Kathy's POV
"Lunch, Miss Hot?" Nagulat ako sa biglang pumasok na lalaki sa tent ko kung saan ako nagpapahinga.
Napangisi ako sa hawak hawak niyang pagkain.
"Lunch pero kutsinta naman ang dala mo. Baka naman ang ibig mong sabihin ay breakfast?"
Tumawa ako ng malakas at nakitawa na rin si James.
"Sorry, lahat naman ng tao ay nagkakamali." Sabi niya ng naka-smile.
Tumawa kaming parehas.
Oo. Lahat ng tao ay nagkakamali. Siguro ngang mali ang mahalin ang taong may mahal nang iba. Pero para sakin, lahat ng mali ay tama. Tama na si John ang minamahal ko ngayon.
Pag dating sa pag-ibig lahat ng mali ay tama.
Pero ang sobrang pagmamahal sa isang tao ay nakakasama rin minsan.
Pero bakit hindi ko maiwasan ang pagmamahal ko sa kay John?
Sumigaw na si Direk at ilang minuto na lang daw ay mag sisimula na ang shooting.
Eksena pa namin ni James ang kukunan. Si John ay hindi mahagilap ng aking mga mata. Tulog pa siguro yun. Kagabi pa naman kasi siya dumating.
Sana hindi na dumating yung bruhang si Julie para solo ko si John Keith.
Kinukunan na kami ng scene ni James. Syempre todo iyak ako at ginagalingan ko talaga ang arte ko para malaman nila na mas magaling akong actress kaysa kay Jullie.
"Gusto kong gumanti. Gusto kong magdusa sila at hindi sumaya. Hindi nila pwedeng gawin ang bagay na ito sa akin. Hindi pwedeng ako lang ang iiyak. Dapat pati sila ay umiyak ng sobra. Walang pwedeng sumaya. Wala."
Huling linya ko kasama si James na sinasabihan ko ng mga hinanakit ko.
"Then, Cut! Good take." Kitang kita ang matamis na ngiti ni Direk at halatang satisfied sa nakunang eksena naming ni James.
Nagpalakpakan ang staffs at manonood.
May mga sumisigaw ng pangalan ko at agad ko silang kinawayan bilang tugon. Napaka sobrang saya naman ang nakukuha kong feedback mula sa mga tao sa paligid.
"Nice ka talaga Miss. Hot. You're so amazing." Sabi ni James. Tinapik tapik niya pa talaga ang balikat ko sa tuwa.
"Salamat sa compliments. Baka masanay ako niyan." Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko. Panay tawa na lang nagagawa namin ni James pag nag uusap kami. Feeling ko clown kaming dalawa sa past life namin. Natawa naman ako sa naisip ko.
Sa kalayuan ay tinawag ako ni Direk. Agad akong tumakbo sa kinatatayuan niya. Nakita kong nasa gilid niya si Julie the kumag. Biglang nagbago ang mood ko. From happy ay napalitan ng angry. Nakakasura pag mumukha ng isang 'yan.
"Yes Direk. Hi, Jullie." Bati ko.
Eto ang tinatawag na plastic. Who cares? Maraming taong plastic. Nakikiuso lang ako. Sarap duraan ng plema sa makapal niyang mukha si Julie. Sumisipsip na naman siguro ito kay Direk kaya siya nakadikit. Well hindi ako magpapatalo sa labanang ganyan. Halata namang nagugustuhan na ako ni Direk, e. Kaya malapit ko na mapalitan ang titulong meron ngayon si Julie. Flips hair.
Ngumiti si Direk nang harapin ako. "You did great today. Hindi mo nga ako ipapahiya kahit na baguhan ka lang. You and your acting, very very nice. Keep it up." Sabi ni Direk habang full smile. Napatalon yata ang puso ko sa sinabi ni Direk.
Goal: Impressed the director. Check. Beat that, stupid Julie. Feeling ko pinapatay na ko sa isip ni Julie the kupal ngayon.
"Thank you, Direk. Sabi ko naman sa'yo na gagalingan ko. Kaya hindi ka po mag sisisi kung bakit ako ang kinuha mo sa role na ito. Dapat nga ako ang bida, e." Hinanaan ko na lang yung last words na sinabi ko. Pero sana narinig nilang dalawa para double kill, ano?
At mas deserving talaga ako sa leading lady na role. Pak na pak ang beauty at ang pag arte ko ano?! Anong say ng kunwaring Anghel na nasa harapan ko ngayon?!
"Congrats, Cathy." Bati ni Julie na halata namang plastic din. 'Tong kumag na ito, Sarap banatin ng bunganga sa kaka smile niyang peke.
Tss. b***h!
"Oh, Thank you. Now you know na mas better akong actress kaysa sa'yo." Ngumisi ako para mas makita niyang inaasar ko siya.
Nakita ko ang pagkagulat niya sa mga sinabi ko.
Tumawa ako ng malakas. "Just kidding." Tumawa ulit ako. Pero deep inside, Inaasinan ko na pagmumukha niya sa isipan ko.
