Kathy's POV
Sabi nila, Kapag nasaktan ka ng paulit ulit doon ka lang magiging matibay. Doon ka lang makakalimot sa taong mahal mo. Kapag nasaktan ka na niya ng sobra ay matututo ka ng mahalin ang sarili mo bago ang iba. Matututunan mo na rin siyang makalimutan dahil nga sa sobrang sakit na nararamdaman.
Pero bakit naman ako? Kahit na sobrang sakit na ay hindi ko parin siya makalimutan? Bakit hindi ko siya kayang hindi mahalin? Paano ko ba siya kakalimutan gayong, Nasa puso't isip ko siya?
Siguro hahayaan ko nalang munang mahalin siya. Hahayaan kong saktan ang sarili ko kasi mahal ko siya. Nag papaka-martyr ako dahil sa pag-mamahal ko sakanya. Ganoon lang siguro baliw sa pag ibig. Minahal ko siya ng ilang taon. Ay mali, Mahal ko siya ng ilang taon na. Kaya walang lalaking pumapalit sa pwesto niya sa puso ko.
Araw na naman ng taping. Ako nag ayos sa sarili kong gamit pati sa sarili ko. Hindi ko na kaylangn pa ng make up artist dahil marunong naman akong mag ayos.
Nauna ako ng ilang minuto sa set. Nasa isang beach kami. Dito ang venue kung saan makikilala ko ang taong para sa'kin sa pelikulang ginagawa ko. Walang scene sila Jullie at John ngayon. Tanging ako at ang bagong character na si James ang kukunan. Sikat si James. Kasabayan niya si John sa pagsikat.
Medyo maaga pa naman at walang gaanong tao ang nasa paligid. Mga nag-jo-jogging lang ang mga nasa paligid. Umupo ako buhanginan. Since hindi pa ako gaanong kilala kaya hindi pa ako gaanong nakikilala ng mga tao. Lumalanghap ako ng sariwang hangin ng may biglang tumabi sa'kin.
"Ang aga mo.." Sabi niya.
Nilingon ko siya at nakangiti lang siyang nakatingin sa'kin. Naka suot siya ng shades at sumbrero. Naka disguise yata siya.
"Hmm. James right?" Tanong ko.
Ngumiti muna siya bago magsalita. "Yeah. At magkatrabaho na tayo." Sabi niya at ngumiti uli.
Bakit ang dali niyang ngumiti? Kung siya kaya ako makakangiti pa kaya siya?
"Yeah. My love team." Sabi ko at tumingi sa dagat.
"Exactly." Sabi niya at naka ngiti pa rin.
Bigla nalang kaming nagtawanan nang walang dahilan. "You're cool." Bigla niyang sabi. Bumungad sakin yung napaka tamis niyang ngiti. Damn! Kung hindi siguro ako in love kay John Keith, Nalaglaga na siguro panty ko dito.
"No. I'm hot." Pagbibiro ko.
Nag tawanan na uli kaming dalawa. Hindi ko alam pero parang si James ang magiging matalik kong kaibigan. Pwedeng mag open-up. Dahil napaka gaan ng awra ngayong nasa paligid siya. Siya yung tipo ng tao na makakapalagayan mo agad ng loob dahil sa bubly niyang pagkatao. He's friendly.
Maya maya ay tinawag na kami ng isang crew para daw sa isang break fast. Tumayo si James at nilahad ang kamay niya.
"Let's eat, Miss Hot." Pag bibiro niya.
tumawa ako ng konti at kinuha ang kamay niya. Ang gaan niya agad kasama. Kaya magiging kumportable akong katrabaho siya. Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang maalala ang mga nangyari nung isang araw.
Hindi niya ba talaga ako mamahalin kahit na kaonti lang? Napansin yata ni James na may malalim akong iniisip.
"Hey, Miss Hot, What's up?" Nakangiti niyang sabi.
"Ah, Nothing. Just.. Hmm. Busog na kasi ako. Ikaw? Ang takaw mo naman pero ang payat mo. Mr. Payat!" Pagkasabi ko nun ay nagtawanan uli kami. Buti nandito siya at nakakatawa ako ngayon. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko kanina pero ngayon parang nabawasan nang dahil kay James. Nakakahawa kasi ang mga ngiti at tawa niya.
"You're so cute." Bigla niyang sabi.
"I know right." Sabi ko at nag flips ng hair na para bang pinag mamayabang ko pa. Doon lang tayo sa totoo. Char!
Buong breakfast ay nag tawanan lang kami ng tawanan. Nakalimutan ko ngang may sakit ako sa puso. Sakit na tawag ay JOHN! hays.
Maya maya ay nag sisimula ng mag set ang crew at si Direk. Minimake-upa-an na si James pati yung mga extra. Ako no need kasi natural naman daw ang beauty ko.
