CHAPTER 2 : Pain

1325 Words
Kathy's POV Walang taping ngayon kaya mag isa ako sa condo ko.  Na-bobore na ako. Gusto kong makita si John ko. Silang dalawa lang ang inimbitahan sa isang sikat na talk show para sa mangyayaring movie. Hindi pa daw ako masyadong kilala sa indutriya kaya sila na muna. Paano nga naman ako sisikat kung hindi ako ang iniimbitahan sa mga ganyan? Hitayin nyo ang pag angat ko sa career na ito. Sisiguraduhin kong matatapakan ko ang mga sikat na tinatawag nila. Hindi ako makakapayag na ang Jullie na 'yan ang forever leading lady ni John ko. Ako ang karapat dapat sa pwestong kinatatayuan niya ngayon. Lalong lalo na sa puso ni John. Ako ang may ari ng puso niya. Walang iba. Binuksan ako ang TV ko at saktong yung talkshow na ang palabas. Nabanas lang ako sa ngiti ni Jullie sa camera. Famewhore b***h.  "So, Magkatambal nanaman kayo. Anong pakiramdam?" Tanong ng host kay Jullie. "Okay lang naman po. Mas kumportableng gumalaw sa set pag si John ang kasama mo." Sabi ni Jullie. Tila kinilig yung host sa narinig at naghiyawan ang fans nila ni John. Nakangiti rin si John sa sinabi ni Jullie. Nainis ako bigla.  "Ang arte mo!" Side comment ko. "You, John. Kumusta naman ang tambalan nyo?" Tanong ng isa pang host. Ngumiti muna si John na parang kinikili ang sisitema niya. Kinikilig ba siya? Bigla tuloy akong kinabahan. Feeling ko meron akong mababalitaang hindi maganda. "It's good. Kahit na matagal na kaming pinagtatambal eh parang first time lang. Magaan siyang katrabaho. Masaya pag kasama siya." Ngumit si John sa lahat. Nagtilian ulit ang mga fans nila. "Aba iba na ito ha? May mga balitang may nakakita daw sainyong dalawang nag-dedate sa new york. Totoo ba ito?" Kinikilig na tanong ng host. Nagtinginan ng may meaning si John at Jullie. Parang nagtatalo sila sa tingin lang kung sasabihin ba nila o hindi.  "HINDI TOTOO." Sabi ko. Para akong tangan kinakausap ang TV. "Yes.." Sabi ni John. Naghiyawan nanaman ang fans nila. "Hindi. Hindi sila nag date.." Sabi ko. Bumibigat na ang dibdib ko.  "Woah. So date iyon. Ano na bang namamagitan sainyong dalawa? May namamagitan nga ba?" Kinikilig na tanong ng host. Nagkatinginan muna sila John at Jullie. Ngumiti sa isat isa bago magsalita si John. "Yes." Sabi niya. Nabingi ako sa narinig. Tanging mabilis na t***k ng puso ko nalang ang naririnig ko. Nasasaktan ako ngayon. Mabilis na dumaloy ang mga luha ko sa aking pisngi. Pinipiga ang puso ko. Nanghihina ako. Kinakagat ko ang mga labi ko para hindi lumabas ang ingay ng pag iyak ko. Binato ko ng mga unan ang TV. Tinanggal ko sa saksakan ito para hindi na marinig ang mg sinasabi nila. Tatayo sana ako pero nanghina ang mga tuhod ko. "Sakin ka, John, diba? Sa'kin. Hindi ka kay Jullie. Hindi ka para kay Jullie." Ngawa ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. Hindi ako makakapayag na sumaya ka Jullie. Pati ikaw John. Sakin ka lang sasaya at hindi sa Jullie na iyan. Tumayo ako ng buong lakas. Kaylangan kong lumaban. Pero sa hindi patas na paraan. Hahayaan ko na munang maging kayo ng ilang araw. Pero sa susunod sakin ka na John. Balik trabaho nanaman kami. Nasa set kami ngayon sa isang park. Nakikita kong naglalambingan ang dalawa. Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita. Mahal ko si John. Tanging siya lang ang lalaking karapat dapat saakin. Pinipigilan ko ang sarili kong sugurin si Jullie at mag eskandalo. Dahil marami ngang tao at fans sa paligid kaya kaylangan kong maging professional dito. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang na tinitingnan ako ni John sa gilid ng kanyang mga mata o sadyang tinitingnan niya talaga ako? Nakasalamin ako habang nakaupo kaya hindi nila alam na pinagmamasdan ko sila. Bakit niya ako tinitingnan? Inaabangan niya bang may gagawin akong masama dahil lang sa sila na at inaasahan ni John na mag seselos ako at aawayin si Jullie niya? Just wait, John. Mamaya pa. Ang eksenang kukuhanan ngayon ay balak na sanang sagutin ko si John ngunit tumanggi na ito sapagkat si Jullie na ang mahal niya at may special na silang pagtitinginan. May sampalang magaganap kaya