KATHY
"Okay na naman din daw yung bali mo sa bandang pwetan mo. Pwede ka na daw bumalik sa taping." Paliwanag ni Ghella—bestfriend ko—habang binabalatan yung orange na dala niya para sa'kin.
"Sa wakaaaaaas! Nakakaburyo na dito sa Hospital. Two days, Best! Dalawang araw na puro nurses at Si Doctora lang ang nakikita ko. Mabuti nga't naisipan mo akong dalawin dito, e." Sabi ko at pilit na ngumiti.
Dalawang araw akong napatigil dito sa Hospital na pinagdalhan sa'kin dito ni Keith. ( Ayoko na siyang tawaging John. Kasi.. Ayoko na? )
At dalawang araw din walang dumalaw sa'kin na katrabaho ko mula nung nalaman nila ang kalagayan ko. Sabi ni Direk sa'kin tru phone ay pwede naman daw habulin yung scene na dapat kong tinitape ngayon. Since, Kontrabida naman daw ang role ko ay konti na lang din daw ang pwedeng ipasok sa eksena kasi nga puro kila Jullie at Keith na ang eksena.
Nakakalungkot lang na hindi ako dinalaw ni John Keith.
John, Ka na naman, Kathy! Tigilan mo na sabi.
Huminga ako ng malalim sa naisip. Hindi ko alam na marami na palang sinasabi yung best ko.
"Tsk tsk! Hulaan ko? Nasa planetang J na naman 'yang utak mo ano?!" Tanong niya na parang dismayado siya sa'kin.
"H-huh? H-hindi ano." Sabi ko at tumingin sa ibang dereksyon.
"Sus, Hindi daw. Kilala kita ano! So, mamaya pwede ka na daw lumabas mga bandang 3PM daw. Deretso ka ba sa taping nyo o pahinga ka muna ng isang araw? God! Yung ano mo pa pala! Yung scandal moooo!" Sunod sunod na sabi ni Ghella.
"Scandal na pinagsasabi mo? Hindi ako porn star!" Irita kong sabi.
"Shemay kaaa! Si James 'yon! Yung perslab ko inagaw mo sa'kin pokpok ka! Alam mo bang trending topic yung kumalat nyong picture ni James na naghahalikan kayo sa pool? Tell me! Tell the truth! Hindi kayoooooo" Exaggerated niyang kwento.
"Punyeta ka, Best! Hindi ano?! Edi pinatay ako ni Aira Cristobal. Siya lang naman yung parang leading man ko sa pelikula nila K-keith." Paliwanag ko.
Bakit hirap akong banggitin yung pangalan niya? Dahil ba sa sakit? Hays.
"Hay! Salamat naman. So, masarap yung bibig ni James? Kasama ba sa ipapalabas yung kissing scene niyo ni James? Huh? Huh?" Makulit na tanong ni Ghella.
I just rolled my eyes. Pakakulit niya talaga swear! Kaya hindi ko na siya pinansin pa sa mga sumunod niyang mga tanong.
Nung lumabas ako ng Hopital ay nagtungo agad ako sa set—sa Resort. Na-miss ko kasi si Derek pati yung staffs tsaka si James. Lalo na si Keith. Oo! Sabi ko naman na pagod na akong mahalin siya. Pagod lang naman pero hindi pa rin naman ako susuko. Gagawin ko pa rin naman ang lahat mapa sa akin lang siya. Ang Kontrabida ay hindi nag papa-api.
"Derek! I missed you! Ba't 'di mo ako dinalaw sa Hospital?" Tanong ko kay Derek na busy siyang mag review sa ginawang scene kanina. "And about that. Sorry kung tumalon kayo ng scene gawa nga ng napilayan ako dahil sa kagagahan ko. Sorry po talaga." Paumanhin ko.
Tumigil siya sa ginawa niya at huminga ng malalim.
"Sinabi sa'kin ni JK na nadulas ka daw kasi tumakbo ka. You're so clumsy! Hindi mo iniingatan yung sarili mo! Paano kung sikat ka na? Paano kung nabalian ka talaga ng buto at tuluyan ng hindi gumaling?" Nakita ko ang galit ni Direk sa'kin.
Tumayo siya at hinawakan ako sa balikat. "Look, Kathy. Nakikita ko na magaling ka. Mas better ka pa sa mga batikan na umarte. Nakikita kong sisikat ka after nito. Kaya nag lulook forward ako na baka sa susunod ay ikaw na ang bida sa gagawin kong pelikula o serye man. Ang akin lang, mag iingat ka sa lahat ng bagay. Hindi biro ang pag aartista. At isa pa, yung viral photo niyo ni James? Ipapalabas na lang natin na kasama yon sa senaryo dito sa pelikula." Ngumiti si Direk pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Agad ko siyang niyakap dahil sa tuwa. "Thank you, Direk! Gagalingan ko pa po lalo. Pangako ko sa'yo." Sabi ko.
