Sobrang ang saya ni Rica nang malaman niyang buntis si Nita. Walang mapagsidlan ng sayang kaniyang nararamdaman. Ngayon na lang ulit siya sumaya at mas mahigit pa ito kaysa rati. It is the happiness and fulfillment. Halos mapatalon siya ng malaman niyang positive ang pregnancy test. Pero sabi nga, minsan hindi ito sigurado kaya para mas makasigurado at sa kagustuhang malaman kung totoo ito, iniksamen na nila si Nita. Dinala niya sa hospital at doon pinatingnan dahil may gamit doon. Sobra ang tuwa ni Rica sa nalamang nabuo na ang bata ayon sa pagsusuri. Nakakaramdam siya ng excitement na halos haplos siya ng haplos sa impis pang tiyan ng dalaga. She's so happy na parang unang beses niyang maging ina. Napuno ng saya ang buong tahanan, lalo na si Rica na siyang lumiliwanag sa buong kaba

