Kathy's
Inimbitahan ako ni Direk Timothy sa isang party na kung saan ay kasama ang Cast ng movie na ginawa namin. Meaning magkikita kami ni Keith doon. Pinaghandaan ko talaga ang susuotin ko sa gabing 'to. Ayokong matapakan ng ibang babae ano?
Light make up lang inapply ko. Maganda na rin naman ako kahit walang make up pero kailangang umaliwalas lalo ang mukha. Syempre hindi lang dapat puro mukha, katawan din dapat. Mas lalong humubog ang katawan ko sa suot kong ito. Nakaka good vibes.
"May sundo ka ba? Sunduin na kita." Ang pula ng labi ni James. Hindi ko pwedeng hindi mapansin ang bagay na iyon. Habang nag lilipstick ako ay kausap ko siya. Naka video chat kami. Iyon pa nga ang gigamit kong salamin.
"Thank you, James. Nakakahiya. Mag grab na lang siguro ako.”
"No. I insist. Saka, Sikat ka na. You should buy a car for yourself. Sure naman akong kikita ang movie natin kapag naipailabas na ito.” Nakangiti lang siya. Napapansin ko rin na nakabihis ba siya at ready nang umalis.
Seven o'clock pa lang ng gabi, isang oras bago ganapin iyong party doon sa bahay niya. Sige na nga. Baka malate pa ako sa party. Hindi nila masisilayan ang grand entrance ko kung busy na sila sa party diba? Dapat pak ako!
"Okay. Bilisan mo lang at baka malate tayo niyan.” Tumawa siya at nagpaalam na sa video chat.
Siguro naman walang bubuntot na manager, PA, Stylist kay James dahil hindi naman konek sa trabaho ang pupuntahan. Well tungkol pa rin naman sa work pero iba naman ito. Jusko, wala namang camera rolling at artehan na magaganap sa party para sumama pa ang mga asungot na iyon. Secret party nga lang iyon dahil ayaw ni Direk Timothy na may media o kahit ano pa mang paparazi na umaaligid sa loob ng bahay niya. Gusto niya lang daw talaga mag diwang.
Kahit pala nasa tapat lang ako ng building nitong condominium ay may nakakakilala na pala sa akin. Binabati nila ako at nagpapapicture. Feeling ko talaga sobrang sikat ko na. Pero mas gusto ko pang umangat para na rin masaksihan ni Keith ang pag asenso ko at hindi lang siya ang pwede kong atupagin.
"Ang tagal naman ni James.” reklamo ko nang mapansin na limang minuto na akong naghihintay dito sa labas. Dapat talaga nag grab na lang ako.
Tetext ko na sana siya pero mukhang natunugan niya ang gagawin ko. May pumaradang itim na kotse sa harapan ko at hindi ko alam ang brand non. Basta iyong mamahaling kotse. Sarap basagin ng salamin dahil sa kupad ng driver niyan.
"Napaka kupad mo naman---” Napatigil ako ng mapagsino yung lalaking bumaba sa kotse. He's wearing a simple V-neck black tee. Pants, Converse. Para siyang hindi aattend ng party. Napanganga ako sa taglay niyang kagwapuhan ng silayan niya ako. Iyong titig niya ay parang tutunawin ka sa talim.
"Quit staring. Sakay.” Maotoridad niyang utos. Pinagbuksan ako ng kotse.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "No. Susunduin ako ni James.”
"Hindi ko tinatanong kung may susundo ba sa'yo o wala. Sabi ko sakay.” Napanganga na lang ako sa pangyayari. Iyong puso ko parang sasabog na naman.
Gusto kong paluin sarili ko dahil natutunaw na naman ako dahil kay Keith. Dati pinapangarap ko lang ang ganito. Malapit siya sa akin, Kinakausap ako ng normal, Tinititigan ako sa mata. Isasakay sa kotse niya. Pero ngayon totoo na. Sobrang saya ng puso ko at umaasang magkakagusto na talaga siya sa akin. Worth it ang paghihintay at pang aakit sa kanya kapag nangyari ang bagay na ito.
Tinext ko si James na kunwari ay nauna na ako dahil sa tagal niya. Hindi na ako humindi pa kay Keith. Hihindi pa ba ako? Bobo na lang siguro ang hindi mag tetake ng opportunity na katulad nito.
"Bakit mo pala ako sinundo? O sadyang napadaan ka lang at nakita mo ako doon?” Binasag ko na ang katahimikan namin.
"You're my friend, Kathy. That's why.”
Sana pala hindi na ako naghanap ng sagot kung masakit lang din naman ang isasagot. Kaibigan? Nakakatawang bagay. Parang ang sarap mag post sa f*******: ng friendzoned na maraming emojing broken heart.
"He-he! F-friend.” Damn. Nanlulumo ako.
