga ang mga iyon. Tinulongan ko si Jes sa pag ayos nang mga pinamili namin. Hindi ito umangal, napaka organize nito makikita mo talagang malinis itong tao.
"Okay na ba ito Jes?" tanong ko dito at pinakita ang mga prutas na inayos ko sa lagayan nito,
Agad naman itong lumingon sa akin at sinipat ang aking ginawa, kapagkuwan ay tumango na ito.
"Okay na iyan," sagot nito at bumalik sa kanyang ginagawa
"Hmmm Thads pwede ba akong magpatulong sa iyo? Hindi ko kasi maabot ang lagayan nang mga dilata, pwede bang makisuyong ipalagay ito?" tanong nito sa akin, agad ko naman itong nilapitan
"Sure, iabot mo nalang sa akin," sagot ko dito at nagsimula na kaming mag-ayos
"Okay na ba lahat?" tanong nito sa akin nang hindi nito makita ang aking ginagawa
"Okay na, may ipapagawa ka pa ba?" tanong ko dito
"Wala na, salamat sa tulong mo ha," saad nito at nagpunas na nang kamay
"Anong plano mo ngayon?" tanong ko dito
"Wala, bakit?" sagot nito sa akin
"Gusto sana kitang yayain manuod nang movie dito lang sa living area," kinakabahang tanong ko dito
"Sure, okay lang wala naman akong gagawin pa, titingnan ko lang muna si lola at papainomin ko lang nang gamot niya," paalam nito sa akin
Agad naman itong pumanhik sa silid ni lola, dumiretso ako sa living area at naghanap nang magagandang palabas. Nag chat ako sa gc nang BLB hinihintay ko nalang ang mga reply nito, hindi naman kasi ako mahilig manood nang palabas kaya wala akong masyadong idea. Biglang tumunog ang akong cellphone, pagtingin ko ang daming mga reply nila sa akin. Ayaw ko nang love story, masyadong ma drama. May napili na akong palabas isa itong comedy, sakto naman ang pagbaba ni Jes.
"Hi, are you done?" tanong ko dito
"Ah yes, anong panoorin natin?" tanong nito sa akin nang makalapit
"Hmm comedy, okay lang ba sa iyo?" tanong ko dito, baka mamaya hindi niya magustuhan
"Okay lang mas gusto ko pa iyang comedy kaysa mga love story nakakaumay." sagot nito at naupo na sa tabi ko, nakapag bihis na ito isang white short na hanggang tuhod ang haba at isang black t-shirt na hapit dito.
"How about snacks? May gusto ka bang kainin? Papadeliver kasi ako." saad ko dito
"Oorder ka ba nang pizza?" tanong nito sa akin
"Gusto mo ba?" ganting tanong ko naman dito
"Hmm wala pa akong sahod eh, kaltas mo nalang pwede?" nakangiting tanong nito na ikinangiti ko rin, mas lalo itong gumaganda kapag nakangiti
"Kahit huwag na, libre ko nalang." sagot ko dito
"Weeeeh? Hindi nga?" tumatawang taning nito sa akin
"Yes."
"Sege ha, sinabi mo iyan walang kaltasan ha?" paniniguro nito sa akin
"Yes po." sagot ko dito
"Thank you Thads, isalang muna iyong movie mo." utos nito sa akin, umorder na ako nang pagkain hihintayin ko nalang nang ilang minuto iyon
"Welcome Jes," sagot ko dito, hindi na ito umimik pa at nag focus na sa palabas
Nasa kalagitnaan kami nang panonood nang dumating na ang aming pagkain. Tawa kami tawa nang sa palabas. Habang kumakain kami ay nakita ko si lola na bumaba sa hagdan, napangiti ito nang makita kami ni Jes na tawa nang tawa sa aming pinanood.
"Hi la, come here, join us." aya ko dito, naglakad naman ito palapit sa amin.
Umupo ito sa gitna namin ni Jes.
"Ano ba iyang pinapanood niyo at panay kayo tawa?" tanong nito sa amin
"Comedy po iyan lola, talagang nakakatawa po talaga." sagot ni Jes dito
"Kamusta naman ang lakad niyo kanina?" tanong ulit nito
"Okay naman po la nabili na namin lahat at naayos na." sagot ko sa tanong nito
"May nais sana akong gawin bukas eh kaya lang ay nakalimutan ko lang nang makita ko kayong tumatawa, akala ko kong ano na ang nangyare iyon pala ay nanood kayo nang palabas," natatawang saad ni lola habang nakatutok ang mata sa palabas
Ilang sandali pa ay "Hahahahahahah... bakit naman ganoon?" napangiti ako sa tawa nito,
"Para kayong ano..... parang-"
Maybe, I am a slow walker but I will never walk back.