Jes Pov
What is the hardest part of life?
Nagising si jesuzit nang nasa sariling kwarto na ito, nagulat ito at agad na napabangon. Ang huling naalala niya ay sa sofa bed siya nang matanda nakahiga, imposible namang naglakad siya habang natutulog. Napailing nalang ito sa naisip.
Bumaba na ito nang kama at dali-daling naglinis nang katawan at pumanhik na sa silid nang matanda, natutulog pa ito kaya inihanda niya nalang ang gamit nito sa pagligo, pati na rin ang damit nitong susuotin. Nang matapos ito ay nag templa ang dalaga nang gatas para sa matanda at inakyat na ito.
Naabotan ko itong nakaupo sa kanyang kama.
"Good morning lola, how's your sleep po?" tanong ko dito,
"Good morning rin Jes. Okay naman ang tulog ko, ikaw ba?" tanong nito, inilapag ko muna ang gatas nito sa bedside table niya.
"Okay naman po la, mag gatas po muna kayo. Niluluto pa po nila iyong pagkain mo po." saad ko dito, bumaba naman ito nang kanyang kama at inabot ang tinempla kong gatas.
"Thank you iha," nakangiting saad nito,
"Walang anuman po lola." ganti ko rito,
"You deserve the best thing in this world Jes." anito at hinawakan ang kamay ko.
"Ubusin niyo na lola, para makapag ligo na po kayo at baba na po tayo for your breakfast po." saad ko naman dito, mabilis naman nitong naubos ang gatas at naligo na.
Nang makapagbihis na ito ay bumaba na kami, inalalayan ko pa rin ito para mas safe. Dumiretso na kami sa kusina, naabutan naming naghahain na ang mga kasambahay. Ngumiti naman ako sa kanila.
"Thank you po." pasasalamat ko sa mga ito, ngumiti lang sila sa akin bilang tugon.
Pinagsandok ko nang pagkain si lola, naupo ako sa harap nito.
"Sabayan mo ako Jes." utos nito sa akin,
"Sege po," sagot ko dito at nagsandok na,
Himala yata ngayong araw hindi ko nakita si Thaddeus, mas okay na rin iyon para mabawas bawasan naman ang problema ko dito. Traidor ang katawan ko pagdaating sa binata, mabilis akong manghina. Parang gusto ko nang hilain ang araw at buwan para matapos na lahat, na e-stress ako sa mga nangyayare, parang gusto ko munang magbakasyon iyong malayo sa lahat.
"Are you okay Jes?" tanong ni lola sa akin na nagpabalik sa kasalukuyan.
"Opo la, bakit po?" tanong ko dito,
"Ang lalim kasi nang iniisip mo iha, may problema ka ba?" usyuso nito sa akin,
"May naalala lang po la pero okay po ako." sagot ko nito,
"If you want to take a vacation iha just tell me okay?" saad pa nito, napatango naman ako.
"Lola, pwede ko po ba kayong makausap po mamayang gabi?" kinakabahan ako sa aking gagawin.
"Sure thing iha, mamaya nalang gabi." sagot naman nito.
"Sege po." tipid kong saad dito, hindi naman na ito umimik pa. Tinapos ko nalang ang pagkain.
Nagyaya itong lumabas at pumuntang mini garden nito upang magpa-araw, iyon ri kasi ang advice nang doctor. Kinuha nito ang hose upang diligan ang kanynag bulaklak mas nakakanuti rin dito kong mag kikilos ito upang mag circulate ang dugo nito.
"La sigurado po ba kayong okay lang po kayo? Kapag po napagod kayo bitawan niyo na iyan at ako na po ang magtatapos, maupo nalang po muna kayo." paalala ko dito, baka kasi mapwersa ang lakas nito.
"I'm okay Jes, kailangan ko ring magalaw-galaw upang makadaloy ang aking mga dugo." anito, napatango naman ako sa sinabi nito.
"Iha may nasabi ba sa iyo si Thaddeus nong na hospital ako?" tanong nito nang hindi tumitingin sa akin.
"Ah wala naman po la kong may nasabi man po ito siguro ay dala lang po nang pag-aalala sa inyo." sagot ko dito at iniwas ang aking tingin nang lingunin ako.
