Tinuruan ng kaniyang mga magulang na masama ang manakit ng tao, kahit may kasalanan ito sa iyo. Ang mga sinasabi niya noon sa senyora ay kasiyahan lamang at hindi niya kayang gawin iyon. Sabi pa ng mga magupang niya, tulongan siya raw ang nangangailangan. Hindi tamang saktan sino man lalo na kung babae. Ang babae ay pinapahalagahan at minamahal, hindi sinasaktan. Hindi alam ni Nita kung saan nanggaling ang kaniyang lakas at bilis pero nakarating agad siya sa harap ng among lalaki at naitulad niya ito ng malakas, na kinatumba talaga nito. Ang nasa kaniyang isipan lang ng mga oras na iyon ay mailigtas ang among babae sa hagupit ng asawa. Ayaw niyang may nasasaktan. Nanggagalaiti si Gab na tumayo habang si Nita ay tinutulongan si Rica na makatayo. Nasa sala lang sila at nabasag pala kani

