Levi's PoV "Levs, iniimbitahan ka nga pala ni Mama para dumalo sa birthday niya sa susunod na linggo." "Yong mama mo ba talaga ang nag-iimbita sa akin o ikaw?" "Pwedeng both? Please. Besides, we're friends, right?" Tinapon ko ang filter ng yosi sa lupa at inapakan ito. Binugahan ko ng usok si Krissa sa mukha bago sumagot. "No. May lakad akong iba." Nakita ko kung paano nagbago ang mukha ni Krissa na mula sa pagiging excited ay napalitan ng lungkot. Sorry for that, Krissa. Iniwan kong malungkot at nakayuko si Krissa nang walang sabi-sabi. Nag tungo ako sa mens room at bumungad sa akin ang mala-demonyo kung ngumisi na si Klaus. "Sinunod ko na ang utos mo. Nilalayuan ko na si Krissa. Wala ka nang aalalahanin pa. Kaya tantanan mo na ako." Sabi ko habang naghuhugas ng kamay. Nakasa

