Kathy's POV
Walang taping ngayon kaya mag isa ako sa condo ko. Na-bobore na ako. Gusto kong makita si John ko. Silang dalawa lang ang inimbitahan sa isang sikat na talk show para sa mangyayaring movie. Hindi pa daw ako masyadong kilala sa indutriya kaya sila na muna. Paano nga naman ako sisikat kung hindi ako ang iniimbitahan sa mga ganyan?
Ganoon naman talaga siguro sa Showbiz, Kung sino ang sikat, Iyon lang ang bibigyan ng pansin.
Hitayin niyo ang pag angat ko sa career na ito. Sisiguraduhin kong matatapakan ko ang mga sikat na tinatawag nila. Hindi ako makakapayag na ang Jullie na 'yan ang forever leading lady ni John ko. Ako ang karapat dapat sa pwestong kinatatayuan niya ngayon.
Lalong lalo na sa puso ni John. Ako ang may ari ng puso niya. Walang iba. Kaya gagawin ko ang lahat mapa sa akin lang siya.
Binuksan ako ang TV ko at saktong yung talkshow na ang palabas. Nabanas lang ako sa ngiti ni Julie sa camera. Famewhore b***h.
"So, Magkatambal na naman kayo. Anong pakiramdam?" Tanong ng host kay Julie. Tumingin siya kay John ng napaka tamis. Gusto kong dukutin ang mata ng babaeng 'yan! Kung makatingin kay John ay para niya nang gustong lapain ito.
"Okay lang naman po. Mas kumportableng gumalaw sa set pag si John ang kasama mo." Sabi ni Jullie ng sobra ang ngiting pinapakita sa lahat ng tao.
Tila kinilig yung host sa narinig at naghiyawan ang fans nila ni John. Nakangiti rin si John sa sinabi ni Julie. Nainis ako bigla. Parang sasabog ako dahil sa inis na nararamdaman.
"Ang arte mo!" Side comment ko. Mahigpit na ang hawak ko sa remote control dahil sa inis.
"You, John. Kumusta naman ang tambalan nyo?" Tanong ng isa pang host. Nakakagigil na 'tong mga hosts, ah. Isa pa!
Ngumiti muna si John na parang kinikilig ang sisitema niya. Kinikilig ba siya? Bigla tuloy akong kinabahan. Feeling ko meron akong mababalitaang hindi maganda.
"It's good. Kahit na matagal na kaming pinagtatambal eh parang first time lang. Magaan siyang katrabaho. Masaya pag kasama siya." Ngumiti si John sa lahat. Yung ngiting malalaglag ang panty mo sa sobrang tamis ng pag kaka-smile niya.
Nagtilian ulit ang mga fans nila dahil na rin sa kilig. Nakakabanas na manood.
"Aba iba na ito ha? May mga balitang may nakakita daw sainyong dalawang nag-dedate sa New York. Totoo ba ito?" Kinikilig na tanong ng host. Ano bang mga tanong na 'yan?
Nagtinginan ng may meaning si John at Julie. Parang nagtatalo sila sa tingin lang kung sasabihin ba nila o hindi.
"HINDI TOTOO." Sabi ko sa sarili at talagang nang gigigil na ako sa napapanood ko. Kinakabahan ako sa pwede nilang isagot.
Para akong tangan kinakausap ang TV.
"Yes.." Sabi ni John.
Naghiyawan nanaman ang fans nila. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sumikip bigla ang aking dibdib. Para bang biglang sinapol ng bala ang aking puso. Sobrang sakit. Nanunuyo ang lalamunan ko at gustong kumawala ng aking mga luha.
"Hindi. Hindi sila nag date.." Sabi ko.
Bumibigat na ang dibdib ko. Para bang buong buhay ko ay nawala ng marinig ang bagay na iyon.
Oo, Hindi kami ni John. Ni hindi niya nga ako gusto. Pero dahil mahal ko yung tao natural lang na masaktan ako ng ganito. Over acting man, Pero ito yung nararamdaman ko ngayon. Date? 'Date' lang yung word pero nahiwa nito ang puso ko.
"Woah! So date iyon. Ano na bang namamagitan sainyong dalawa? May namamagitan nga ba?" Kinikilig na tanong ng host.
Nagkatinginan muna sila John at Julie. Ngumiti sa isat-isa bago magsalita si John.
"Yes." Sabi niya.
Nabingi ako sa narinig. Tanging mabilis na t***k ng puso ko nalang ang naririnig ko. Nasasaktan ako ngayon. Mabilis na dumaloy ang mga luha ko sa aking pisngi. Pinipiga ang puso ko. Nanghihina ako. Kinakagat ko ang mga labi ko para hindi lumabas ang ingay ng pag iyak ko.
Para akong mamamatay sa sobrang sakit na nadarama sa akin puso.
