Kabanata 8 : Say Something
Kathy's
"Boy you know, you're perfect from your head down to your heels---"
"You can sing."
Nagulat ako sa biglang nagsalita habang nag sstrum ako ng guitar at kumakanta ng Versace on the floor na version ng babae. Nakakahiya.
Umayos ako nang upo at binaba ang guitara sa kaliwa ko. Nasa Tent ako ng mga oras na ito.
"Thanks." Tumayo ako at kinuha yung bag ko para umalis.
Sinulyapan ko muna siya bago lagpasan. Shocks! Bakit kinakabahan ako kada makikita ko siya. Si Keith. Natatakot na ako sa mga gagawin at sasabihin niya sa'kin. Pero, mali ang iwasan ko na lang siya. Kaylangan kong paibigin siya. Gumagawa na sana ako nang paraan para mapasaakin siya. Kaya lang...
"Kathy," Mahina pero narinig ko pa rin yung pagtawag niya sa'kin.
Nilingon ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa'kin. Ang pogi niya. Hays. Pero nakakatakot yung tingin niya.
"B-bakit?" Tanong ko.
Bigla siya naglakad papunta sa'kin kaya napaatras ako ng konti. Pero hindi ko namalayan ay nasa edge na pala ako ng hagdanan kaya nung mahuhulog na sana ako ay nahawakan agad ako ni Keith sa bewang ko at likod ko kaya nakaliyad ako habang hawak niya. Napahawak ako sa braso niya.
"Gusto mo na naman bang ma-hospital?!" Medyo pagalit niyang tanong.
Agad akong umayos nang pagkakatayo.
"S-salamat." Sabi ko at agad na umalis sa pwesto niya.
Nagmamadali akong makapunta sa room ko nang biglang may humigit sa akin.
"Iniiwasan mo ba ako?!" Umalingawngaw yung sigaw niyang iyon. Mabuti na lang at umaga pa lang. Kung nagkataon maraming tao ang iisipin na nagaaway kami. Issue ko na naman 'to.
"H-hindi. Kwan, may kukunin lang ako sa room ko. Sige, see you." Sabi ko sakanya at dahandahang tinatanggal yung kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Feeling ko nanginginig ang buong katawan ko. Kinakabahan ako sa mga oras na ito. Para akong titiklop. Nawawala yung pagiging matapang ko. Ano bang nangyayari sa'kin?
"Sorry."
Biglang kumalma yung buong sistema ko. Parang nag iba ang mood ko dahil sa narinig na binitawang salita ni Keith.
"H-huh?"
"Sorry para doon sa pagtulak ko sa'yo. I'm really sorry." Nakita ko sa mga mata niya na nagsisisi siya sa ginawa niyang pagtulak sa'kin.
Bigla akong natuwa. Tumitibok yung puso ko ng mabilis. So, akala ko nawala na yung love ko para sakanya at puro takot na ang pumalit. But I was wrong! I love him pa rin naman pala. So, kaylangan ko na siyang landiin para makuha ko na siya. Pero 'wag na muna ngayon. Focus muna ako sa career ko gaya ng pinangako ko kay Direk.
Ngumiti lang ako kay Keith. Yung ngiting pa-sweet na gaya ng ginagawa ni Jullie. Huh! Kala mo, Jullie ikaw lang may talent na ganoon? No no no~
Nakatingin lang sa'kin si Keith at nakipag titigan lang ako sakanya saglit. Tumango na lang ako at tumalikod na sakanya. This time paparamdam ko muna sakanya na hindi siya kawalan.
"Say something, Kathy." Natigilan ako sa muli niyang pagsalita.
Nag alangan pa ako kung lilingunin ko ba siya o hindi. Pero sa huli ay lumingon ako ng may pagtataka. "A-ano ba dapat kong sabihin, Keith?"
"Keith?" Pag ulit niya sa pangalan niya. Nakikita kong nagtataka siya at nagiisip kung bakit ko siya tinawag sa pangalawa niyang pangalan. Huminga siya ng malalim bago napagpasyahan na lumapit sa akin.