Ang eksena ay iiyak ako ng iiyak sa harapan ng dagat. Binubuhos lahat ng hinanakit. Doon ko makikilala si James na magpapagaan sa loob ko. Very real life lang kagaya nung kanina.
Nang natapos na yung shinoot namin ay bumalik na kami tent para panoorin yung tinape namin ni James. Binati kami ng staffs, Crews pati si Direk. Nakagawa daw kami ng new love team sa showbiz at mukha daw papatok kami sa mga fans. Medyo natutuwa ako doon ganoon narin si James. Pero mas gusto ko parin na si John ang para sa'kin. Tanga na kung tanga. Pero kasi, Mahal ko talaga siya.
Niyaya ako ni James na maglakad lakad sa bandang dagat. Palubog na ang araw kaya maganda na ang tanawin. May mga nag papa-picture sa'ming dalawa na fans. Binabati kami na bagay daw kami. May malaking hotel kaming paglalagiaan since tatlong araw kami dito sa resort na ito.
Umupo kami ni James sa buhanginan. Nakangiti lang siya habang tinitingnan ang paglubog ng araw.
"You know what?" Bigla niyang tanong. Nakatingin sa palubog na araw.
"What?" Tugon ko habang naka tingin din sa dagat.
"Kung ang paglubog ng araw ay kasabay sa pag kawala ng mga problema natin ay napakadali ng mag move on. Marami na sanang tao ang masaya ngayon." Nakangiti niyang sabi.
Bigla akong tinamaan sa sinabi niya. Sana nga sinasama na ng araw ang problem ng mga tao. Lalo na ang nararamdaman ko sa taong hindi masusuklian ang pagmamahal ko.
"Miss hot! 'Wag kang gagalaw ha?" Seryosong sabi ni James.
"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong. Mamaya baka rape-in pala ako nitong lalaking ito.
"Basta. Pag bilang ko ng tatlo bigla kang tumalon papunta sa'kin. " Sabi niya. Teka! Bakit ako kinakabahan?
Tumayo siya at parang naghahanda. Nag nod nalang ako dahil medyo nakakatakot ang mga sinasabi niya.
"Isa..." Pagsisimula niyang bilang.
"Dalawa..Tatlo. Go!" Sabi niya kaya napatalon ako sakanya.
Buhat buhat niya ako dahil sa takot ko na rin. "Ano ba kasing meron?" Takot kong tanong.
Bigla siyang tumawa at ngumiti. "Wala naman. May maliit na turtle ka lang na malapit nang maupuan." Sabi niya ng nakangiti.
Tiningnan ko yung buhanginan at may gumagapang nga na baby turtle na parang kakapisa lang at lalangoy na papunta sa dagat. Ang cute. First time kong makakita non.
"Oh my God! Ngayob lang ako nakakita ng ganyan." Sa sobrang excitement hindi ko pa nagawang bumaba mula sa pagkakabuhat sa akin ni James.
"Sweet lover, Sweet love team." Biglang may nagsalita sa likuran namin.
Nagulat ako na si John iyon na parang nakakunot ang nuo. Hinanap ko si Jullie pero wala. Dapat bukas pa ang dating niya pati ni Jullie. Pero bakit nandito na siya?
"Baba mo na ako." Utos ko kay James.
Dahan dahan akong binaba ni James at ngumiti siya. Humarap siya kay John para batiin ito.
"Bro!" Bati ni James kay John.
Tumango lang si John kay James. Naka shades din siya kaya di ko alam kung kanino siya nakatingin. Sa'kin ba o kay James. Pero malabong tingnan niya ako. Biglang sumaya ako dahil at least ngayong gabi ay walang Julie. Tanging ako at si John lang ang may moment. Babatiin ko na sana si John nang akbayan ako ni James. Nakita kong kumunot ang nuo niya sa ginawa ni James. Nagseselos kaya siya? Imposible. Sa dami ng masasakit na salitang binitiwan niya para sa akin? At bakit naman siya mag seselos kung wala namang kami?
Ako lang 'tong assuming.
"This girl is on fire! Napaka gaan niyang katrabaho. Sobrang galing umarte. And super hot niya daw sabi niya." Pagbibiro ni James na sinabayan ng halakhak.
Bigla kong sinapak si James sa tagiliran ng mahina. "Yes, I'm hot. And you are Mister Skinny." Sabi ko sabay dila.
Tumawa lang si James sa inasal ko. Biglang tumalikod si John na agad ko namang ikinabahala.
"Nice endearment. Mukhang nakakabala na ako sa new love team. Mauna na ako." Sabi ni John na parang may sama ng loob ang tono niya.
Hindi kaya, Nag seselos talaga siya? Pero bakit? Para saan? May pag-asa na ba ako?
Kikiligin na ba ako sa mga naiisip ko ngayon? Oh come on! Nag iilusyon na naman ako dito.
