(Lexie Monteverdi’s POV) Late afternoon, at ang huling liwanag ng araw ay dumudulas sa mga dahon ng garden. Ang hangin ay may halimuyak ng basang lupa at sariwang herbs, na may kaunting aroma ng kape mula sa veranda—parang signature scent ng hacienda na nakakapagpa-relax kahit pagod ang katawan. Sa bawat hakbang ko sa malambot na damuhan, may kasamang tunog ng kuliglig at huni ng mga ibon. Ang garden, puno ng seedlings at flowering herbs, ay parang maliit na paraiso sa gitna ng hacienda, at kahit may dami ng tao sa paligid, ramdam ko ang tahimik naming bubble ni Elian. Si Rafa, Zyra, at Aira ay abala sa kanilang gardening tasks, nagtatawanan sa bawat corny joke o maliit na prank. Si Kiell naman, seryoso sa pag-aayos ng tools at pag-label ng trays, halos hindi makisali sa chaos ng grupo.

