"Hmmm!" Daing ni Nita habang pinipilit na idilat ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam pero masakit ang kaniyang noo at batok. Para siyang hinampas doon na hindi niya mawari kung paano. Hindi pa siya makapag-isip ng maayos pero may narinig siyang ingay. "Nita!" tawag nito sa kaniya sa malamyos na boses. Nakilala niya agad kung kanino ang boses dahil iisang tao lang ang alam niyang may boses na ganito. "Ang sakit ng u-ulo ko." Daing pa ni Nita na nauutal dahil sa sakit. Medyo nanunuyo rin ang kaniyang lalamunan kaya hindi niya masyado nabigkas ang mga salita. Naintindihan naman ito ng kasama niya kaya kumuha ito ng tubig at itinapat sa kaniyang mga labi. Pikit ang mata na unti-unting lumagok ng tubig ang dalaga hanggang napawi ang uhaw na kaniyang nadarama. Nang palagay niya ay ayos