Pero feeling ko may laman ang mga sinabi niya kanina. "Nakaka abala na ako sa inyo"
Oh My God! Is this real na ang isang John Keith Montero ay nag selos kay James?
Napangiti ako sa na iimagine ko. Pero sana naman kahit kaonti ay nagseselos talaga siya.
It means na may nararamdaman na para sa akin si John. So madali ko na ba siyang makukuha ngayon? Papalitan niya na ba sai Julie dahil na realize niya ako talaga ang para sa kanya?
Shit! Kinikilig ako ngayon.
"Ah, Kathy? Are you there?" Nagulat ako nang nagsalita si James. "Kanina pa kita tinatanong kung papasok ka na ba sa Suit pero para kang adik sa kanto na may malalim na iniisip habang nakangiti.
Hindi ko pa rin mapigilan ngumiti sa mga nagaganap ngayon. "Wala naman. Tara dinner? Libre ko." Masaya kong yaya sa kanya. Nakita ko pang napataas ang iss niyang kilay pero agad naman siyang ngumiti.
Pag pasok namin sa restaurant ng Hotel ay agad namang sinaluhan si James ng staffs niya. Para siyang presidente na inaalalayan. Sana all may staff na nag aalaga sa akin. Pero darating rin ako sa ganyan. Wait niyo lang.
May dinner pala ang buong staffs and crew ng pelikulang ito. Kahit si Direk at ibang artists nandito rin.
"Save your money. Libre ni John daw ang lahat ng ito." Bulong sa akin ni James.
Agad kong hinanap si John sa paligid para sana mag thank you sa pa treat niyang ito at para sa table niya na rin ako umupo. Kaso kasama niya pala ang staffs niya.
Nawala na rin sa harapan ko si James dahil kinakausap na siya ng mga kasama niya doon sa kanilang table.
After kong makakuha ng food ay naghanap ako ng mauupuan. Since wala akong ka-close sa mga ito ay mag isa ako sa table.
Ang lungkot naman ng buhay na ito. Para akong kawawang nilalang na walang friends sa mundo.
Tanaw ko si John mula sa kinauupuan ko ngayon. Napaka gwapo niya sa white v neck shirt na suot niya. Bakat ba bakat ang chest niyang pang digmaan sa kama. Oh my God! Ang perv ko naman sa naisip ko. Pero I can't help my self na kahit sino namang babaeng makakita sa ganyang ka yummy na pangangatawan ni John ay mag lalaway din.
I finished my food and ready na sana pumunta sa room ko nang makasalubong ko si John. s**t! Yung mga tingin niyang nakakatunaw. Hindi ko maaalis ang mga titig ko sa kanya.
"H-hi!" Nahihiya akong bumati sa kanya. Napakunot ang kanyang noo at saka ako nilagpasan.
And then lahat ng mga naimagine ko kanina ay biglang nalusaw. Sabi ko nga na nag aassume lang ako na baka nag seselos siya.
I was wrong. Ngayon yung mga masasakit na salita niya ang bumabagabag ngayon sa isipan ko. Panandaliang saya lang naman pala ang mga naisip ko kanina.
Nanghihina akong tumapat sa elevator. Dapat nilalandi ko na ngayon si John, e. Pero para akong nawalan ng lakas dahil nalulungkot ako para sa sarili ko. Siguro kailangan ko lang itong itulog para may lakas akong mag pa impress kay John nang sa ganon ay masungkit ko na ang puso niya.
Pag bukas ng elevator ay nagulat ako nang akbayan ako ni James. "Busy yung staffs ko kaya nakatakas ako. Pa room tour ka naman." Ang cute niya lang. Para siyang bata sa inaasal niya ngayon.
"Siraulo. Baka hanapin ka ng mga kasama mo mapagalitan ka pa."
"Hayaan mo sila. Boring sila kasama e. Tara na sa room mo. Mukhang mas malaki room mo kaysa sa room ko e." Yaya niya.
"Hindi ka naman rapist ano?" Pag bibiro ko.
"That..." Tumaas taas ang kilay niya. Inalis ko ang kamay niyang naka akbay sa akin. "Just kidding." Ngumiti siya at tumawa ng para bang wala nang bukas.
"Gagu ka." At sinapak ko ang braso niya.
Nang nasa tapat na kami ng room ko ay biglang may nagsalita sa likuran namin.
"Where are you going?" Napalingon agad ako dahil kilala ko yung boses.
"John?"
"Uy pre" sabay naming sabi ni James. "Who?" Tanong ni James sa sinabi ni John.
Napatingin sa akin si John. Napaiwas ako sa sama ng tingin niyang iyon. "Fck. Nothing. You know what? I don't care." Sabi ni John at saka nilagpasan kami para pumasok na sa kanyang room.
"Weird." Side comment ni James.
"Yeah. Weird." And I don't know lang ah? Nagseselos talaga siya. Ramdam ko. Oh my God!