Dumaan ang mga araw, linggo, nakipag-date si Rica sa ibat ibang lalaki na pinapakilala sa kaniya o nagkakalakas loob na tanungin siya. Hindi naman lahat ay kaya siyang alukin dahil iniisip nila ang estado nito sa buhay at ang iba ay akala mong sinong malinis ayaw ng babaeng may dating asawa. Unang nanligaw sa kaniya ay isa ring doktor sa ospital nila. Naka isang labas lang sila dahil prinangka niya na agad ito na wala siyang maramdaman. Ganoon siya dahil wala naman talaga at hindi maipipilit. Sumunod ay mga nurses na umatras dahil naiilang kapag hinahatid siya dahil may sasakyan. Natatapakan ang p*********i nila. Wala naman magawa si Rica isa pa ayaw niya rin sa kanila. Ang sumunod na sumubok ay businessman. Lahat ay may sabi sa buhay, pogi at matikas. Mga gusto ng isang babae sa l