Tinapik ko kunwari yung braso niya. Like yuck! I need alcohol.
"Ito naman. Akala mo naman na isa ako sa mga artistang maldita at nakikipag away sa kapwa artista? No, dear." Sabi ko. Pero siya lang ang aapihin ko. Ano pa man na ang first role ko ay kontrabida, diba?
mataas ako sa kanya kaya nakayuko ako. Naka heels na siya niyan ha? Paanong nagkagusto si John sa pandak na si Julie? Jusko naman. Isang bitbitan ko lang sa leeg to, e.
Ngumiti siya. " Alam ko naman."
Alam ko naman. Yuck! Pabebe magsalita. Mabaho pa siguro hininga nito. OA na yata ako mang lait, ano? Pero para sa Julie na yan, lalaitin ko siya nang lalaitin hanggang sa magsawa ako. Char! Basta kumukulo talaga ang dugo ko sa isang 'to.
"Uhm. Okay, sige, Papahinga muna ako. Sumasakit na kasi leeg ko. Kakayuko kasi ang liit mo."
"Ha?"
Oy! Narinig niya? Galing niya ha? Parang gusto kong tumawa ng malakas. Sana nandito si James para tumawa talaga ako. Ginawa ko ng clown si James?
"Pagod kasi ako. See you around?" Sabi ko at ngumiti ng peke.
"See you." Sabi niya habang naglalakad na ako paalis sakanya.
See you. Tse. Landi mo.
Palala ng palala na yata ang pagiging maldita ko. Hindi naman talaga ako ganito pero dahil sa pag-ibig nag kakaganito ako. Hays. Ayaw ko man pero parang dapat kong gawin. Ganoon naman siguro kapag nag mamahal ano? Nag babago ang ugali mo.
Maaga pa at bukas pa ang next taping. Nasa beach pala kami. Konti na ang mga tao dito sa resort dahil nag out na yung ibang nag in dito.
3PM pa lang ng hapon. Siguro naman hindi bawal mag swimming?
Pumunta muna ako sa room ko at namili ng susuotin. Hindi ako mag ttwo piece. Baka may manyak na umaaligid. Isang short shorts lang at simpleng white t-shirt. Okay na 'to. Nagpaalam na ako kay Direk. Pinaalalahanan niya lang akong mag-ingat dahil nga artista daw ako. Kaya ko naman mag isa. Sanay akong magisa. Hugot lang?
Mag eenjoy muna ako kaysa habulin si John Keith. Nai-stress lang ang beauty ko. Sa pool ako dumiretso. Ayoko sa beach maraming lumalangoy. Sa pool medyo private kasi nga sa amin lang pinapagamit.
Tamang tamang walang tao sa lugar tanging ako lang. Dapat pala niyaya ko si payatot na James para may kausap ako.
Since wala namang tao, Tinanggal ko na lang yung t-shirt ko. Naka bra naman ako. Yung shorts ko ay kita ang maputi kong hita. Tama ngang nag artista ako kasi sayang ang kutis na ganito kung itatago lang sa liblib. Ang sexy ko pa. Kaya John, Baka naman ano?
Tumalon ako sa tubig habang sumigaw. Pagkalublob ko ay hindi muna ako umahon at pumikit lang ako sa ilalim ng tubig. Ang lamig ng tubig. Hindi na ako makahinga kaya umahon na ako.
Naghahabol ako ng hininga ng umahon ako. Nasa gitna pala ako ng pool. Lalangoy na sana ako ng hindi ko maramdaman ang paa ko.
"Shit." Sabi ko.
"Tulong.."
Hindi ko talaga maramdaman yung paa ko. Namumulikat ako. Hindi ako makagalaw. Nalulunod na ako. Kahit ilang beses akong sumigaw ay walang nakakarinig sa akin. Hindi ko na kaya....... Hindi na ako makasigaw. Hindi ako makahinga...
James' POV
So bored. Bakit ba kasi ganito buhay ng artista? Nakakasakal.
"James. Yung vitamins mo nainom mo na ba? Para naman lumaki muscles mo gaya ni JK."
Tss. Ayan na naman si Manager Sue. Parang nanay makaasta.
"Done." Tabang kong sabi.
Kinumpara pa ako kay John? Nevermind. Tss. Nakakainip talaga. Gusto kong lumabas. Hinaharangan naman ako ng PA ko kasi baka kuyugin daw ako. At isa pa yung stylist ko baka daw madumihan ang damit ko bla bla bla. Nakakasawa minsan.
#Bowreng!
Kasama ng picture kong nakasimangot ang hashtag. Madami agad ang nag like at nag tweet sa pinost ko.
Hays. Bagot na bagot na talaga ako. Dapat pala nag banda na lang ako kaysa mag arte arte. Para kaming bata na inaalagaan at pinagbabawalan.
Nakita kong nakabukas ang pinto at nakita kong busy ang mga tao sa paligid ko. Doon ako nakakuha ng tiyempo para makalabas. Ang laki ng ngiti ko nang nakalabas ako.