Pero sige. Itry natin ang friends na iyan. Malay natin, diyan ko siya makukuha. No more pakontrabida moves. No more plastikan. No more akitan. Ibahin natin ang teknik para makuha ang puso niya. Malay natin kapag nakita niya na ang ganda ng puso ko at makilala niya pa ako ng tuluyan ay baka mafall na siya sa akin. Hindi pa rin naman ako susuko ano! Gagawin ko pa rin ang lahat maging sa akin lang siya. Ilang taon ko na siyang minamahal, susuko pa ba ako?
"You look... Beautiful tonight.” Halos mapatalon na ako sa sinabi ni Keith.
Kaunaunahang compliment na nakuha ko mula sa kanya. Ang saya lang. Sarap niya tuloy laplapin. Ay bastos!
"Thanks.” Nagpabebe pa talaga ako dito.
Nang mapansin ko na iba na ang landas na tinutungo namin ay tinanong ko na siya kung bakit iba ang daan.
"May dadaanan pa tayo.” Saktong pag parada niya sa bungad ng isang sikat na subdivition. "Be still.” Agad siyang bumaba at iniwan ako sa kotse.
Ano naman kaya dinaanan niya. Ay mali pala ang tanong ko. Sino pala dapat dahil nakita ko na naglalakad na siya pabalik kasama ang bruhang si Julie. Punyemas naman. Panira lang ng moment. Hindi ko na idedescribw hitsura ni Julie kasi kahit anong suotin naman niya ay pangit pa rin naman siya. Baduy. Ako pa talaga nag adjust at lumipat sa back seat para si Julie doon sa front seat katabi ni Keith.
"Hi, Kathy. You look pretty.” Ngumiti siya at mahahalata mo sa kanya na plastic siyang tao.
"Alam ko yon ano ka ba?” Kunwaring natatawa ako dito.
Narinig ko si Keith na nagpigil ng tawa after kong sabihin iyon kay Julie. Nilingon ko si Keith at back to poker face na naman siya doon. So, natatawa siya sa akin? Parang achievement naman yon.
Habang sila masayang nagchichikahan, Ako itong kanina pa pinagdadasal yong kaluluwa ni Julie sa isip ko. Sa isip ko kasi kanina pa siya patay. Sa sobrang bitter ko ay tinext ko na lang si James. Bahala kayo magladian diyan. Nagulat na lang ako nang hablutin ni Keith yunh cellphone ko. Pati yata si Julie ay nagulat doon.
"Hey! My phone.” Angal ko. Nakita kong binabasa niya iyong thread namin ni James.
"He's not good for you. Quit flirting with Him.” Hinagis ni Keith yung cellphone pabalik sa akin na agad ko namang sinalo.
Sa sobrang badtrip ko, nang maipark niya yung kotse ay nauna na akong bumaba sa kanila at dumiretso agad sa loob ng bahay ni Direk. Jame's not good for me? E sinong good para sa akin? Siya? Minsan may talangka talaga yang si Keith ss utak. Flirting? Sa tingin niya nakikipag landian lang ako kay James? Gwapo nga si Keith pero tarantado rin minsan e. Alam na alam niya kung paano ako saktan sa salita niya palang. Darn.
Imbis na sa maindoor ako pumasok ay hinanap ko yung garden ni Direk. May nag paparty rin doon kaya doon na lang din ako nagtungo. Ang laki ng bahay ni Direk kaya mala mansion na ito. Siguro parang hotel sa loob ng bahay. Naghanap agad ako ng alak na maiinom. Pero maling idea yata iyon kasi may mga matang nakamasid sa mga galaw ko. Nandito ang staffs at crews ng pelikula. Nandito rin iyong ibang artista na kasam namin.
"Good evening, Kathy.” Bumeso sa akin si Direk ng makita niya ako. "Nandito ka na pala. Bakit hindi ka dumiretso sa loob? Nandoon na sila JK at Julie. Kanina ka pa hinahanap ni James.”
Napansin ko nga ang mga tawag ni James na hindi ko nasagot. Pwede ko bang sabihin kay Direk na badtrip ako ngayon?
"Naligaw kasi ako. Laki kasi ng mansion mo Direk! Im fairness ang bongga.” Tumawa si Direk doon. Napaka pogi ni Direk kaya lang may asawa na. Sayang. Charot! Kay Keith lang talaga ako lalandi.
"Tara na sa loob.” Yaya ni Direk na pinigilan ko.
"No Direk, Okay na ako dito sa labas. Hindi naman din ako magtatagal.” Kasi nga, nababadtrip ako Keith saka kay Julie na malandi.
"Huh? Hindi ka magtatagal? Sayang naman. Saka may iaannounce ako na importante at kasama ka doon. Kaya tara na sa loob. 'wag na matigas ulo.”
