Chapter 13: What A Night

3576 Words

Masaya ang naging biyahe ng magkakaibigan. Sa pasimuno ni Patricio, na gustong tawaging Patricia paminsa-minsan, napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan. Marami itong baon na patawa na kahit minsan ay hindi naluluma.  Pumasok sila sa parking lot ng isang malaking gusali. Namangha si Nita sa nakita mula sa labas hanggang sa loob. Sa TV niya lang nakikita ang ganito kalaking mall. Hindi naman siya inosente talaga, pero hindi niya lang mapigilang huwag mamangha. Unang beses niyang makatapak sa malaking mall ng bansa.  "Ganiyan din kami noong unang punta namin dito. Hindi mo talaga mapigilang huwag humanga. Tapos ang tataas din ng gusali na nakapalibot dito." Sabi ni Toni na kinatango lang ni Nita. Ayaw niyang magsalita baka ano pa ang masabi niya at nahihiya siyang mapagtawanan.  "Tara na!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD