Naging maganda ang bonding nila Lincoln at Chelsea, imbis na mag-aral ay inatupag lang nila ang paglalaro ng isang mobile game. Mas naging kumportble na rin sila sa isa't-isa. Halos makalimutan na nila ang pinagsaluham nilang mainit na isang gabi. Nawala ang awkwardness sa kanilang dalawa. Tumatawa at ngumingiti na si Lincoln kay Chelsea. Ikinatutuwa naman ni Chelsea na ganoon na ang trato at tingin sa kanya ni Lincoln. Halos sumuka na siya ng rainbow dahil sa kilig na nararamdaman. Natapos na naman ang tutoe hours nila ay wala talaga silang ginawa kundi ang magtawanan at maglaro. Walang kamalay-malay ang Mommy ni Lincoln na puro kalokohan lang ang ginagawa ng dalawa. "Next week ulit?" Masayang tanong ni Lincoln. Ibinalandra nito ang matamis na ngiti at sumabay ang mga matang halos h

