KATHY
"Nagpapahinga pa siya."
"Grabe naman. Kumalat agad yung chismis. Kaloka!"
"Ba't di sila sa kwarto gumawa ng ganoon? 'Di ba sila nag iisip?!"
Pag mulat ko, ingay sa labas ng room ko ang naririnig ko. May pinag-uusapan sila na hindi ko maintindihan kung ano.
Kinusot ko ang mata ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Nalunod ako at may sumagip sa akin. Hindi ko lang matandaan kung sino. Nawalan na ako ng malay. Ganoon ba talaga yun kapag nalulunod? Ang weird naman kung ganoon.
Nalulunod na ako sa pagmamahal ko kay John. Sana mawalan na lang din ako ng malay.
Tss. Eto na naman ako sa mga hugot ko. Ang ingay nila! Nakakairita na.
Bumangon ako. Nakita kong iba na yung suot ko. Binalewala ko na lang. Di naman masamang magtanong kung anong nangyari after mawalan ako ng malay.
Pagbukas ko ng pintuan nag tinginan silang lahat sa akin. Nandito yung make up artist, yung writer ng pelikula, yung stylist ni James at si Direk.
"My god, Kathy!" Biglang sigaw ni Direk. Medyo napatalon ako sigaw na iyon.
Umirap yung stylist ni James. Like what the? Problema nila?
"Nakakainis ka alam mo ba?!" Sigaw nung stylist. Hala? Stylist? Haler? Stylist maninigaw ng isang artista? Attitude ka, Girl?
Pero blanco pa rin ako sa nangyayari.
"Ano pong sinasabi niyo?" Tanong ko at naupo sa couch.
"Really, Kathy? May gana ka pang tanungin 'yan?" Sabi nung writer.
"Yes. Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sabi ko medyo nagtaray na rin ako dahil sa hindi ko gusto ang paninigaw nila sa'kin without clue kung ano bang hinahanash nila diyan.
"Gosh, Kathy! Viral yung picture niyo ni James. Pinaguusapan na kayo sa social media. Laman na rin kayo ng showbiz balita. Nag iisip ka bang talaga? Baguhan ka lang tapos ano 'to?! Hindi pa natatapos pelikula natin, gumawa na kayo ng skandalo ni James!"
Napa kurap kurap ako sa sinabi ni Direk. Anong scandal? Anong picture?
Bago pa ako magsalita ay pinakita na sakin yung picture daw na kumakalat sa social media.
Napanganga ako sa nakita. Ako at si James ay nakuhanang naghahalikan sa pool.
Hindi ko na binasa yung naka-caption sa picture. Bigla akong napaisip. Si James ang sumagip sa akin kagabi. At halata sa picture na ako ang unang humalik.
F*uck!
Napatingin ako kay Direk ng nangangamba.
"But don't worry. May sulusyon diyan." Sabi ni Direk.
"Just go with the flow. Pagkatapos naman ng movie na ito ay sigurado akong kayo na ni James ang magiging magkatambal sa lahat nang gagawin nyo. May chemistry akong nakikita sa inyong dalawa."
"No, Direk! Paano si Aira Cristobal? Diba sila ang nababalitaang lumalabas? Sila ang magka-love team. Anong iisipin ng fans nila? Malaki na rin ang fan base ng JaiRa."
"Wala tayong magagawa dun. Ganoon naman talaga sa showbiz diba? Di ka naman nasanay." Sabi ni Direk.
Pero si John ang gusto kong makatambal. Kahit sa tunay na buhay. Hindi lang sa reel life.
"Sige, direk. Alam ko na ang mga isasagot ko sa media kung sakali mang i-hot seat nila ako. Sana ganoon din si James." Sabi ko.
Nag patuloy ang taping ng movie na ginagawa namin. Hindi ako gaanong pinapansin ni James. Nahihiya yata siya sa akin. Kahit ako nahihiya sakanya. Damn! Nalunod lang ako bakit kaylangan ko siyang i-kiss non? Ang akala ko kasi si John ang nagligtas sa akin.