"Nag-away ba kayo iha? Hindi ko na kasi masyadong nakikita na nag-uusap o magkasama." tanong nito,
"Okay naman po kami la medyo naging busy lang po kami sa kanya-kanya naming gawain po." pagsisinungaling ko dito,
"Your'e not a good lier iha." saad nito sa akin at umling-iling pa.
Nakatayo lang ako sa gilid nito at hindi na nagsalita pa dahil wala naman akong sasabihin dito as much as possible ay ayaw ko munang makausap ito tungkol kay Thaddeus, napabuntong hininga nalang ako mabuti pa itong mga halaman napaka healthy at ang fresh, samantalang ako, heto stress na stress sa buhay. Ang hirap talaga mag desisyon kapag dawit na ang pamilya natin.
"Jes, iha may gusto ka bang kainin?" kapagkuwan ay tanong nito sa akin.
"Kahit ano lang po lola wala naman po akong hilig na kainin kayo po kong ano pong gusto ninyong meryanda, para masabihan ko po sila Lavi since bilin po ni Thaddeus na sa kanila nalang po mag order kapag po may gusto kayong kainin." tanong ko dito baka nagutom na ito dahil nagtatanong na kong ano ang gustong kainin.
"Gusto ko nang buko pie, magpapa deliver nalang tayo." sabi pa nito, kinuha ko naman ang cellphone ko at nag order na sa kay Lavi.
Ang bilin kasi ni Thaddeus kapag may gusto itong kainin na wala sa bahay, pwede silang mag order kay Lavi anytime. Mabuti nalang at may number na ako ni Lavi kaya agad ko itong tinawagan.
"Hello Vi?" bungad ko nang sinagot nito ang tawag ko.
"Hi Jes! Kamusta ka?" bungad naman nito sa akin,
"I'm good, ikaw kamusta kana?" balik kong tanong dito.
"Okay lang heto nasa resto ako, napatawag ka may gusto ba kayong orderin?" tanong nito,
"Pasensya kana Vi, gusto kasi ni lola nang buko pie baka pwede kaming mag order sa iyo." paliwanag ko dito,
"Really, sure no problem. Ikaw may gusto ka bang kainin?" pahabol pa nitong tanong, bakit ba panay tanong ang mga ito kong may gusto ba akong kainin, napailing nalang ako.
"Wala naman, salamat Vi, bisitahin kita diyaan pag may time ako hehe." saad ko dito,
"Sure, hintayin niyo lang nang ilang minutes ha, ipapadeliver ko nalang. Ingat ka diyaan Jes," sabi pa nito bago pinatay ang tawag.
"Lola, tumawag na po ako kay Lavi, hintayin nalang po natin ang delivery boy." sabi ko dito, agad naman itong napangiti.
"Gusto ko talagang kainin ang mga kakanin sa probinsya iha, namimiss ko tuloy ang asawa ko. Every anniversary namin dati palagi kaming pumupunta sa probinsya at palagi akong kumakian nang kakanin." kwento nito sa akin, kaya naman pala namiss na nito ang nakasanayan.
"Ang sweet naman po nang asawa ninyo lola," puri ko dito.
"Yes iha, mabait iyon ni minsan hindi ako sinigawan at sinaktan noon. Kaya lang palagi kaming nagtatalo kasi ang bagal niyang kumilos lalo kapag may lakad kami. Kaya nga namana ni Thaddeus ang ugaling iyon sa kanyang lolo.
Natawa naman ako sa reaksyon ni lola, napangiwi kasi ito. Mapapa sana all kana lang talaga sa masayang love story nito. Wala eh isa ako sa mga hindi pinalad pagdating sa pag-ibig.
"Mahilig ka ba sa bulaklak iha?" tanong nito sa akin na busy pa rin sa pagdidilig nang halaman,
"Medyo po lola, kasi po iyong apartment namin hindi naman po ganoon kalakihan, maliit lang po iyong space namin kaya konti lang din po ang mga collection namin ni mama na bulaklak." sagot ko dito.
"Sayang naman iha, bibigyan sana kita nang mga ito." anito sabay patay sa hose na hawak.
