"After ko manganak baka pwede na akong tumanggap ng projects?" Isinara ko ang librong binabasa ko dahil sa tanong ni Kathy. Tinignan ko siya nang seryoso. "No," Tabang kong tugon at saka tumabi sa kanya. "Pinag-usapan na natin ang bagay na iyan 'di ba? after mo manganak ay magpapahinga ka muna ng isang taon," Dagdag ko. Sumimangot siya. Na-adik na talaga siya sa pag-arte. Niyakap niya na talaga ang dating ayaw naman niya talagang gawin. Naging artista lang naman siya nang dahil sa akin. Tumayo siya at saka padabog na naglakad. "Be careful!" I shouted, Kabuwanan na niya kasi ngayon kaya dapat konting ingat. Anytime pwede na siyang manganak. Excited na akong lumabas ang baby namin at malaman kung anong gender. Sana lalaki para may barako agad ako. Okay lang din na babae para may Pri