Speaking of.
"Hey, JK." Bati ko sakanya full smile kakabalik niya lang dito gawa nung may interview sila ni Julie hitad.
Tila wala siyang narinig o nakita manlang. Diretso lang siyang naglakad at nilagpasan ako na parang isang bagay na hindi kapansinpansin.
Sinundan ko siya sa tent nila ni Julie. Si Jullie ay nasa network pa para sa ibang ginagawa niya. Doon na lang siya sana. Wag na umepal sa'min ni John.
"Hello, John. Lunch?" Since 11:30 am na rin naman at eksena pa ni James ang kinukunan.
"No thanks. Get out." Wala sa loob niyang sabi.
Busy siyang nagtetext. Si malditang Julie na naman ka-text nito. Lumapit ako imbis na sundin ang sinabi niya.
"Ang sungit mo forever." Sabi ko sa tono ng malambing.
Konting kembot na lang kay John bibigay na sa'kin 'to, e. Ma-try nga habang wala ang asungot na si Julie.
Nakaupo siya at nakaharap sa salaming malaki habang nagtetext. Lumapit ako ulit ng konti sa bandang harapan niya.
Nakita kong sinulyapan niya ako sa reflection ng salamin.
"Diba, bagay tayo?" Sabi ko at tumingin sa salamin.
Bagay na bagay talaga kami.
"I don't think so. Please, leave." Masungit niyang sabi.
Nako! Pakipot ang isang 'to. Daanin natin sa haplos.
"Ayoko nga." Sabi ko at nag lean forward malapit sa tainga niya. "Mas bagay talaga tayo, John." Sabi ko at hinawakan ang balikat niya.
Bigla siyang tumayo at tinulak ako ng malakas.
Napaupo ako sa sahig dahil sa malakas niyang tulak. Parang napilayan pa yata ako sa bandang pwetan. Ang sakit.
"Diba sinabi kong lumabas ka?! Ano? Lalandiin mo rin ako kagaya ni James tapos papa-picture ka para maging famous agad? Ganoon ka diba? Makuha mo lang ang gusto mo gagawin mo na ang lahat kahit ipahiya ang kapwa mo artista? Mapansin lang ng mga tao?! Isa kang linta na sisipsip sa direktor mapabango lang pangalan mo!"
Nanlilisik ang mga mata niya habang sinasabi 'yon. Galit na galit siya ngayon sa'kin. Mapabango? Sipsip? Maging sikat? Alam ba niya ang sinasabi niya?
Hindi ako makatayo ng maayos. Pinipilit kong tumayo pero natutumba pa rin ako. Sa sobrang sakit ay napaiyak na ako.
"Masakit na nga yung tulak mo, masakit pa ang mga sinasabi mo. Alam mo ba ang sinasabi mo ngayon, John? Alam mo ba ang dahilan ng pag aartista ko? Alam mo ba ang kwento sa picture na kumalat na picture namin ni James?" Tanong ko habang umiiyak at pinipilit na tumayo.
Kumapit ako sa upuan para makatayo ng maayos. Nakatingin pa rin siya sa'kin nang masama.
"Sipsip? Para maging famous gagawa ng ganoong bagay? Oo siguro kung para sa'yo. Pero sa tanginang trabaho na ito ay hindi ko gagawin ang mga bagay na 'yon para lang sa pangalan ko. Alam mo bang nang dahil sa'yo kaya ako nandito? Ilang beses ko bang ipapamukha sa'yo ang mga bagay na yun, John? Ilan?! Kahit sabihin ko pa ang mga bagay na ito sa'yo wala rin namang kwenta. Wala akong panapat kay Julie. Mukha ba siyang anghel para sa'yo? Alam kong lahat ng mga sinabi mo ngayon ay galing kay Julie. Dinidemonyo ka lang niya. Sinisiraan sa'yo. Dahil mas better naman talaga--"
"Wag na wag mong idadamay sa kabaliwan mo si Julie!" Sigaw niya.
