"Good morning, Beast!" Medyo nahihilo pa si Lincoln nang i-angat ang kanyang ulo para mapag-sino ang kanyang katabi. Nakatakip lang ng comforter ang katawan nito at walang pang-taas. Full smile si Chelsea habang pinagmamasdan ang mukha ni Lincoln na naka-kunot. She find it cute and sexy. Wala ring pang-taas si Lincoln at nakikita ang parang hinubog nang husto na abs nitong anim. Napaka sexy, almost perfect. Kahit naka-kunot ang noo ay lumalabas ang dimples nito. "Chelsea?" What a sexy voice. Bedroom voice ika nga na lalong nagpasaya kay Chelsea. Kinagat ni Chelsea ang pang-ibaba na labi nang marinig niya ang pangalan niya mula sa lalaking matagal niya nang inaasam. Agad bumangon si Lincoln pero napahawak siya sa kanyang noo dahil sumakit ito at nahilo siya. Hang over feels. Mas lal