Binato ko ng mga unan ang TV. Tinanggal ko sa saksakan ito para hindi na marinig ang mg sinasabi nila. Tatayo sana ako pero nanghina ang mga tuhod ko.
"Sakin ka, John, diba? Sa'kin. Hindi ka kay Julie. Hindi ka para kay Julie." Ngawa ko sa sobrang bigat ng nararamdaman.
Hindi ako makakapayag na sumaya ka Julie. Pati ikaw John. Sakin ka lang sasaya at hindi sa Julie na iyan. Tumayo ako ng buong lakas. Kaylangan kong lumaban. Pero sa hindi patas na paraan. Hahayaan ko na munang maging kayo ng ilang araw. Pero sa susunod sa'kin ka na, John. Mine alone.
~
Balik trabaho na naman kami. Nasa set kami ngayon sa isang park. Nakikita kong naglalambingan ang dalawa. Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita. Mahal ko si John. Tanging siya lang ang lalaking karapat dapat sa akin. Pinipigilan ko ang sarili kong sugurin si Jullie at mag eskandalo.
Dahil marami ngang tao at fans sa paligid kaya kaylangan kong maging professional dito. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang na tinitingnan ako ni John sa gilid ng kanyang mga mata o sadyang tinitingnan niya talaga ako?
Nakasalamin ako habang nakaupo kaya hindi nila alam na pinagmamasdan ko sila. Bakit niya ako tinitingnan? Inaabangan niya bang may gagawin akong masama dahil lang sa sila na at inaasahan ni John na mag seselos ako at aawayin si Julie niya? Just wait, John. Mamaya pa.
Ang eksenang kukuhanan ngayon ay balak na sanang sagutin ko si John ngunit tumanggi na ito sapagkat si Julie na ang mahal niya at may special na silang pagtitinginan. May sampalang magaganap kaya hinahanda ko na ang isang sobrang lakas na sampal para kay Jullie. Sisigiraduhin kong lalagapak si Julie sa sahig.
"Action!" Sigaw ng direk
Nag te-take na ang camera. Ito na yung eksenang umiiyak ako dahil hindi na ako ang mahal ni John.
"Akala ko ako? Ako yung mahal mo diba?" Umiiyak kong sabi.
Kaylangan kong galingan ang pag arte para matalbugan ko si Julie na iyon. Nadadala na sa arte ko ang staffs at fans sa paligid. Nagluluha na rin sila dahil sa pinapakita kong arte.
Hinawakan ko ang laylayan ni John.
"Diba sabi mo ako yung gusto mong makasama? Diba sabi mo ako 'yong babaeng gusto mong makasama habang buhay? Anong nangyari doon?" Acting ko. Nag adlib pa ako para mag pa impress sa Direktor.
Nakikita ko sa mata ni John na parang naaawa siya. Magaling na actor talaga siya. Kuhang kuha niya ang mga nakalagay sa script at utos ng Direktor. He's so professional.Bagay talaga kaming mag sama. Parehas kaming magaling umarte. Hindi kagaya ni Julie San Pedro na pilit umiyak.
"Pero siya na ang mahal ko." Nakayuko niyang sabi. Parang sincere ito sa mga sinasabi niya.
Sa totoong buhay ay si Julie talaga ang mahal mo. Iyon ang pinaghuhugutan ko ngayon kaya dagdag emosyon para sakin.
"I'm sorry.." Sabi niya at niyakap ako.
Nagpupumiglas ako habang umiiyak. Maya-maya ay dumating na sa eksena si Julie habang umiiyak kunwari. Wala luhang lumalabas sa mata niya. 'Di marunong umarte. Kahit wala pang hudyat ng direktor ay sinugod ko na siya para sampalin ng malakas.
Napakuyom ang kamay ko sa lakas ng impact ng kamay ko sa pisngi niya. Namula ito at tuloy parin ang eksena. Hindi na umanggal ang direktor kaya tinuloy ko na ang drama.
"Akala ko ba bestfriend kita? Bakit mo nagawang agawin siya sa'kin?" Nanglalata kong sabi.
Sa sobrang galing ko sa pag arte ay napatayo na ang direktor ng pelikula.
"Sorry.." Sabi niyang umiiyak na.
Nakahawak si John sa balikat niya at kitang kita ko na galit siya sakin dahil alam niyang totoo at sobrang lakas ng sampal ko.
"Sorry lang? Wala na yan magagawa.." Sabi ko at umiiyak habang galit.
"W-wala pa naman tayo. Kaya hindi niya ako inagaw sa'yo." Sabi ni John. Fck that line. Feeling ko totohanan na ito. Ang sakit lang ng linyang iyon.