Napapikit ako kasabay ng luha.
Tinaas ko ang kamay ko.
"Sige na. Sige na, John. Tama na. Si Julie na ang panalo. Talo na ako, John. Talo na sa lahat." Panay daloy ng luha ko. "Kasi kahit ano talagang gawin ko ay bato yang puso mo para sa'kin. Tama na 'to. Tama na kahibangan kong ito. Hindi mo lang ako nasasaktan sa loob. Pati na rin sa labas nasasaktan mo na ako. Ang hirap mo talagang---Mahirap kang mahalin. Nakakapagod." Sabi ko habang umiiyak.
Iniisip niyang nagpapaawa ako sa harapan niya. Galit pa rin ang pinapakita niya sa'kin. Susuko ako. Ngayon lang. Baka bukas tuloy pa rin ako. Sana talaga natuturuan ang puso kung sino ang pag aalalayan ng t***k nito.
Iniwan ko siyang walang sinabi kahit ano sa sinabi ko. Iika ika akong lumakad palayo. Mukhang di ko na matatapos ang taping at sa hospital na ang tuloy ko nito.
Sa sobrang sakit bumagsak ako. Pero may nakasalo sa'kin. Binuhat niya ako sa braso niya na parang bagong kasal.
"Baba mo ako. Maiissue tayo." Sabi ko.
Tahimik lang siya at tuloy tuloy na lumabas ng tent kasama ako. Hindi niya pinapakinggan yung staffs na tumatawag sakanya. Diretso kami sa parking lot ng hotel at dinala niya ako sa loob ng kotse niya.
"Ano bang ginagawa mo, John?!" Halos pasigaw kong tanong.
"Dadalhin kita sa hospital." Sabi niya at sinuot yung seat belt niya at siya na rin ang nagseat belt sakin.
"Bakit mo ba ginagawa pa 'to?! Diba sanay ka naman na nasasaktan ako? Bakit ayaw mong pabayaan na lang akong nasasaktan?! Itigil mo sasakyan bababa ako!"
Hindi siya umiimik. Tuloy lang siya sa pamamaneho.
"Diba ayaw mong ma-issue tayo?! Baba mo ako sabi!" Sigaw ko at hinampas ang salamin na nasa gilid ko.
Agad siyang nagpreno at muntik pa akong mauntog.
"Tss." Sabi niya.
"Paki-unlock." Utos ko sakanya.
Hindi niya ako sinunod at nakatingin lang siya sa harapan ng kotse niya. Nasa gilid kami ng kalsada na ang magkabilaang gilid ng kalsada ay puro puno at damo. Medyo malayo pa kami sa city.
"Bumaba ka na." Sabi niya sabay abot ng pintuan sa gilid ko at binuksan para lumabas na ako.
Dahan dahan akong bumaba ng kotse niya. Naramdaman ko pa ang pagkirot ng balakang ko.
"F--." Inda ko sa sakit.
Pagkasara na pagkasara ko ng pintuan ng kotse niya ay agad siyang umikot para bumalik na sa hotel.
Wala talaga siyang puso.
Naglakad lakad ako ng mabagal. Ang sakit talaga nang pagkabagsak ko. Nahulog ako ng hindi sinalo.
Nag aabang ako ng kahit anong masasakyan nang biglang umulan.
"Sheez!" Kahit gusto kong tumakbo para makasilong ay hindi ko magawa.
Putik talaga! Nakikisabay ka pa, ulan!
Sumilong ako sa malaking puno sa gilid ng kalsada. Mag aabang ako ng bus o kahit na anong masasakyan papunta sa hospital. Kaylangan kong mapa-check agad yung balakang ko. Mahirap na baka ito na ang tatapos sa career ko bilang artista.