Napa atras ako at natigilan siya doon. "I get it. Iniiwasan mo nga ako."
Sino ba kasi ang hindi iiwas sa karahasan na ginawa mo?
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kapangahasan na naisip ko. Hindi ako kumibo at hinayaan ko na lang na ganoon nga ang isipin niya. Na iniiwasan ko nga talaga siya. Dapat nga natutuwa ako dahil kinakausap niya ako at malapit siya sa akin. Nang sobrang dead air na at wala na yatang balak magsalita pa sa aming dalawa ay tumalikod Na ulit ako. Ewan ko ba kung bakit wala akong masabi. Chance ko Na ito, e. Pero parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko kaya hindi ako mapagsalita.
"Nasaktan ka." Muli siyang nagsalita bago pa ako makalayo sakanya.
Doon lang ako natrigger para harapin Siya ng may tapang. "Alam mo palang nasasaktan ako. Pero ni katiting na awa ay wala ka manlang ipakita sa akin. Alam mo, Mahal kita dati pa. Pero lagi mo lang ako binabali-wala. Hindi porket, Mahal kita may katapatan ka ng saktan ako. Tao lang din naman ako, Keith. Nasasaktan din ako." Pinunasan ko agad 'yong luhang tumulo. "Nag-sosorry ka dahil sa nagawa mo? Okay. Sige. Tatanggapin ko 'yon. Ganoon naman ako kabaliw sa'yo, e. Isang lapit mo lang sa akin lusaw na ako. Pero sige. Lalayuan na muna kita kasi sobrang sakit. Hahayaan na muna kita kay Jullie. Pero sana kapag nagpapakatanga na naman ako sa'yo ay sana kahit konti lang, Keith. Konting pagmamahal lang bigyan mo naman ako." Nanlalambot na tuhod ko dahil sa nararamdamang Sakit. Naaawa na rin ako sa sarili ko dahil nagmamakaawa ako sa isang tao para mahalin ako.
Nilapitan ko siya at niyakap. "Payakap lang ako. Para kahit sa yakap na ito ay iisipin ko na mahal mo rin ako." Akala ko yayakapin niya rin ako pabalik. Pero wala talaga.
"I'm sorry." Iyon na lang talaga ang nasasabi niya. Sorry hindi kita kayang mahalin.
Iniisip ng mga tao kung nag practice daw ba ako kagabi kasi mugto daw ang mga mata ko. Nahahalata talaga sa mata kung gaano ka katanga sa pagmamahal.
"Ah, oo. Last day na e." Sinakyan ko na lang din sila.
"Miss Hot!" Nakangiti akong tinawag ni James. Nagkamot siya ng batok niya tila nahihiya pang magsalita. "Yong isang araw pala... Sorry if... I---"
"Ano ka ba? Parang hindi ka artista. First time mo bang makakita ng sexy na naka undies? If I know, maraming beses ka na nakakita ng ganoong scene." Pagbibiro ko Kay James. Tumawa siya at agad na kinurot pisngi ko. "Aw!" Pag inda ko.
"Nakakatawa ka talaga. Napaka professional mo kung mag isip. Akala ko kasi magagalit ka sa akin."
Nagtawanan kami nang nagtawanan ni James bago kuhanan ang scene naming dalawa kasama na rin sila JK at Jullie. Hindi ko na inisip 'yong pinag usapan namin ni John Keith kahapon para makapag focus ako sa trabaho. Hindi rin ako nagtaray Kay Jullie. Hindi rin ako nag aksaya ng oras para lang magpapansin kay Keith. Kapag break namin agad akong umaalis sa set at pinipili na mapagisa na lang sa kwarto. O kaya Minsan, nakikipag kwentuhan kay James at nakikipag tawanan.
Nararamdaman ko nga na tinitignan kami ni Keith pero dinededma ko lang. Nangako ako sakanya na hahayaan ko na muna Siya. Ang gusto ko na lang ay matapos na pelikulang ito. Nakatanggap Na rin kasi ako tawag sa network na may bagong kontrata na dumating sa akin. Trabaho na lang talaga ang iniisip ko at hindi na sinasama pa si Keith.
