Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigit na isang buwan ang pinagbubuntis si Nita. Naging maayos naman ang lahat dahil alaga siya ng tao sa bahay lalo na si Rica. Halos hindi soya palabasin nito sa sobrang pagka-protective. Napakapayapa ng mga nagdaang araw na halos hindi na nila namalayan ang pagtakbo ng oras lalo na 'pag kasama nila ang isat isa. Wala mang nagsasabi kung ano ang kanilang nararamdaman, basta masaya sila. Simula rin ng gabi na tumabi ang dalaga kay Rica sa pagtulog, gabi-gabi niya nang kinakatok ang amo para tumabi sa pagtulog. Naging mas clingy na rin siya sa amo na hindi naman minamasama ng huli. Maayos ang lahat pero ang kinabibigla nila, isang buwan pa lang ang tiyan niya pero akala mo dalawa na dahil nahalata na ang umbok nito. May naisip na si Rica na dahilan,

