EMORI'S POV (Flash backs high school days) "Em, hindi ka ba lalabas ng kwarto mo? Anong oras na, oh, baka ma-late ka niyan." Katok ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Luhhhh! bakit ngayong araw ayokong pumasok? dahil sa Lee na 'yan. "Opo ma, Lalabas na!" I shouted. Lupaypay akong lumabas ng kwarto. Seryoso? ngayon lang ako tinamad pumasok. ulit. Hindi ako dumiretso sa table para kumain. Dumiretso ako sa garden at hinanap si Lele— aso kong makulit. Isa siyang poodle at hinahayaan ko lang siyang gumala sa garden. Hindi naman niya pinapakailaman yung flowers ni mama, e. "Hi, Lele, Kumain ka na ba?" Tanong ko dito. Akala mo naman sasagot. Kinawag-kawag niya lang yung buntot niya at dinilaan ang kamay ko. "Ang cute mo talaga!" Sabi ko dito at binuhat para pakainin. "Inuna mo pa talaga '