Habang kayakap ko si Direk ay nakita ko si Julie. Nung unang tingin ko sakanya ay nakakunot yung noo niya habang tinitingnan niya kami ni Direk. Pero, bigla siyang ngumiti ng namalayan niyang nakatingin na pala ako sakanya.
Fake smile. Alam ko naman ang tunay mong pagkatao, Julie!
Binati ako ng staffs and crew na mga katrabaho ko rin. Yung stylist ni James ang hindi ko gusto yung tabas ng dila dahil panay parinig siya sa'kin. Hindi ko na lang siya iniintindi. Baka mapasama ko pa siya sa listahan ng papatayin ko.... Sa tingin. Syempre, kahit ganito ugali ko may takot pa rin ako sa Diyos.
Kinabukasan ay nag shoot ulit ako ng scene ko na kasama si James. Medyo nakikita kong ilang siya sa'kin.
"James, Alam kong nahihiya ka sa nangyari. Ako rin naman, e. Kaya hihingi ako ng paumanhin sa'yo ngayon tungkol dun sa... Doon sa g-ginawa ko. Sorry!" Sabi ko at yumuko sa hiya. Nakakahiya talaga.
"No. Okay lang naman, Kathy. Atsaka, magiging bahagi na rin naman yung kumalat ng kissing scene natin dito sa pelikula kaya 'wag mo nang isipan pa ang mga ganoong bagay 'yon. Hindi 'yon big deal." Sabi niya at ngumiti siya. Yung ngiting mapapalaglag yung panty ng fans niya.
"S-salamat, Ha? Nakakahiya. About doon sa k-kiss----"
"----Okay lang! Iisipin ko na lang na aksidente yung nangyari." Pagputol niya sa sasabihin ko.
Nakikita kong parang ayaw niyang pag-usapan namin yung nangyari kaya ngumiti na lang din ako sakanya.
Nung nag gabi ay minamadali na kami nila Direk para umpisahan na 'yong isisingit ngang scene yung kissing scene namin ni James.
"Oh, ayan script! Nahirapan akong isingit yan! Napaka layo kasi sa sinulat ko. Hays! Kikiri nyo kasi." Sabi nung writer ng pelikula pagka abot sa'min nung script.
Agad kong binasa at kinabisado 'yon. Maikli lang naman. Walang gaanong salitaan. Pero bakit may sampalan? Sabi kasi sa script. "Nang namalayan ng babae na hinalikan na siya nang lalaki ay agad niya itong sinampal ng malakas." Hindi ko naman yata kayang gawin kay James 'yon! Kay Julie maari pa.
"Ah, about sa sampalan pwedeng 'wag na lang isama?" Bigla kong sabi sa writer.
"Huh?! Jusko naman! Mag sshoot na tsaka mo pa papabago?! Ikaw na lang kaya magsulat kung ikaw lang din masusunod! Kabago bago mo palang demanding na agad." Prankang sabi nong writer.
Napalaki bigla ang mata ko sa narinig. Sasagutin mo na sana yung writer nang hawakan ako sa balikat ni James.
"It's okay, Kathy. Hindi naman siguro kalyuhin yang kamay mo diba? So, hindi naman yata ako masasaktan sa sampal mo." Sabi ni James sabay kindat sa'kin.
Biglang nawala yung pagkaimbyernang nararamdaman ko sa Writer dahil lang sa biro ni James. Kaya parehas na lang kaming tumawa.
"Alam mo, Miss hot!" tumawa ulit siya nang banggitin niya 'yon. "Lahat tayo ayaw ng sampalan scene na 'yan. Masasaktan tayo at makakasakit tayo. Hindi man natin gusto 'yon pero kaylangan." sabi niya at kumindat sa'kin.
Ngumiti ako sabay yakap sakanya. "Salamat sa pag papalakas ng loob ko. Masaktan man kita mamaya, sorry na agad. 'Wag galit p're huh?" At sabay kaming tumawa.
Nang tawagin na kami ni Direk para kuhanan na ay nahagip kong nakatingin sa'min si Keith. Hindi ko mahulaan kung anong meron sa expression ng mukha niya ngayon. Malungkot, Inis, Nag aalala, Blanko. Hindi ko ma-sure kung alin do'n. Hindi ko muna siya kinausap ko nilapitan manlang.
"Take one!"
Hudyat ng aarte na kami ni James. Nasa pool ako at umaarte ng parang nalulunod. Pero pinapalabas dito sa pelikula na kunwari ay nagpapakalunod ako. Biglang tumalon si James para sagipin ako at dalhin sa gilid ng pool.
"Hey! Are you okay?! Damn question!" Linya ni James.
Pinakinggan muna kunwari ni James yung heart beats ko at pinump ako bandang dibdib. Naramdaman ko pa nga yung isang daliri niya na tumama sa pinakadibdib ko. Pero hindi ako nag paapekto doon.
