ZOEY'S POV "I can make a good guy, bad for a weekend." Kanta ni Darrria—classmate ko, habang absent ang teacher namin ng English. Binaliktad niya yata 'yong lyrics. Mas gusto niya yata bad? Grabe. Day 5 absent ang teacher? Utang na loob naman. "That's what you get when you let your heart win. Wooh ho huwooohooo." Sigaw naman ni Sam. Kanya-kanya silang ginagawa dahil wala ngang teacher. May nag-me-make up-an. May nagliligawan. May nagsusugal (Utang na loob naman. Section 1 nga ba ito?) Parang last section lang ah? Pero ako, Ang ginagawa ko lang naman ay tumahimik. Tahimik ako. Tahimik na nakatulala kay Ivan—ultimate crush ko since grade seven, Nakangiti, Nakahalumbaba, Inaangkin ng aking mga mata ang kakisigan niya. "Neng, Laway mo!" Biglang hampas ni Darria sa balikat ko. "Kanina

