"That was epic, Best. Sabi ko naman sa'yo mag-artista ka na rin, e. Kasing galing mo umarte sila tito at tita Kathy," Pumapalakpak pa talaga si Emori nang binabati ang kaibigan niyang si Lincoln. Kunot noong tinignan ni Lincoln si Emori dahil alam naman nito na ayaw niya sa larangan ng pag-arte. Iba naman kasi ng hilig ni Lincoln. "Don't start, Em." Masungit na sagot ni Lincoln kay Emori. Nagpahinga muna silang magkaibigan sa loob ng isang tent dahil kakatapos lang i-take ang scene ni Lincoln. "Napansin ko rin na napaka sungit pa lang direktor si tito John, ano? Tapos binabalahura lang ni Tita Kath," Tumawa si Emori sa kanyang sinabi. Iwinawagayway ni Emori ang kamay niya sa harapan ng mukha ni Lincoln. "Nakikinig ka ba sa akin? Tulala ka." She said at saka humalukipkip. Napadapo

