Kathy's PoV I'ts been five years nang ipinanganak ko ang panganay namin ni JK. Ngayon mayroon kaming pinaka makulit na anak. "Daddy!" Rinig ko ang sigaw ni Lincoln sa kabilang kwarto. Agad umalis sa pagkakapatong sa akin si JK. Wala pa nga nangyayari, e. Bigla tuloy akong nabitin. "Laters," he said, and then winked at me. Hinalikan niya ang pisngi ko at saka umalis ng kwarto para puntahan ang anak namin. Bumangon na rin ako at saka sumunod sa kwarto ng anak namin. Naabutan ko silang nakahiga parehas sa kama at pinapatulog ni JK si Lincoln. The cutest I've ever seen. Sobrang alaga ni JK sa aming dalawa ni Lincoln. Masasabi kong siya na ang best Daddy and Husband. Hindi niya ako pinapabayaan. Araw-araw niya akong pinapakilig kagaya ng pingako niya sa akin na hinding-hindi niya na

