It's been days simula nang nakabalik sa Pinas si Raven Montenegro. Hindi pa rin alam ni Lincoln kung anong gagawin kung sakaling magkita sila ng dating iniibig. Panay buntong-hininga ang nagagawa ni Lincoln mula nang pumasok sa skwelahan. Napapansin ito ni Emori at iba pa nilang kaibigan. Ayaw din nilang kausapin si Lincoln dahil alam nila ang ugali nito kapag kinukulit. Nagiging masungit. Siguro nagmana siya sa kanyang Mommy na si Kathy. Kinukuha nilang kurso ay Business dahil na rin sa negosyo na hawak sa ngayon ng kani-kanilang mga magulang. Ayaw kasi ni Lincoln na sumunod sa yapak ng kanyang ina na maging isang artista. Kahit na ba dating artista ang Daddy niya pati ang mga ninong at ninang niya ay mga artista ay hind pumasok sa isip ni Lincoln ang pasukin ang mundo ng showbiz. U