Nagiging matunog Na rin ang pangalan ko sa online. Madalas kasing mag Post si James ng pictures Na kasama ako. Nababash na nga ako pero sabi ni James dedma na lang daw sila. Isipin ko na lang daw na mga walang kaibigan ang mga yan ka nagpapapansin sa online.
"At tumigil ang mundo nong ako'y ituro mo. At hindi ka lumayo nung ako yung sumusuko"
Nagkakahiya. Hindi ko nga alam kung Tama ba lyrics ko. Basta pinakanta Na lang ako nitong host. Naimbitahan Kasi ako sa isang morning show. Isang talk show.
"Ayan. Maraming salamat Kathy." Magiliw na sabi ng host.
"Ang lamig ng boses mo. Saka, mukhang may hugot SA kanta mo. Para kanino ba ang kantang 'yon?" Tila kinikilig Ang Isang pang host nang tanungin ako. Seryoso? Kanta lang kailangan may meaning talaga?
"Para kay James ba 'yan?" Pagkasabi ng host non ay biglang umingay SA studio. Nilingon ko yun at may mga nakita akong kinikilig na mga babae habang winawagayway ang isang tarp Na may nakasulat na JamesKathyShippers. Napanganga Na lang ako sa nakita. Hindi ko iniexpect na magkakaroon ako ng fans kasama Ang pangalan ng Isang sikat Na artista. Ang sarap lang mag mura. Wala naman SA pangarap ko Ang ganito. Nakikitawa Na lang din ako SA mga host. Pagkatapos ng pag-guest ko ay may nag abang SA akin Na Isang delivery boy.
"For miss Kathy?" Saka inabot SA akin Ang Isang bouquet ng flower.
"Thank you." Sabi ko sa delivery boy habang pinipirmahan yong parang receipt.
Inamoy ko muna ang bulaklak at napangiti. Ang sosyal ko Na ah? May nagpapadala na sa akin ng bulaklak. Pero natigilan ako ng mabasa kung kanino galing ito.
For the best actress. -Jk
Lusaw Na naman ako.
Last day na ng taping namin. Ang weird ni Direk kasi inaway niya 'yong writer para lang dagdagan 'yong script na para sa akin.
"Kasi Direk baka kapusin Na tayo--"
"---Hindi ko hinihingi opinion mo, Jullie." Kumunot noo ni Direk saka umalis.
Palihim akong napangiti dahil napahiya si Jullie. Nakita ni Jullie na maaliwalas ang mukha ko kaya naman Siya ang napa-kunot ang noo at padarag na naglakad paalis. Malakas ang loob niya ngayon na magdabog porket ako lang yong nakakakita. Naaawa ako kay JK kasi in love siya sa isang babaeng nagbabait baitan, plastic, nasa loob ang kulo. Promise mas maldita sa akin ang Isang 'yon. Pakitang tao lang Siya.
Mabilis natapos ang taping kasi hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Hindi ko hinayaan na magkamali ako. Kinausap ko rin si James na seryosohin niya para matapos na kaming dalawa. Gusto ko Na lang Na matapos ang araw Na ito. Nabuburyo na ako at naaasiwa sa nakikitang ka-sweetan ng magjowang Jk at Jullie. Harap harapan talaga kung magharutan. Talagang sinadya na nakikita ko sila. Kaya nang natapos na yong taping ay agad akong umakyat patungo sa hotel room ko.
**
"Eat. Libre ko." Yaya ni Keith.
Pinagmamasdan ko lang siyang pinupuno ang plato ko ng mga pagkaing inorder niya. Ni hindi niya nga ako tinanong kung gusto ko bang kumain o sumama man lang sakanya dito sa resto bar. Bigla niya na lang kasi akong hinila papunta dito nang magkasalubong kami sa hallway ng hotel.
"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ni Keith nang napansin niyang hindi ko ginagalaw yong pagkain.
"Busog pa kasi ako. Saka, magkikita rin kasi kami ni James--" Natigilan ako sa pagsasalita nang napansin kong padabog niyang binaba yong kutsara't tinidor niya. Problema niya?