"Bakit? Bakit mo ako pinaasa? B-bakit? " Umiiyak kong sabi. Nakadagdag sa emosyon ko ang mga linyahan. Sobrang ganda ng script kaya greatful din ako na napasama ako sa heavy drama na ito. Para ko na rin naging training ground ang pelikulang ito.
"CUT! Good take! Good job, Kathy.." Sabi ng direktor.
Agad akong umayos at pinunasan ang luha. "Thank you, Direk!" Masaya kong bati. Ngumiti sa akin si Direk. Nakaka overwhelm naman na ngitian ka ng isang magaling na Direktor after ng scene. Nakakataba ng puso. Ibig sabihin ay nagustuhan niya ang pag arte ko.
Tumuloy na agad ako sa tent at padabog na umupo sa upuan doon. Hindi ko napigilang mapaiyak. Sa tunay na buhay ay parang ganoon ang parte ng akin. Hindi nga lang kami ni John ganoon. Pero ang inagaw siya sakin ni Julie ay ang totoo. Sobrang sakit na nakikita mong ang pinaka mamahal mong lalaki ay nasa piling na ng iba. Pinipiga ang puso ko sa mga naiisip. Ang sakit sakit lang talaga.
Nag-mamadaling pumasok sa tent si John at galit ang na hitsura ang bumungad sa akin. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo.
"Bakit?" Tanong ko na medyo basag ang boses.
Umiwas siya ng tingin. "Bakit mo yun ginawa?" Mahinahon niyang sabi pero halatang galit.
"Yun ba? Bakit? Nasaktan ba siya? Parang hindi artista." Sabi ko.
Binaling niya na yung tingin niya sakin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko ng sobrang diin. Masakit ang pagkaka kapit ng kanyang mga kamay sa balikat ko.
"Bakit mo ba yung ginawa?!" Medyo pasigaw niyang sabi.
Tinanggal ko yung kamay niys sa balikat ko. Dahil nasasaktan ako sa pagkakadiin ng kamay niya.
Tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata. "Dahil inagaw ka niya sakin!" Sabi ko. Napakagat ako sa aking labi dahil nag crack ang boses ko. Nag babadya na naman kasi ang mga luha ko.
Nanggigigil na ang mga tingin niya at ngipin. Sobrang sama ng tingin niya na parang gusto niya na akong patayin. Para bang sa sobrang galit niya ay kaya niya akong ibalibag sa sahig. He's scary pero nandoon pa rin ang compliment na napaka gwapo nya kahit ano pa mang emosyon ang ipakita niya sa mukha niya. Kitang kita sa jaw line niya kung gaano siya nang gigigil sa akin ngayon.
"Are you really that crazy?! Ako? Inagaw niya sa'yo? Nahihibang ka na." Sabi niya at sarkastikong tumatawa.
"Oo. Dahil para sa akin ka lang. Alam mo naman 'yun. Matagal na diba, John. Dahil sa'yo kaya ako nag showbiz. Hindi mo pa ba ako mapapansin?" Sabi ko na parang nagmamakaawa. Bumigay na ang aking luha na kanina ay pinipigilan ko.
"Walang sa'yo. Hindi ako sa'yo. At hinding hindi kita magugustuhan kahit kaylan. Just stop this fcking s**t!Sa susunod na saktan mo pa siya ulit....Ako na makakalaban mo. I will never forgive you" Sabi nya at tumalikod.
Maglalakad na sana siya nang niyakap ko siya sa likuran. Binaon ko ang mukha ko sa likuran niya. Nanginginig ang kamay at mga paa ko. I never beg to someone. Sa kanya lang talaga ako nag kakaganito.
"Please. Kahit konting pagmamahal lang." Sabi ko ng umiiyak. Nararamdaman ako ng mabilis na pag hinga ni John.
"Please.." Sabi ko. "Nasasaktan na ako.." Diniin ko pa lalo ang mukha ko sa likuran niya. Nababasa na ang kanyang polo dulot ng aking mga luha. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko.
Naramdaman kong kumalma ang buong katawan niya. Inaasahan kong yayakapin niya ako pabalik nung tinanggal niya ang kamay ko sakanya at humarap siya.
"Wala. Hindi kita gusto." Sabi niya at tuluyan ng umalis. Napa upo ako bigla nang iwan niya akong luhaan. Wala ba talaga kahit na katiting na pag asa na magustuhan ako ng ni John?
Kinagat ko ang isa kong daliri sa sobrang bigat ng nararamdaman. Alam ko naman na nagpapakatanga ako sa wala. pero ito eh. Ito yung nararamdaman ko. Hindi na yata ito mababago. Habang buhay na yata ako mag hahabol at magpapakatanga sa isang tao na kahot kailan ay hindi makikita ang halaga ko. Mahal na mahal ko parin siya kahit ang sakit sakit na..
**