"Yes!" Sabi ko ng mahina ng nakalabas ako ng kwarto. Nakatakas ulit ako kagaya kagabi.
Dali dali akong bumaba at baka maabutan ako ng PA ko. Baka isumbong pa ako non kay Manager Sue, e. Sumbungera pa naman 'yon.
Naglakad ako sa hotel hanggang marating ko ang pool. Aba walang tao? Medyo madilim na rin kasi palubog na ang araw.
Akala ko walang tao. Nung uupo na ako ay may lumutang na ulo sa gitna ng pool. Mukhang...nalulunod? Nahihirapan siya at hindi makasigaw.
Agad akong tumalon at sinagip ang babae. Nawala na siya ng malay ng nakuha ko siya sa ilalim ng tubig.
Agad akong umahon at pinahiga siya sa side ng pool. Hinawi ko ang buhok niyang nakatabon sa mukha niya. Nagulat ako at si Kathy pala ito.
"Miss. Hot! Uy!" Tinatapik ko ang pisngi niya para magising siya. Mukhang naka lunok na siya ng tubig kaya nawalan na siya ng malay. Nag papakamatay ba ang isang 'to? Para saan naman? Tinapik ko ulit ang pisngi niya at hindi na siya makadilat pa.
At mukhang kaylangan ko ng gawin ang karaniwang ginagawa kapag may nalunod.
Dahan dahan kong nilapit ang labi ko sa labi niya.
"Bahala na. Hindi naman to kasalanan."
Sabi ko at ginawa ang mouth to mouth.
"Haaaah. Kathy, wake up!" Hingal kong sabi at inulit ang ginawa.
Sa pagulit ko ay doon na siya nagkaroon ng malay. Umubo siya at may tubig na dinura.
"Kathy, okay ka lang?" Damn question. Syempre hindi. Ikaw ba naman nalunod. Minsan naniniwala akong shunga shunga ako, e.
Unti unti niyang minulat ang mata niya. Medyo naiilang ako kasi naka exposed ang katawan niyang nakakapag pawala sa down there ko. Damn. Lalaki ako at hindi ko mapipigilan ang thing na 'yon. Kasama na 'yon sa paglaki ng mga lalaki. Damn! All men are pervert. Pero sana may pinipiling sitwasyon itong down there namin kung kaylan titigas, ano?
"Are you alright?" Tanong ko.
Inangat niya ang ulo niya at hinigit ang basa kong ulo.
"Thank you." Sabi niya at hinalikan ako.
"John..." Huli niyang sabi.
"What? Hindi ako si John." Pero nawalan na ulit siya ng malay. Pati ba naman itong si Kathy mukhang John din kagaya ng staffs ko? Medyo masarap ng sapakin si John sa bunganga at mawalan ng tatlong ngipin ah?
"What happened?!" Nagulat naman ako sa biglang may nagsalita na napaka lakas.
Halata sa mukha niya ang pag aalala kay Kathy. Binuhat ko si Kathy para dalhin sa clinic ng hotel.
"Nagpakamatay." Pagbibiro ko. Pero iyon ang isa sa naiisip ko. "Pero She's okay na. Nakatulog lang siguro. Dadahil ko muna siya sa room niya." Hindi ko na dadalhin sa clinic dahil baka magka issue.
"Here." Abot ni John ng towel at itinakip sa harapan ni Kathy.
"Tell me, Paano maging gwapo?" Tangnang tanong 'to.
Napakunot ang noo ni John sa sinabi ko na parang iniisip niyang nababaliw ako. "Nothing. Nung nai-ahon ko kasi siya. She kissed me-"
"Kiss?" Hindi man lang patapusin ang sasabihin ko ng isang 'to.
"Nevermind, Dre. Need ko na siyang dalhin sa kwarto niya at para makapag pahinga na siya. Medyo mabigat, e." Nangangalay na rin kasi ako.
Nang lagpasan ko si John ay nilingon ko muna siya ng isang beses pa. Para siyang asong tulala. Anong meron sa isang 'yon? Paea siyang laruang robot na natanggalan ng isang battery kaya di na gumagana.
Hindi kaya dahil sa sinabi kong hinalikan ako ni Kathy? Ha? Two timer ba ang isang 'to? He's with Julie San Pedro right? He has a thing ba kay Kathy?
Nagkibit balikat na lang ako. Pero hinding hindi ko makakalimutan ang malambot na mga labi ni Kathy Imperial. Damn! I'm in love already.
Pero alam kong kinabukasan ay magiging head line ang nangyaring pag halik sa akin ni Kathy dahil may nakita akong isang paparazzi na kumukuha sa amin ng litrato. Let's see kung anong magiging reaction ng mga tao. Bigla akong nagkaroon ng gana mag trabaho dahil kay Kathy. Parang ang gaan ng lahat kapag nasa paligid siya. Pinag masdan ko ang mukha niyang maamo nang nailapag ko siya sa kanyang kama. She's like an Angel. Nadapo ang mata ko sa mga hita niya. And my thing's alive again. No! You're so perv, James. Stop this s**t.