Napansin kong hindi siya umimik kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita ko. "Last na kuha na kasi sa akin kaya icecelebrate daw namin yong great job na nagawa namin bilang co-star niyo daw. Kaya nga nagtaka ako kung bakit sinama mo pa ako dito."
Magiimpake na kasi ako dapat non para umuwi na sa Maynila at para maabutan ko pa si James sa parking with His gang. Sasabay na ako para naman hindi ako alone magbiyahe.
"I see." Tipid niyang sabi.
Napatulala ako sa mukha niya. Walang duda na mahal ko talaga siya. Siya lang naman yung lalaking sa tuwing nasisilayan ko ay automatikong mapapatibok ng mabilis ang puso ko. Pero, alam ko namang hanggang tingin na lang ako kay Keith. Gad! Alam ng Diyos kung gaano ko siya kagusto at kung gaano ko kagusto na mapa sa akin siya. Pero ang puso kasi nagsasawa rin masaktan. Bumibigay ang puso kapag paulit ulit na siyang bumabagsak nang walang sumasalo. Nawawasak, nababasag. Kaya siguro titigilian ko na muna si Keith at mamumuhay na muna ako sa paraang masaya. So, for now, Keith pinapalaya na kita.
Pinapalaya? Naging kami ba? Never naman siyang naging sa akin, e.
I'm about to stand pero hinawakan niya ang kamay ko. Feeling ko nga napaso ako sa init ng palad niya.
"Kathy, I'm sorry."
Sorry na naman?
Yung puso ko parang gusto nang kumawala. Straight siyang nakatingin sa mga mata ko at makikita na seryoso siya sa sinabi niya. Inalis ko ang kamay ko na hawak niya. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka mahalikan ko siya. Shems!
"F-for what?" Ngumiti ako ng nagtataka. (Kunwari hindi ko alam kung para saan)
"For everything. Na... Fck! Kathy! I'm so... So sorry kung nasaktan kita. Kung hindi ko man masuklian ang nararamdaman mo para sa akin. I know naman na hindi mo gusto ang mga ginagawa mo para lang magustuhan kita. Pero, wala e. Si Julie talaga ang mahal ko. Alam ko naman na naiintindihan mo ako. Let's just be friends, Kathy." Finally, may nasagot rin Siya sa mga kadramahan ko last time. Siguro nagipon lang Siya ng lakas para sabihin Ang heartbreaking speech niyang iyan.
Ngumiti ako ng pilit. Kunwari ay okay lang sa akin ang lahat.
"S-sure. Let's be f-friends, Keith. Uhm, I need to go na. Baka hinihintay na ako ni James, e. Thanks sa food saka doon flowers na pinadala mo. B-bye."
Napaawang ang bibig ni Keith. May balak siya sabihin pero parang nagtatalo pa ang isip niya kung sasabihin ba niya o hindi. Napahinga na lang siya ng malalim at nanatiling tahimik.
Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sakanya. Inaamin kong sobrang sakit ng mga narinig ko mula kay Keith kasi deep inside umaasa pa rin ako na sasabihin niyang mahal na niya ako. But I was wrong.
Tatlong linggo ang nakalipas..
"God, Besh! Sunod sunod ang guesting mo. Mukhang mas tumatak ka sa madla nang naipalabas na ang trailer ng movie niyo nila John. Ikaw ba naman kasi umarte ng bongga hindi ka mapansin? Yung sampalan scene niyo ni Julie talaga ang bongga do'n, e. Alam mo ba kung bakit pinili ka niya? Kasi palihim kang pumuputa. Tahimik ka lang lumandi. Para kang pusa, lalampungin ang amo kapag humihingi ng pagkain. Gad! Number 1 fan mo na ako, Besh. Basta lagi mo akong sasama kapag kasama mo rin si James, ah? Hah?"
Naramdaman kong tinapik ako sa noo ni Ghella. "Nakikinig ka ba? O nasa planetang JK ka na naman?" Kunot noo niyang tanong.