hinahanda ko na ang isang sobrang lakas na sampal para kay Jullie. "Action!" Sigaw ng direk Nag tetake na ang camera. Ito na yung eksenang umiiyak ako dahil hindi na ako ang mahal ni John. "Akala ko ako? Ako yung mahal mo diba?" Umiiyak kong sabi. Kaylangan kong galingan ang pag arte para matalbugan ko jullie na iyon. Nadadala na sa arte ko ang staffs at fans sa paligid. Nagluluha na rin sila dahil sa pinapakita kong arte. Hinawakan ko ang laylayan ni John. "Diba sabi mo ako yung gusto mong makasama? Anong nangyari doon?" Sabi ko. Nakikita ko sa mata ni John na parang naaawa siya. Magaling na actor talaga siya. Bagay talaga kaming mag sama. "Pero siya na ang mahal ko." Nakayuko niyang sabi. Sa totoong buhay ay siya talaga ang mahal mo. Iyon ang pinaghuhugutan ko ngayon kaya dagdag emosyon para sakin. "I'm sorry.." Sabi niya at niyakap ako. Nagpupumiglas ako habang umiiyak. Maya-maya ay dumating na sa eksena si Jullie habang umiiyak kunwari. Wala luhang lumalabas sa mata niya. 'Di marunong umarte. Kahit wala pang hudyat ng direktor ay sinugod ko na siya para sampalin ng malakas. Napakuyom ang kamay ko sa lakas ng impact ng kamay ko sa pisngi niya. Namula ito at tuloy parin ang eksena. Hindi na umanggal ang direktor kaya tinuloy ko na ang drama. "Akala ko ba bestfriend kita? Bakit mo nagawang agawin siya sakin?" Nanglalata kong sabi. Sa sobrang galing ko sa pag arte ay napatayo na ang direktor ng pelikula. "Sorry.." Sabi niyang umiiyak na. Nakahawak si John sa balikat niya at kitang kita ko na galit siya sakin dahil alam niyang totoo at sobrang lakas ng sampal ko. "Sorry lang? Wala na yan magagawa.." Sabi ko at umiiyak habang galit. "W-wala pa naman tayo. Kaya hindi niya ako inagaw sayo." Sabi ni John. "Bakit? Bakit mo ako pinaasa?" Umiiyak kong sabi. "CUT! Good take! Good job, Kathy.." Sabi ng direktor. Agad akong umayos at pinunasan ang luha. "Thank you, Direk!" Masaya kong bati. Tumuloy na agad ako sa tent at padabog na umupo sa upuan doon. Hindi ko napigilang mapaiyak. Sa tunay na buhay ay parang ganoon ang parte ng akin. Hindi nga lang kami ni John ganoon. Pero ang inagaw siya sakin ni Jullie ay ang totoo. Sobrang sakit na nakikita mong ang pinakamamahal mong lalaki ay nasa piling ng iba. Pinipiga ang puso ko sa mga naiisip. Nagmamadaling pumasok sa tent si John at galit ang mukha. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo. "Bakit?" Tanong ko na medyo basag ang boses. Umiwas siya ng tingin. "Bakit mo yun ginawa?" Mahinahon niyang sabi pero halatang galit. "Yun ba? Bakit? Nasaktan ba siya? Parang hindi artista." Sabi ko. Binaling niya na yung tingin niya sakin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko ng sobrang diin. "Bakit mo ba yung ginawa?!" Medyo pasigaw niyang sabi. Tinanggal ko yung kamay niy sa balikat ko. "Dahil inagaw ka niya sakin!" Sabi ko. Nanggigigil na ang mga tingin niya at ngipin. Sobrang sama ng tingin niya na parang gusto niya na akong patayin. "Baliw ka na ba talaga? Ako? Inagaw niya sa'yo? Nahihibang ka na." Sabi niya at sarkastikong tumatawa. "Oo. Dahil para sakin ka lang. Alam mo naman 'yun. Matagal na diba, John. Dahil sa'yo kaya ako nga showbiz. Hindi mo pa ba ako mapapnsin?" Sabi ko na parang nagmamakaawa. "Walang sa'yo. Hindi ako sa'yo. At hinding hindi kita magugustuhan kahit kaylan. Tingilan mo na ito. Sa susunod na saktan mo pa siya ulit....Ako na makakalaban mo." Sabi nya at tumalikod. Maglalakad na sana siya nang niyakap ko siya sa likuran. "Please. Kahit konting pagmamahal lang." Sabi ko ng umiiyak. "Please.." Sabi ko. "Nasasaktan na ako.." Diniin ko ang mukha ko sa likuran niya. Naramdaman kong kumalma ang buong katawan niya. Inaasahankong yayakapin niya ako pabalik nung tinanggal niya ang kamay ko sakanya at humarap siya. "Wala. Hindi kita gusto." Sabi niya at tuluyan ng umalis. Kinagat ko ang isa kong daliri sa sobrang bigat ng nararamdaman. Alam ko naman na nagpapakatanga ako sa wala. pero ito eh. Ito yung nararamdaman ko. Hindi na yata ito mababago. Mahal na mahal ko parin siya kahit ang sakit sakit na..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD