EMORI'S POV “Congrats, at natauhan ka rin na sumunod sa yapak nila Tita Kathy, so next week na nga simula ng training niyo? Alam ko isang taon iyan, e. Pero kung good naman performance mo baka mga ilang buwan lang ay mag-debut ka na agad. Congrats again, best!” Pagbati ko kay Lincoln na lumalantak ng fishball. Nandito kami sa labas ng School at kakatapos lang ng aming klase. Nagyaya siyang manglibre ng street foods. Ako iyong matakaw kaya hindi ako tumanggi kahit na uwing-uwi na ako. “Thanks,” Matipid pero masaya niyang sagot. Hindi ko alam na kung bakit kanina pa ito ngiti nang ngiti. Panay tingin niya rin sa exit ng School na parang may inaabangan na tao. “May inaabangan ka ba?” Tanong ko na dahil hindi rin ako mapakali sa kinikilos niya. “Yes?” Patanong niya itong sagot na paran