Wala akong nagawa kundi sumunod na lang din. Sobrang laki ng ng loob. Para talagang hotel sa laki. Nabobother ako sa chandelier. Napaka bongga ang pagkakabit. So classy at ang sosyal ng mga bisita. Buti na lang talaga maganda ako kaya hindi na pansinin ang bihis ko.
"Hey! Kanina pa ako dito. Hinahanap kita.” Biglang sulpot ni James sa harapan ko.
Walang pumapansin sa amin kasi parang ordinary lang kami sa mga mata ng mga nandito. E, staffs and family lang ni Direk at friends niya ang mga nandito. Mga sawa na sa mukha ng artista.
"Ah, eh, ah, Kanina pa?” Wala akong mahanap na salita.
"Oo. Akala ko nauna ka sakin dito, Mas nauna pa pala ako. Wala tuloy akong kausap kanina.” Nakuha niya pang magpacute doon.
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Direk. Nasa hagdanan siya para kita siya ng mga tao sa paligid.
"Ipagdiwang natin ang isa na namang matagumpay na pelikulang nagawa ko.” Nagpalakpakan kaming lahat. "Pasalamatan natin sila JK at Julie para sa magandang trabahong kanilang nagawa.” Umakyat sila JK doon at pinalakpakan ng mga tao.
Tinitignan ko si Keith at tila hindi siya mapakali. May hinahanap yata siya sa mga tao dahil panay scan niya sa crowd. Tumigil lamang iyon ng mahagip ako ng mga mata niya. Nakadalawang tingin muna siya at tila sinigurado na ako nga ba talaga ang nakita niya. Ngsigurado na siya ay hindi na niya inalis pa ang tingin sa akin.
Habang nagsasalita si Direk doon ay nakatingin lang siya sa akin. Iisipin kong nahuhumaling siya sa akin. Pero malinaw naman na si Julie naman talaga ang gusto niya kaya hindi ko na binibigyan pa ng malisya ang mga tinging iyon. Siguro dahil bigla akong nawala sa paningin niya kanina kaya niya ako hinahanap ngayon. That's what friends are for nga diba? Friendzoned na e.
"One more thing. May I have your attettion Kathy, please come here. Oh, And Mr. James. You two up here.” Nagkatinginan muna kami ni James bago umakyat sa steps.
"Wala pa man din, Hindi pa nilalabas sa big screens ang pelikula ay may balak na akong sundan agad ang project na ito. Kathy,” Napatingin ako kay Direk. Nahagip pa ng mga mata ko na sobrang lawak ng ngiti ni Keith sa akin. "Gusto kong ikaw ang gumanap na bidang babae para sa susunod kong pelikula.” Napaluha ako sa narinig.
"T-ta-talaga p-po? I... I can't believe this.” Niyakap ko si Direk at narinig ko ang mga palakpakan sa paligid. "Thank you Direeeeeek! Omygod! I'm so happy. I would love to. Yes, Masaya akong makatrabaho ka ulit. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Maraming salamat.” Sobrang saya ko at ako ang ginawa niyang bida.
Nagpapalakpakan ang mga tao at may naririnig pa akong compliments galing sa kanila. Napadako ang tingin ko kay Keith. He mouthed congrats then ngumiti ng napakatamis. Ngumiti rin ako pabalik this time hindi inaalis ang tingin kay Keith.
"Of course with James. Alam nan natin na lumalaki na ang fan base ng Kathy and James love team. So, palakihin pa lalo natin.”
Nasaksihan ko ang mukha ni Keith kung paano ito lumungkot ng banggitin ni Direk Timothy ang huli. Nasaktan ba siya dahil hindi siya ang kinuha o nasaktan siya dahil si James ang kapareha ko? Damn, Kathy stop thinking na may pake siya sa'yo. Career muna before Keith. Kumukontra na naman ang isip ko. Pero mas gusto ko pa rin paniwalaan ang puso ko.
Nang matapos ang announcement ni Direk ay balik ulit sa naudlot na kasiyan ang mga tao. Tinyempuhan kong hindi kasama ni Keith si Julie para makausap ko siya. Nasa garden kami ngayon.
"Nakita kong nalungkot ka sa sinabi ni Direk kanina. Para saan yon Keith? Sabihin mo nga, Mahal mo na rin ba ako?” Kahit itong tanong lang na ito ay sagutin niya ng tama ay sasaya na ako. Pero kapag mali pa rin ang sagot niya ay ididistansya ko muna ang sarili ko sa kanya. Pero hindi pa rin ako susuko sa pagmamahal niya.
"Congrats.” Iyon lang ang sinabi niya. "Friend.” Pahabol niya bago ako talikuran.
"You're so heartless, Keith.” Medyo pabulong na sabi ko dahil anytime babagsak na naman ang luha ko. Tumalikod ako at maglalakad na sana palayo ng maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.
"I don't have time for your love, Kathy. But this...” He kissed me... "Now I don't know what to do.” At iniwan akong tulala.