"Sorry na space out ako. Ano kasi... Si James inalok niya akong magpretend kaming mag jowa kapag nasa harap ng camera para mas pumatok daw ang loveteam naming..." Kaso nang nabalitaan yon ng manager ni James binantaan niya ako na gagawa siya ng issue para hindi na ako umangat nang tuluyan. Inaamin ko na natakot ako sa banta na iyon. Kasi nagustuhan ko na rin naman ang pag aartista ko. Dati, nag artista lang naman ako dahil kay Keith. Pero ngayon, niyakap ko na ang talent ko sa pag aarte. At saka pinangako ko muna sa sarili ko na iaangat ko ang sarili ko para mapatunayan ko kay Keith na hindi ako lampang babae.
Speaking of Keith, hindi ko pa siya nakikita sa personal. Kahit makasalubong manlang sa hallway ng network ay hindi nangyayari. Wala rin akong lakas ng loob na itext o tawagan Siya. Kahit pumunta sa condominium niya ay hindi ko magawa. Siguro nga masaya na akong minamahal siya sa malayo.
Akala ko hindi ko na siya ulit makikita. Pero nang malapit na magshowing ang pelikula namin ay sunod sunod naman Ang appearance namin sa TV. Talk shows, Noon time show, Evening show, Game show. Kung saan-saan Na lang para ipromote yong pelikula. Kaya lagi kaming nagkikita ni Keith. Kada natatapos ang airing ng show ay nagkakasalubong kami sa dressing room. Lagi lang siyang nakatitig at Tila may gustong sabihin Na hindi naman niya masabi.
"Feeling ko talaga, May feelings Na sa'yo si John. Ay nako, day! Kitang kita ko kung paano ka titigan ni John. May ningning sa mga mata niya." Kinikilig pa si Ghella nang ikwento sa akin ang nakita niya Kanina.
"Tigilan mo na nga 'yan. Mag-focus tayo sa career ko. Saka, bilisan mo na diyan. Magkikita pa kami ni James."
"James na ba talaga for real? Anong nangyari sa Jk's girl?"
Napatawa na lang ako kay Ghella. Keith's girl pa rin naman ako, e. Yun nga lang ay hinahayaan ko na muna Ang sarili ko na malayo SA kanya.
Pinili namin magkita ni James sa isang Hotel na sikat. Doon daw kami mag dinner para sosyal daw kaming dalawa. At saka hindi Na daw naming kailangan mag shades or ano pa mang ilagay sa mukha para hindi dumugin ng fans kapag namukhaan kami. Puro artista lang din naman ang dumadayo sa hotel Na iyon o kaya mayayamang tao or mga foreigners lang talaga. Ang sosyal nga kung ganoon.
Nauna akong nakarating sa hotel at dumiretso na ako sa restaurant. Mahuhuli daw si James ng limang minuto. Iginiya ako ng isang waiter sa pinareserve na table ni James. Sosyal talaga. Medyo nasasanay na ako sa ganito.
Habang hinihintay ko si James ay nilibang ko ang sarili ko sa pag i********:. Nag picture ako at pinost ito Na may caption Na "waiting for Him." Oo, double meaning 'yan. Pwedeng naghihintay kay James Na dumating. At mas lalong pwedeng naghihintay sa pagmamahal ni John. Natuwa ako dahil ang daming likes at comments agad iyong pinost ko. Nagcomment pa nga si James at nag-sosorry. Ang dami na naman tuloy Ang nangaasar sa amin.
Mabilis tumibok ang puso ko nang makita Ang post ni John na Isang minuto pa lang ang nakakalipas.
"Just wait for me." Ang naka-caption at yong picture niya ay kasama ang alaga niyang Pusa Na hindi ako nagkakamali ay iyon Ang niregalo ko SA kanya three years ago. Nakahalik siya sa ulo ng Pusa.
"You really love cats." Nakita kong comment ng Isang modelo.
"Of course. I love CAT!" Reply ni John sa comment.
Nag assume talaga ako na ako yung cat na tinutukoy niya. Damn you, John.