Maaga pa lang ay gumayak na si Rica para makapunta sa bahay ng taong mahal. Ayaw niyang palampasin ang araw na wala siyang ginagawa para makabawi rito. Kagabi ay napagplanuhan nilang maglola na dalhan si Nita ng gusto nitong pagkain. Ito ay ang cheesecake. Pinaghirapan talaga ito ni Rica para sa babaeng mahal at ang lola niya ang taga-tikim. Nakangiting naglalakad si Rica dahil natatanaw na niya ang bahay ng babaeng sinisinta. She was so excited to face her again. Alam niyang hindi pa sila in good terms ng ama nito at gagawin niya ang lahat makasundo lang ang mga magulang nito katulad no'ng dati. Sandali pa, nakarating rin siya. Nakita agad ni Rica si Aling Cora na nagwawalis sa kanilang bakuran. May katandaan na rin ito pero malusog pa nag pangangatawan. Rica missed her too. "Tao