"Sorry!" Linya ulit ni James na ang alam ko ay wala sa linya niya yon.
Bigla niya akong hinalikan. Yung mouth to mouth. Tatlong beses niya yon ginawa. Ang lambot ng labi niya. Mainit sa pakiramdam. Parang malalasing ka kapag nag torid kiss kayo! What?! Hoy! Umaarte kayo. Mamaya na pantasya, Kathy.
Umubo ako kunwari at naka lean pa rin si James-- Nakapatong sa'kin at hinalikan pa ako ng isang beses. Sabi kasi sa script kunwari hindi pa alam ni James na nagising na ako. Nakapikit siya habang hinahalikan ako. Ang galing niyang Actor talaga.
Tinulak ko siya at tumayo. Tumayo rin siya dahil sa bigla. At eto na. Sorry, James.
Sinampal ko siya ng medyo malakas. Napabaling yung tingin niya pakaliwa dahil sa sampal ko. Agad na namula yung pisngi niya. Sorrryyyyy!
"Ba't mo ako hinahalikan?!" Sigaw ko. Kasama sa linya ko.
"Cut!" Biglang sigaw ni Direk. "Good take! Very good." Dagdag pa ni Direk.
"Grabe. One take lang talaga ang nagagawa nila James kapag sila kinukuhanan. Ang galing talaga nila." Narinig kong bulong nung isang staff.
Agad akong pumunta kay James na binabalutan na siya ngayon ng tuwalya ng PA niya. Ang lamig nga dahil hapon na rin naman.
"Uy, Sorry sa sampal, huh?" Sabi ko at niyakap ang sarili dahil sa lamig. Umihip kasi yung hangin.
"O-okay lang. Part of our job naman yon. Masanay ka na." Sabi niya ng hindi makatingin sa'kin.
"Yeah right. Sige, papalit lang ako. Ang lamig." Sabi ko at tumango naman siya. Ba't ba parang naiilang siya sa'kin?
Nang naglalakad ako patungo sa tent ko ay napapansin kong napapatingin din sa'kin yong mga kalalakihan sa set. Problema ba nila?
Nasa tapat na ako mg tent ko nang makita kong nasa tapat din nito si Keith. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Halos tatlong araw ko rin siyang hindi naka usap at nakasama. Na-miss ko siya. Pero, kaylangan ko na munang mag focus sa trabaho bago sakanya. Baka kasi pag sikat na ako ay maaaring makatambal ko rin siya at pwede ko nang maagaw yung atensyon na binibigay niya kay Jullie.
Nang magtama ang mata namin ay ngumiti lang ako sakanya at nilagpasan na siya. Bukod sa basa ako ay nilalamig na din ako. Wala pa kasi akong PA kaya walang aasikaso sa'kin.
"Tss." Narinig kong sabi ni Keith.
Hindi ko na pinansin yon. Baka may sasabihin na naman siyang hindi ko magugustuhan. Baka masaktan na naman niya ako. Bigla akong nakaramdam ng takot kay Keith sa mga oras na ito. Kung kaya niya akong saktan ng ganoon ay baka mas malala pa ang mga susunod kung lalapit pa ako sakanya. Pero mahal ko pa rin naman siya. Siguro, hihintayin ko na lang yung oras naming dalawa. Yung walang sakitan. Hahayaan ko na lang sigurong mahalin siya ng malayo sa'kin.
Oo! Sinabi kong gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya. Pero kada pinagpipilitan ko ang sarili ko sakanya ay pag iwas at pagtaboy naman ang ginagawa niya sa'kin. Worst is nasasaktan niya pa ako,
Humarap ako sa salamin. Ngayon, alam ko na kung bakit hindi makatingin sa'kin si James at minamanyak naman ako sa tingin ng kalalakihan ay dahil basa ako at kitang kita ang hubog ng katawan ko dahil fit na fit yong suot ko. Bakat din yung dibdib ko. Napangisi ako. Lalaki sila kaya na tuturn on sila kapag nakakakita sila ng ganitong katawan. Lalaki si Keith at imposibleng hindi siya ma- turn on sa katawan ko.
Ako nga pala yung sinayang mo!
Natawa ako sa naisip ko. Nagbalot muna ako ng tuwalya sa buong katawan ko. Papatuyuin ko muna katawan ko bago magbihis. Nag music na lang ako. Sumasabay pa ako sa kantang Salute by Little Mix. Nang matapos yung kanta ay nagpasya na akong magbihis.
"Ah, Miss Hot----!"
"---s**t! Get out!" Sigaw ko.
Agad kong tinakpan yung dibdib ko dahil sa gulat. Buti na lang at naka pantalon na ako.
"So-sorry! I did'nt... f**k! Sorry. Sorry!" Nahihiyang sabi ni James at lumabas ng mabilis.
Shemay! Nakita niya akong half naked. Nakakahiya.