Baka hindi ko na makuha pa si John kung magkataon.
Please, Kathy! Please lang. Intindihin mo muna kalagayan mo. 'Wag muna si John. Nakakasakit siya sa'yo.
Sa isip-isip ko, kaylangan ko nga munang intindihin yung lagay ko bago ang nararamdaman ko para sa lalaki.
Limang minuto na akong nakasilong. Kahit nakasilong ako sa puno ay nababasa pa rin ako ng ulan. Giniginaw na ako. Baka magkasakit ako nito.
Kainis! Bakit walang dumadaan na sasakyan? Nagsisimula na rin akong umiyak dahil sa inis. Napaupo ako at kinakagat ang hinlalaki habang nakakuyom at umiiyak.
Nakakaawa ka naman, Kathy. Walang nagmamahal sa'yo.
Tuloy lang akong umiiyak. Diba kapag kontrabida dapat palaban? Bakit ako ang inaapi?
Bakit ako nagpapaapi?
Hindi ako susuko! Lalaban pa rin ako.
Tatayo na sana ako, pero wala akong lakas dahil nanghihina ako sa kirot. So pathetic, Kathy. Great. So great!
Damn, Life!
Nagsisimula na namang lumandas ang mga luha ko. Ilang minuto na ba akong ganito. Para akong basang sisiw.
Bigla ko na lang namalayan na may humintong sasakyan sa harapan ko. Tumutulo ang luha ko nang tingnan ko ito. Marahil hindi niya nakikita ang mga luha ko pero kitang kita kung gaano kapula ang ilong at ibaba ng mata ko senyales na umiiyak ako.
Agad na bumaba ang sakay nito at nagmadaling ipatong sa ulo ko ang jacket niya at binuhat ako papasok sa kotse niya.
Hindi siya umiimik. Seryoso lang siyang inaasikaso ako. Pinagpag niya yung nabasang parte ng buhok at katawan niya. Bagsak na ngayon yung kaninang maayos niyang buhok.
Hindi na rin ako nakaimik at hinayaan ko na lang yung mga luha kong lumabas.
Ayoko sanang bigyan ng ibang meaning yung pagbalik niya para iligtas ako sa gitna ng ulan pero naiisip kong concerned siya sa'kin. Hindi pala bato ang puso niya para sa'kin.
Dapat ko bang ikatuwa ang bagay na yon?
Niyakap ko ang jacket ni John na ipinandong niya sa'kin kanina dahil nilalamig ako dahil sa aircon ng sasakyan.
Napansin niya yata na giniginaw ako kaya pinatay niya yung aircon. Ikakatuwa ko ba na yun na pinaparamdam niya sa'kin na parang inaalala niya yung lagay ko?
Tahimik lang kaming pareho ng nakarating sa hospital. Ibinilin niya ako sa nurse at doctor. Pinagkaguluhan siya ng mga tao doon. Nakiusap siyang 'wag i-post sa social medias yung mga litatrong kinukuhanan nila.
Ginamit niya ang charm niya para magmakaawa sa mga ito.
Nagpaalam siya sa doctora na aalis na daw siya dahil may taping pa daw siya.
Bago pa man siya makalabas ng room ko ay pinigilan ko muna siya.
"John, Sandali."
Napatigil siya sa paglalakad. Nakatalikod siya sa'kin. Naghihintay ng sasabihin ko.
"S-salamat at binalikan mo ako---"
"----Mauna na ako." Pagputol niya sa sasabihin ko.
Agad siyang nakalabas ng room ng hindi manlang ako tinitingnan.
Pumikit ako. Humapdi mata ko. Punyeta iiyak na naman ba ako? Walang kapag-asa asa na makuha ko ang pagmamahal ni John.
Hanggang mahal ko pa siya hindi ko siya susukuan hanggang sa marealize ng puso ko na sobra na ang sakit na nararamdaman niya at umabot sa point na mamatay na siya sa pagtibok para kay John.