EMORI'S POV Simula noong nagtapat si Lee noong nakaraan sa isang Party ay hindi ko na ulit nakita siya maski ang kanyang anino. Kahit sa School ay hindi ko nababalitaan na pumapasok siya. Medyo napapaisip naman ako na kung bakit? Hindi naman sa nag-iinaso ako dito pero kasi, ikaw ba naman sabihan ng ganoon tapos hindi ka na paparamdaman? Siyempre mag-iisip ka rin na kung bakit hindi na siya nagpaparamdam. Hindi naman sa umasa ako or what, pero kasi ang weird niya lang talaga. Wala naman akong lakas ng loob na ipagtanong siya sa kanyang mga kaibigan. I don't care naman kahit isang taon pa siyang hindi magpakita sa akin. Mukha namang hindi siya seryso sa mga diskarte niya sa akin, e. Kulang na kulang ang moves niya para mapaniwala ako. "Ate," natauhan ako nang kausapin ako ni Chase. "

