Naging matiwasay na ang pag-iisipan ni Rica. Naisipan niya ng umuwi at harapin ang dapat harapin. Oras na para harapin niya ang kan'yang tinakbuhan at ipaglaban ang kaniyang karapatan. Mahina pa rin siya pero magpapakatatag siya para sa mga importanteng tao sa kaniyang buhay. Maaga pa lang ay inayos niya na ang kailangan niyang ayusin. Tinawagan niya na rin ang gusto niyang makausap. Umabot ng mahigit isang linggo bago siya nakapagpasya. Ito ay ang bibitawan niya na ang lalaking sobrang minahal niya. Isang lalaki kung saan umikot ang mundo niya. Alam niyang hindi na magbabago pa ang isip ni Gab kahit anong gawin niya. So, bakit niya pa ito pipiliting bumalik? Sobra na rin lahat nang naranasan niya sa kamay nito. Naisip niyang sarili niya naman ang umpisahan niyang mahalin at pahalaga