"Oo nga po lola, di bale po kapag nakalipat na po kami nang bahay at may katamtamang space manghihingi po ako sa inyo at gagawa rin po ako nang mini garden po." saad ko dito,
"Sege iha, sabihan mo lang ako ha." saad naman nito, sabay na kaming pumasok sa loob nang bahay, naupo kami sa living area habang hinihintay namin ang pagdating nang delivery boy.
"Lola, lalabasin ko lang po saglit iyong delivery po." paalam ko dito, nakita ko naman sa labas ang delivery boy kausap nito si manong Marlon.
Nilapitan ko ito at nagpakilala, nag pirma lang ako at numalik na sa loob. Kumuha naman ako tubig at juice ni lola, nilapag ko ang box sa mini table sa living area.
"La mag tubig po kayo nang marami mamaya po pagakatapos niyo pong kumain." paalala ko dito, mahirap na mas mabuti pa rin ang safe.
"Yes iha," sagot naman nito,
Namili kami nang pwede naming panoorin, may nakita akong recommend sa f*******:. Agad kong pinili iyong sikat napalabas ngayon ang squidgame, kumakain lang kami ni lola habang nagsisimula na ang palabas.
"Maganda ba itong palabas iha, saan mo ito nakita?" tanong ni lola sa akin,
"Hindi ko pa po ito nakita lola, nakita ko lang pong trending itong palabas sa facebook." saad ko naman dito,
Hindi na ito umimik pa at nag focus nalang sa panonood. Nag eenjoy si lola sa panonood nito, tumayo ako at kumuha nang vitamins at gamot nito sa kwarto upang ipa-inom dito. Hindi pa natapos ang palabas pero oras na nang tanghalian.
"Lola, kain na po kayo nang tanghalian niyo po." sabi ko dito,
"Pwede bang magpadala nalang ako nang foods dito iha?" sagot naman nito na hindi ninatanggal ang mata sa palabas na pinapanood.
"Sege po." sagot ko nalang at tumayo na upang ikuha ito nang pagkain.
Pagbalik ko ay dala ko na ang pagkain nito, kinuha ko naman ang box nang buko pie at ipinalit ang kanin at ulam nito, kasama ang tubig, prutas at mga gamot.
"Lola kain na po kayo," saad ko dito,
Kinuha naman nito ang pagkain at sumubo, ngunit ang mata nito ay hindi humihiwalay sa palabas nang telebisyon. Kumuha na rin ako nang pagkain ko upang samahan ito sa sa living area. Mabilis ko lang natapos ang pagkain ko dahil hindi ko trip ang ulam, allergy kasi ako pagdating sa seafoods kapag nasobrahan ako.
"Bakit ang konti lang nang kinain mo iha?" pansin nito sa akin nang makitang kaunti lang ang pagkain na nasa pinggan ko,
"May allergy po kasi ako sa seafoods lola, hindi ako pwedeng masobrahan dito kasi po namumula ang buong katawan ko po." sagot ko naman dito, agad naman itong napalingon sa akin,
"Bakit hindi mo sinabi iha?" takang tanong nito,
"Okay lang naman po lola, nakakahiya naman po. Pwede naman po ako kumain huwag lang po masobrahan lola," paliwanag ko dito,
"In born na ba iyang allergy mo iha?" nawala na ang attention nito sa pinapanood nito.
"Opo lola," tipid kong sagot dito, napatango naman ang matanda.
Natapos na itong kumain at pinainom ko na rin ito nang kanyang gamot at vitamins. Nawili na ito sa pinapanood kaya hindi nito naisipang matulog.
"Ang ganda naman nang palabas na iyon iha." saad nito sa akin nang matapos na ito sa panonood.
"Oo nga po eh, kakalabas lang daw po nang palabas na iyon lola, sumikat kaagad dahil maganda po ang flow nang story nila." aniya ko dito, tumayo naman ito,
Alas dos na nang hapon natapos ang pinapanood nito saka naman nagyaya itong pumanhik sa taas upang matulog at magpahinga. Hinintay ko munang makatulog ito nang mahimbing bago ako lumabas at nagtungo sa aking silid na katabi lang nang silid nito.
...................................